Jolo Revilla, tototohanin ang ‘love gimik’ nila ni Melissa Ricks?! – Gorgy’s Park

NAALIW KAMI SA kuwentuhan nina Lakay Deo Macalma at Pangga Ruth Abao ng DZRH nu’ng kamakalawa tungkol daw sa isang aktor na crush ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo.

Talagang nagka-crush pa si Pres. GMA?

Minsan daw habang binabaybay ng ating pangulo ang kahabaan ng EDSA, napansin daw nito kasama ang DSWD Sec. Esperanza Cabral ang Bench billboard ni Dingdong Dantes at nag-comment daw si Pres. GMA na nagaguwapuhan siya sa naturang aktor.

Humirit naman daw si Sec. Cabral na para sa kanya, mas guwapo si Piolo Pascual. Pero mas guwapo raw si Dingdong, ani Pres. GMA.

Kaya tuloy inintriga nina Lakay Deo sa DZRH na crush na ni PGMA si Dingdong. Nilinaw naman nilang nag-admire lang sila sa kaguwapuhan ng aktor at hanggang du’n lang naman, walang malisya.

Pero nakaaaliw ang pagkakakuwento nilang may crush din pala ang pangulo ng ating bansa.

Ipinarating ko ito kay Dingdong na napatawa nang malakas at nagtanong kung totoo ba ang balitang ‘yun.

Kuwento lang naman ‘yun na napag-usapan sa radio at hindi ko na kinarir para alamin ito sa Malacañang.

Kung totoo man daw ‘yun, nakatataba ng puso at siyempre flattering para sa kanya. Iyun nga lang, malabong maka-close niya si PGMA dahil ngayon pa lang ay alam naman natin kung sino ang ii-endorse ni Dingdong sa darating na eleksiyon.

Active naman si Dingdong sa ilang proyekto ng gobyerno. Sa katunayan ay malapit nang i-launch ang bagong campaign nito sa DOTC na may kaugnayan sa road safety.

Ayaw pa munang idetalye ng aktor kung ano ito, pero malapit na raw i-launch ‘yun at gustong i-promote ito nang mabuti ni Dingdong. Abangan na lang natin!

TUWANG-TUWA SI JOLO Revilla sa mataas na ratings ng kanyang Pepeng Agimat na nagsimula na nu’ng nakaraang Sabado.

Proud na proud siya sa kinalabasan nito dahil marami ang pumuri lalo na ang kanyang lolo, ang dating Sen. Ramon Revilla Sr. na siyang nagpamana ng agimat sa kanila.

Sa magandang kinalabasan ng Pepeng Agimat, parang nabunutan ng tinik ang young actor dahil maipagmamalaki na raw niya ito sa kanyang lolo. Ayaw naman daw niyang mapahiya pati sa kanyang amang si Sen. Bong Revilla, Jr. na may special participation sa fantaseryeng ito ng ABS-CBN 2.

Lalong na-inspire si Jolo na mag-taping, kahit magdamagan. Dahil bukod sa magandang feedback ng Pepeng Agimat, nandiyan si Melissa Ricks na katambal nito, at mukhang mauuwi sa totohanan ang love angle na publicity sa kanilang dalawa.

Lagi pang nagpapadala ng regalo itong si Jolo kay Melissa, na nataypan naman nito kaya nanganganib yata ang loveteam nila ni Matt Evans.

Mukhang nakapag-move on na si Jolo sa break-up nila ni Lovi Poe kaya naka-focus na ang atensiyon nito kay Mellisa.

By Gorgy’s Park

loading...

3 thoughts on “Jolo Revilla, tototohanin ang ‘love gimik’ nila ni Melissa Ricks?! – Gorgy’s Park

      • Oo nga. isama mo iyan sa limampung mga lalaki…..ihalo halo mo sila. Pumili ka ng sampung lalaki na artistahin sa grupong iyon at siguradong WALA si Jolo doon.

        Suwerte lang siya at kabit siya sa ngalan ng lolo at tatay niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.