Jomari Ylanna, ayaw humingi ng pabor kina Pops Fernandez at Ara Mina – Ruben Marasigan

LUHAAN man sa hindi magandang ending ng lovestory nila ni Paolo Bediones, waging-wagi naman ngayon sa kanyang showbiz career ang former Bb. Pilipinas 1st runner up na si Abigael Cruz.

Kasali na siya sa cast ng Lovers in Paris bilang friend ni Assunta de Rossi, kinukuha rin siyang mag-host ng isang home TV shopping show ng Solar Entertainment at left and right din ang offers sa kanya for product endorsements.

Katatapos lang niyang gawin ang Cordillera bilang leading lady ng action star na si Roi Vinzon at pumayag  siyang maging daring sa nabanggit na movie.  May maiinit siyang lovescene with Roi, huh!

May intriga nga na dahil after ng break-up nina Abby at Paolo nang gawin ng dalaga ang movie na ito, naging madali umano na kumbinsihin siyang gawin ang ilang mga mapangahas na eksena.  Para umanong paraan ng pagrerebelde niya that time dahil sobrang nasaktan nga raw siya sa split-up nila ng TV host.

Hala!  Merong gano’n talaga?

Pero ayaw naman daw isipin ni Abby na naging jinx ang binata kaya during that time na mag-on sila ay walang dumarating na break kaugnay ng pangarap niyang mag-artista.  Nagkataon lang daw siguro na kung kailan loveless siya ay saka naman dumagsa ang offers sa kanya.

Ginagawa ngayon ni Abby ang Tanglaw na bida na siya.  Isang domestic helper ang character niya rito.

Isang guwapong single dad ang producer ng launching movie na ito ni Abby. First choice daw siya rito para maging bida. Sobrang bait daw nito sa dalaga at parang nagpapalipad-hangin na raw sa beauty queen-turned actress.

Si Abby naman, parang magaan din umano ang loob sa producer na ito na sabi’y may hawig daw kay Paolo.

‘Yun na!

NAKAAAGAW-PANSIN SA amin ang kakaibang sigla ni Jomari Yllana nang mapadaan kami sa taping ng Celebrity Duets.

Pilit naming pinaaamin kung may bagong lovelife na naman siya ngayon.

“Wala.  Puro trabaho ako ngayon.  Walang time para sa lovelife!” nakangiti niyang sabi.  “Siyempre kapag ganitong maraming trabaho, it’s really inspiring to work and work na parang hindi ka nakararamdam ng pagod.

“Hindi ba kapani-paniwalang wala akong lovelife?  Ha-ha-ha!  Ang weird, ‘no?  Pero talagang wala.  Ilang months na rin, ‘di ba since the time na nag-break kami ni Pops.

“Siguro kapag medyo nakaluwag-luwag sa working schedule ko, baka maisingit ko ang tungkol diyan.  Pero right now, wala talaga akong panahon to go out on a date, manligaw o kahit sa simpleng gimik-gimik lang.

“Kapag Sunday, at least I have time to be with my son Andrei (anak nila ni Aiko Melendez).  Punta kami sa mall, we go shopping, watch a movie, o kaya do’n kami sa arcade.”

“Paano kung maengganyo siyang mag-artista?  Okey lang naman sa akin.  Pero sana, tapusin muna niya ang pag-aaral niya.  Kung hindi talaga maaawat halimbawa, kahit high school man lang, matapos niya.”

Recently, ang ex din niyang si Ara Mina, kinuhang partner ng isa sa contestants ng Celebrity Duets.  Bakit hindi na lang kaya si Jomari?  O, puwede rin naman si Pops, ‘di ba?

“Huwag na.  Kasi it’s like asking a favor from them.  Huwag na lang,” maikling reaksiyong nasabi na lang ni Jom.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Jomari Ylanna, ayaw humingi ng pabor kina Pops Fernandez at Ara Mina – Ruben Marasigan

  1. dahil sobra sobra na sa pabor ang ibinigay ng dalawa kay Jomari “PAL” ilang taon ba namang palamunin nina POPS at ARA itong lalake na itech

  2. Jomari, “It’s like asking a favor from them”? Kailan ka pa hindi humingi nang favor sa mga dating girlfriends mo? USER.

Leave a Reply

Your email address will not be published.