“Jologs si Carmen (Soo)” – Jericho Rosales

NATUWA AKO SA kuwento ng ilang officers at organizers ng Global KISsers ng tambalang Jericho Rosales at Carmen Soo, na nagkaroon ng first Global Summit nila sa Jozu Restaurant noong Linggo ng hapon.

Si Shirley, who is from L.A. (Los Angeles, California, USA) ang nagkuwento na dahil sa Kahit Isang Saglit, isang member nila na nasa verge na ng divorce ang nagkaayos pa. Dahil nakita raw nu’ng misis ang mga kakilig at ka-in love na eksena nina Carmen at Echo sa KIS, marami raw itong na-realize sa pagsasama nilang mag-asawa kaya siya na ang gumawa ng paraan para yaKapin ang kanyang mister and from then on, sa tulong pa rin ng pagtungo nila sa isang therapist, hindi na sila nag-diborsyo. Ang isa namang nagpadala ng e-mail kay Shirley, na nagpahatid ng mensahe kay Carmen ay may kapansanan at kung dating wala nang sigla sa pagharap sa buhay, eh ang KIS daw ang naging dahilan para mag-look forward siya sa muling pagtayo at pagharap ng may ngiti sa buhay.

Sinaksihan ko ang nasabing summit na maikukumpara sa isang fans day. Pero sa summit na iyon, mga fans mula sa Cebu, Cagayan de Oro, Laguna, Japan, Malaysia at US nga na umabot sa 49 ang nagsidalo para lang makapiling ang mga idolo nilang nakatakda nang magsama sa isang pelikula sa Star Cinema. Naghanda sila ng mga VTR, may plaque of appreciation pa sa dalawang stars, may ‘tough 5’ questions na inihain sa dalawa at sangkaterbang regalo ang bitbit para sa mga idols nila.

Isa sa fervent wish nila for Carmen and Echo, na sana dumating ang panahong sila ang magkatuluyan sa tunay na buhay. Pero patuloy na sinasabi ng bagong Kapamilya at Star Magic member na si Carmen na she will always treasure Echo’s friendship. Dahil nang ginagawa pa lang nila ang KIS eh, sobra na raw siyang inalagaan ng aktor. At si Echo naman, maraming ini-reveal sa kanilang mga fans kung paano ring sa tunay na buhay pala eh, isang jologs ang babaeng modelo ngayon ng Petit Monde.

Patuloy sa kanyang pag-aaral ng Tagalog dito sa bansa si Carmen.
At si Echo, ha? Nag-krus na pala ang landas nila ng isang ex niya na si Cindy Kurleto sa isang concert ng isang foreign artist. Kasama raw ni Cindy ang boyfriend at ipinakilala naman sa kanya. Aminado si Echo na walang closure ang paghihiwalay nila noon ni Cindy. Pero nang magkita na nga raw sila at nagbatian naman, parang mas lumuwag na raw ang kanyang pakiramdam.

Dalawang letra nga lang ba sa alpabeto ang mga mapapalapit uli ngayon kay Echo? C – Carmen and Cristine Reyes, at K – Kristine Hermosa at Karylle. Talagang wala na si Cindy, eh.

KASAMA PALA SI Arnel Ignacio sa 22nd Season ng Daisy Siete, ang ‘Kambalilong.’ Nagkakape nga ito sa Café Leona sa Vigan nang makalkal niya ang guest book, at mamulatawan doon ang pangalan namin. Maganda raw ang role niya sa Kambalilong kaya niya ito tinanggap.

Pagdating naman sa kanyang political career, kahit na mum pa si Arnell sa mga panahong ito sa nauna nang napabalitang pagtakbo niya uli, tuluy-tuloy lang daw siya sa mga proyektong nasimulan na niya. In fact, ‘yung isang lupa niya sa may Congressional Ave. sa Kyusi eh, nakatakda raw niyang i-donate para magamit sa kawanggawa.

Ang nakakatawa sa text ni Arnelli, wala pa man daw eh, may nagbatuhan na ng pustiso dahil lang sa kanyang ido-donate na lupa. Meaning? Nag-aagawan na?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

26 thoughts on ““Jologs si Carmen (Soo)” – Jericho Rosales

  1. I SO MISS ECHOMEN!! I REALLY HOPE SOON MAGKATAMABAL SINA ECHO AT CARMEN! IBA ANG CHEMISTRY NG DALAWA! KAKAKILIG AT NAKU PO, MAPAPA AWW KA TALAGA!! BEST ACTRESS AND BEST ACTOR!!

  2. I heart KIS. miss ko na to. hehe I love carmen and echo in that series, and hopefully we’ll see more of them on screen together. I heart you carmen xD

  3. SUperb acting by the Jericho and Carmen in KIS. Onscreen chemistry is much talked about but really rare and the two of them have it in spades!They also bring out the best in each other…..Echo more than delived in his comeback bid. Carmen has the charm and aura that takes your breath away….no acting workshops can teach you that…. MORE PROJECTS PLEASE ABN CBS FOR ECHOMEN!

  4. yung mga kapatid kaka miss yung tambalang Carmen 7 Echo. Dun sa KIS ang galing ni Carmen natural yung pagarte nya hindi pilit hindi katulad yung dun dati sa GMA yung kay Alfred V. hindi sya marunong umarte yun nga lang maganda sya….

    Basta dun sa KIS ang ganda!!!!!!!!! Kakaiyak yung mga scenes nila Albert Martinez parang mga ama talaga sila espicially kung tawagin nya c Albert na “TATAY” ang cute nya tlaga..Sobra mula sa simula pinanood ko talaga yun ang ganda nag story kakaiba sa lahat ng series na napapanood ko……….Pero infainess hah, dun magaling umarte c Cristine Reyes………Miss kona c TATAY & Mondragon………

    Love Carmen hope to see you more on TV>goodluck…..

  5. its an extraordinary soap opera ang KIS….hindi mapapantayan….ito yung tipong soap opera na may quality….

  6. ECHO & CARMEN team up perfect on/off screen. naka ka inlove their tandem, coming projects please……
    CARMEN is the lucky charm of ECHO.

  7. I really love this tandem, especially Ms. Carmen SOO… sooper love namin siya dito… even my 3 year old nephew when you ask him who is your crush baby? he will say Carmen SOO, MOvies and Teleserye for Echomen Pls…

  8. jologs?…sabagay marami nagsasabi masarap sa kama yan..este kasama yan si Carmen di ba Echo..kaya pabalik-balik dahil hinahanap ang tunay na sarap..

  9. Carmen and Echo look soo good together and they can both give justice to the roles that they are told to play…..They deserve to have more projects…We are patiently waiting…..But we hope it is verrrrrry verrrrrry soon.

    Theirs is the only tandem where fans worked really hard to have a summit in their honor. This is inspite of their not having any projects at the moment…..The fans are still around keeping the Kahit Isang Saglit thread alive even if the soap ended 3-1/2 months ago…They have been tireless in requesting ABS-CBN to please give echomen a project.

    Given the right projects…this pair is a gold mine….

    Carmen Soo is a lucky charm….ECHOMEN ROCK!

  10. carmen & echo look good together.they compliment each other a lot & that’s good in any relationship.All the best for both.

  11. I really like Carmen Soo… She’s so Gorgeous & nice person. Lahat na yata na kay Carmen na. Thanks for writing this article. Miss to death ko na to hear about Carmen . Hope she will guest soon sa local t.v shows. LOve to hear about the real status of her relationship with echo…I think more tha friends na talaga sila. I love you Carmen. Kakakilig silang dalawa ni Echo. Echo, you’re lucky if ever na kayo na ni Carmen. Good luck to both of you. Take good care of carmen.

  12. I saw Carmen and Echo at a posh restaurant together in Makati just the two of them. They looked so sweet and not a care in the world. Carmen looks very pretty in person and Echo did not care who saw them. They looked like they are a couple.

      • This was in December 2008. One of the posh resto’s at Greenbelt. Carmen was not as popular then as she is now. People were looking at Echo but did not really recognize Carmen. I did because I saw one of the episodes of Kahit Isang Saglit. Like I said she’s pretty, they were outside the resto and talking and eating by themselves.Nice looking couple.

  13. hi Echo and Carmen, more projects please abs cbn,Genesis , there is chemistry between them on Screen from Global Kisser USA Northern California

  14. More projects for Carmen & Echo. I SoO love their tandem. The chemistry is uber delicious. Thanks for writing the article.

  15. Echo and Carmen ang SOObrang bagay. Pls more projects for them!!

    Thanks Ms Pilar Mateo for the article.

    like Echo said.. Global KISsers Rock!!

  16. Thanks for your article about Carmen Soo and Jericho Rosales. We wish we were there in the Summit. Their fans here in the USA are just hoping for another project together. We love their acting, so natural.

  17. Jericho Rosales is an extraordinary actor by any measure. Absolutely the best in his generation. He was brilliant as Carmen Soo’s leading man in KIS. Their on screen chemistry was truly breathtaking and I am willing to bet that any future projects for this love team would have not just Filipino but international appeal. Cannot wait to watch them again on screen!!

  18. sana more echo and carmen projects… kaka-miss tambalan nila and may chemistry talaga… hindi pilit yung sweetness nila, very natural…
    sana rin mag guest si carmen sa ibang mga shows just to introduce her as a new kapamilya….

Leave a Reply

Your email address will not be published.