Jolo Revilla threatens Lovi Poe’s guy friends?

TOTOO BA ANG mga chikang tine-threaten daw ni Jolo Revilla ang lahat ng napapalapit kay Lovi Poe? Medyo dumistansiya ang singer na si Chris Cayzer kay Lovi dahil pinaramdam ni Jolo rito na inis siya sa pagiging close ng dalawa.

Isa pang pinagsabihan ni Jolo ay si Prince Estefan na katambal ni Lovi sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

Wala naman daw dapat ika-insecure si Jolo sa guys na ito dahil mga kaibigan lang talaga ni Lovi ang mga ito. Nakikita lang naming laging nasa tabi si Jolo kapag nariyan si Lovi, kahit sa trabaho nito, pero mahirap basta paniwalaan ang chikang nakikialam ito sa career ng young actress.

Obviously, may efforts na mapaghiwalay sa career paths ang dalawa. Pero, ‘yung naghihimasok na si Jolo sa mga desisyon ni Lovi sa career nito, ito na raw ang hindi tama.

We’re very sure na may depensa si Jolo rito, pero hindi naman titigil ang ganyang mga intriga sa kanila hangga’t may mga nakakakitang sila naman talaga.

May isyu pa ngang sinita raw ni Jolo ang ex-girlfriend nito na na-meet si Lovi at pinagsabihan yata si Lovi na iwasan na si Jolo dahil paglalaruan lang daw ito ng aktor, gaya pa sa ibang babaeng nagdaan sa buhay nito. Nagkaroon tuloy ng maliit na misunderstanding ang dalawa. Pero, look at them, sina Jolo at Lovi pa rin ang madalas nakikitang magkasama.

Kaya nga sa polls conducted by Showbiz Central, nanguna sina Jolo at Lovi sa rumored celebrities na may relasyon na mauuwi sa kasalan, sa palagay ng marami. Sa nangyayari nga kasi, parang doon na sila papunta.

AMINADO SI GINA Alajar na na-stereotype siya sa mga role na mahihirap o tipong api-apihan. Kaya natuwa siya nang bigyan siya ng assignment ng ABS-CBN para gumanap na kontrabida sa bagong teleseryeng Kambal sa Uma. Ngayon pa lang, pinag-uusapan na ang teleserye dahil sa kakaibang pagko-kontrabidang ginagawa ni Gina rito.
“Mayaman ako rito, for a change,” natatawang sabi pa ni Gina. “Kaya marami nga lang requirements. Kailangang nakabihis at nakaayos palagi. May mga personal na damit na akong nagagamit, pero papasok na rin siguro ‘yung mga ex-deal.”

Gina plays the role of Celeste, Matt Evans’ mom in the new teleserye. Medyo malikaw na nga at nagsanga-sanga ang characters, dahil ang husband niya rito ay nanligaw pala sa character ni Rio Locsin. Kumbaga, may nagsangang nakaraan sa kanila ni Rio sa kuwento nito.

Magkumare pala sila ni Rio in real life. Magkasama rin sana sila sa “Narserye” kung tawagin na hindi matuloy-tuloy, at mukhang mababalam ito dahil si Judy Ann Santos na dapat ay bida rito, nasa bagong sitcom na George and Cecil na pagbibidahan nila ni Ryan Agoncillo.

“Natatawa na lang kami ni Rio dahil nawala ang Narserye, heto at kami na naman ang magkasama,” napapailing na sabi ni Gina. “At least, ‘yung ibang seniors na like Allan Paule, Eva Darren, Noni Buencamino, nariyan sila, kaya nakaka-relax kami sa set dahil hindi lang puro mga bata ang kasama namin.”

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

One thought on “Jolo Revilla threatens Lovi Poe’s guy friends?

Leave a Reply

Your email address will not be published.