Jomari, admits feelings for Pops

MULING NAGPATAWAG NG press conference ang producer ng Fearless Productions na si Jomari Yllana para sa nalalapit na masasabing biggest concert of the year, ang back-to-back concert ng American Idols na sina David Cook at David Archuleta on May 16 sa Mall of Asia Concert Grounds. Nakatakdang dumating ang dalawang David on May 12 at tutuloy sila sa EDSA Shangri-La.

Sa mga nag-aalala naman na baka hindi dumating si David Cook dahil sa pagkamatay ng kanyang older brother na si Adam na maysakit na brain cancer, nagpadala ng official statement ang manager ng American Idol Season 7 champion sa Fearless Productions.

“David and his family would like to say thank you for everyone’s thoughts and prayers. Please don’t worry, as the show will go on as scheduled. David is looking forward in seeing all his fans in Manila.”
Dahil nga sa kabisihan ni Jomari sa nalalapit na big concert niya with the two Davids hindi pa raw nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap ulit sila ng ex niyang si Pops Fernandez.

“Ayun, nakikita ko siya sa billboard. Ano ako, e… I have to move on para makapagtrabaho ako, so whatever na personal na pinagdadaanan ko, I have to detach from it muna para makapagtrabaho. Kasi ano, e, parang wala pa akong pahinga. ‘Yung trabaho is very demanding para sa akin. So, kailangan ko’ng mag-focus one hundred percent sa project. Ano, e, nakakapagod,” buntung-hininga ni Jomari.
Diretsahan naman na inamin ni Jomari na mahal pa rin niya si Pops. Pero mukhang wala naman siyang plano na magbalikan sila ni Pops.

“Ah, nasa point ako ng buhay ko na when it comes to relationships, number one hindi ako naghahanap… number two wala akong pina-plano. The only thing na pina-plano ko ngayon, ino-organzie ko ngayon is wala. Puro trabaho lang. Maraming salamat naman dahil masarap magtrabaho.”

Sa sobrang kabisihan niya baka naman nakalimutan na ni Jomari ang kanyang sex life, huh!

”Ano ‘yun? Hahaha! “Ganito na nga lang. It’s not like I’m practicing it. I’m just in a situation… ah, I’m celibate. I just want to make things clear, lahat ng bisyo, tinigilan ko. Puwera ang pagsisinungaling,” sabay ang malakas na tawa ni Jomari.

INTERNATIONAL STAR NA talaga si Charice Pempengco. Magsisimula na siyang mag-shoot pagbalik niya sa US ng first international movie niya na part ng ‘Alvin and the Chipmunks.’ Napanood namin si Charice sa Entertainment Live! last Saturday at doon ikinuwento niya na she will play as Charice sa movie.
Pero bago umalis si Charis ng P’inas, ni-launch muna ang kanyang second album under Star Records titled My Insipiration na dedicated sa kanyang Mommy na siya rin daw inspirasyon niya. Tamang-tama naman ang bagong album ni Charice bilang regalo para sa Mother’s Day celebration.

And speaking of Mommy, ‘Mommy’ na pala ang tawag ni Charice sa international TV host na si Oprah Winfrey. Pagbalik niya sa US ipapakita niya kay Oprah ang kanyang second album. Happy siyempre si Oprah kay Charice dahil sikat na rin siya rito sa Pilipinas at bongga rin ang singing career dahil sa Star Records.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

7 thoughts on “Jomari, admits feelings for Pops

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. #2 Issue #61

  2. Where did JoMari get his capital to produce? Did he use Pops again and then dumped her after he got what he wants? I have a title for his new musical production . . .
    “MONEY MAKES THE WORLD GO ROUND”.

  3. next time pops, stay away from those boastful and conceited guys around like your exes martin and jomari

  4. korek ka ab3rrant- nag press release na ang mokong ito kasi natatakot na ma down ang business niya..clear as a sun na user talaga maryosep pera lang pala habol kay pops tapos si pops kahit alam na sige pa rin parang naubusan ng lalaki noon.. at least wala na sila..i hope itong si jomari wla ng tatangkilik..nakadidiri.

  5. hay naku i dont like Jom halatang he is a user… ngayun nag iingay nanaman siya about pops kasi meron syang ipoproduce na concert.. pero after nung concert na he produced at paghihiwalay wala sya masyado sinasabi..yun pala hinihintay siguro yung next project nya pra may mapag usapan…

Leave a Reply

Your email address will not be published.