Jomari and Ara Mina, caught flirting with each other! *with exclusive photos*

NAGMISTULANG PRESSCON ANG birthday party ni kapwa-kolumnista rito sa Pinoy Parazzi na si Archie de Calma na ginanap sa Music 21 Plaza sa Timog, noong Miyerkules ng gabi. ‘Yun nga lang, hindi ang celebrator ang pinagkaguluhan ng mga press people at ng mga camera, kundi ang dalawang bisita ni Archie na sina Jomari Yllana at Ara Mina.

Magkasunod na dumating sina Jomari at Ara Mina na naging sentro nga usapan ng gabing ‘yun. Sa request na rin ng nakararami, umawit si Joe ng ilang awitin. Infairness, may timbre pala ang boses ng actor, puwedeng maging singer. Siya pala ang producer ng live concert nina David Cook at David Archuleta na gaganapin sa Mall of Asia concert grounds on May 16.

Siyempre, hindi nagpatalbog si Ara, plug din siya ng kanyang teleserye sa GMA 7, sing din ang actress ng ‘Wag Na ‘Wag Mong Sasabihin, na para bang dedicated sa kanyang ex-boyfriend na si Jomari. Tuloy, sa kahilingan na rin namin, nag-duet ang dalawa na lalong ikinatuwa ng nakararami. Habang naghihintay maisalang ang kakantahin, tinutukso-tukso ang dalawa. “Basta ako single, walang magagalit sa akin,” say ni Jomari. “Understanding!” Buweltang sagot naman ni Ara sa actor na patungkol sa kanyang bagong boyfriend.
Para ngang mga bagong magdyowa na tila naghaharutan at nagbibiruan ang dalawa. “Birthday presscon, nakakaloka! Walang Kapuso, exclusive lang sa Kapamilya. Diyos ko! Ayaw magsiupo, ang haharot,” biro ni Jomari sa mga press people na nagkakagulo na sa kanilang dalawa na nasa stage.

Kinanta nina dalawa ang How Do You Keep The Music Playing? na nagpabalik sa aming alaala ng matamis nilang pagmamahalan. Mapagbiro talaga ang tadhana, biglang nagtagpo ang dating magkasintahan. Sign na ba ito sa naudlot nilang pagmamahalan?

PHOTOS BY MARK ATIENZA

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.