JOMA, 4 PA TIKLO SA HOLDAP

RIZAL – ARESTADO SA follow-up operation ng pulisya ang limang holdaper kabilang ang kapangalan ng exile CPP/NDF chief na si Joma Sison matapos na mambiktima ng isang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City Chief of Police P/Supt. Manuel Pion, ang mga suspek na sina Jose Maria Sison, 23; Rommel San Diego, 37, taxi driver, kapwa residente ng Sitio Maagay 2, Brgy. Inarawan; Herzon Halili, 27, residente ng Samba Ville, Sitio Kaybagsik, Brgy. San Luis; Denmark Dela Cruz, 23, residente ng Blk. 24, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal; at Luis Ludovice, 27, residente naman ng Sitio Hangan, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal.

Ang mga suspek ay inireklamo nina Daniel Samson , 38; Ronaldo Dormido, 24 anyos; Dyleen Taborda, 23; at Mercedita  Mendiola, 57, pawang mga residente ng Sitio Painuman, Brgy. San Luis sa nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente ng panghoholdap dakong alas-11: 00 ng gabi sa kahabaan ng Marcos Highway, Sitio Painuman, Brgy. San Luis, Antipolo City.

Nabatid na sakay ang mga biktima ng pampasaherong jeep galing sa Gate 2, Cogeo patungong Paenaan kasama ng mga suspek na nagpanggap na mga pasahero.

Pagsapit sa madilim na bahagi ng highway, nagdeklara ng holdap ang mga suspek at sapilitang kinuha ang mga pera, cellphone at alahas ng mga biktima.

Matapos na makuha ang kanilang pakay, lumipat ang mga suspek sa sumusunod na getaway taxi na naplakalan naman ng mga pasahero at naitawag agad sa himpilan ng pulisya.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.