Jomari reveals the real score

Merese
by Dinno Erece

SI JOMARI YLLANA naman ang magsasalita sa hiwalayan nila ni Pops Fernandez.

Scoop pa ring maituturing ang pagsasalita ni Joms tomorrow night sa magbubukas na comedy-talk show ng GMA na Cool Center hosted by Anjo Yllana at Eugene Domingo, pero nauhanan na siyang magsalita hindi lang ni Pops kundi pati si Martin Nievera dahil na-announce nga nang maaga ang plano ng Cool Center for its pilot episode. Mabuti na lang mas maraming masasagot si Joms so, mas magiging explosive ang pagsasalita niya.

Hopefully, hindi kabahan sina Anjo at Eugene na bulatlatin lahat at itanong kay Joms pati ang usapang pera dahil tutal nagsalita na nga rin sina Pops at Martin. Siya kasi ang nagmukhang kontrabida sa usapan dahil naunahan na nga siya ng kaniyang ex so, kailangan niyang linisin ang pangalan niya kung ano ba talaga ang tunay sa mga naglabasang kuwento. Kasi kahit kami, iba ang naririnig namin na taliwas din sa unang lumabas.

Pero hihintayin na lang din naming si Joms ang mag explain.

SA PELIKULA RIN, unahan ang labanan.

Binuksan ang 2009 ng isang romantic movie na Love Me Again ng Star Cinema at sinundan ito ng dalawang blockbuster light romance na When I Met U ng GMA Films at ng You Changed My Life ng Star Cinema ulit. Kung nauna sa romance this year ang Star Cinema, ang GMA Films naman ang mauuna sa horror genre sa taong ito sa pagbubukas ng Sundo this March 18 starring Robin Padilla, Sunshine Dizon, Katrina Halili, Rhian Ramos, Mark Bautista at Hero Angeles.

Horror din kasi ang susunod na movie ng Star Cinema pero sa Black Saturday pa ito so, may three full weeks na masu-solo ng first horror movie ni Robin ang mga sinehan. Directed by Toppel Lee from the script of Aloy Adlawan, this is the same creative team that brought the blockbuster horror movie noon nina Judy Ann Santos and Jolina Magdangal na Ouija so it expect to be well-crafted, well-directed and well-thought ang story.

Ang premiere night ng Sundo ay this Tuesday, March 17.

ORIGINAL IS THE best pa rin, ayon sa first Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco.
Masusubukan na sa acting si JC this Sunday sa pilot ng summer episode ng Dear Friend na Karibal co-starring with Alfred Vargas, Katrina Halili at Jewel Mische sa direction ni Jun Lana. All the way from Dakak sa Zamboanga del Norte kinunan ang four part episode. Dahil lifeguard, palaging topless si JC sa mga eksena niya, something na ginawa niya rin naman sa first season ng Survivor Philippines so wala itong kaso.

Speaking of Survivor Philippines, nag-kick-off na nga ang second season audition nito nationwide at libu-libong castaway-wannabes ang nakipila sa auditions ng GMA sa CSI, City Mall Lucao sa Dagupan noong Pebrero 26 – 27, SM City sa Baguio noong March 3 – 4, at LCC Mall sa Naga noong Marso 9 – 10. Mapapalitan na si JC bilang Sole Survivor pero okay lang ito sa kanya. Ang mahalaga nga naman kasi, siya ang una.

May footnote na siya dahil kahit saang reality show, ang first winner ang pinakanatatandaan ng lahat.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.