Jolo Revilla, taglay ang tatak ng isang mahusay na action star! – Chit Ramos

SULIT NA SULIT ang lahat ng paghihirap ni Jolo Revilla dahil umabot nang mahigit 31+% ang rating ng pilot episode ng kanyang Pepeng Agimat noong Sabado sa Kapamilya network.

Lalo siyang na-excite nang tawagan siya nina Deo Edrinal at Julie Anne Benitez, mga execs ng ABS para lamang i-congratulate.

“Sa totoo lang po, Ate Chit, sobra-sobra ang nerbiyos ko sa resulta ng pilot episode namin. Pinanay-panay ko rin po ang pasasalamat sa Panginoon dahil nakataya po ang karangalan ng pamilya Revilla sa pagkakataong ito. Ang hirap po palang maging anak ni Sen. Bong at apo ng original “Pepeng Agimat.” Much is expected of me. I really have to thank all those who helped me. Sina Tita Andeng, Tito Marlon, lolo ko, not to mention my dad na nag-guest pa at nagsalin sa akin ng kapangyarihan ng agimat at responsibilidad ng pagkakaroon nito,” aniya nang dumating mula sa Cebu para i-represent ang kanyang Dad sa isang convention.

Mauunawaan siguro ng mga tagahanga ni Gerald Anderson kung bakit mas mataas ang rating ng episode ni Jolo kaysa Tiagong Akyat. Pero, mataas na rin ang 28+% rating ng pilot ni Gerald, lalo’t first time niyang nag-all out action.

Iba nga siguro ang taginting ng pangalan ni Jolo. Taglay niya ang tatak ng isang mahusay na action star.

Nakatulong din ang magandang paglalahad ng istorya, pati pagdi-direk ni Dondon Santos. Makatotohanan ang location na dinayo pa nila sa isang isla sa Subic, Zambales.

“Ang ganda-ganda po ng lugar na pinuntahan namin at naaayon sa modernong technique, ‘ika nga, ang katotohanang nangyayari pa rin hanggang ngayon ang mga kababalaghan. Kung tatanungin po ako akung naniniwala ako sa mga aswang, positibo ko pong sasabihin na totoo po. How can we explain po ang mga biktimang namamatay at pinatay nila. Naniniwala rin po ako na may kapangyarihang pumupuksa sa mga ito. Ito ang tinatawag na agimat,” katuwiran niya.

Actually, bitin na bitin ang pilot episode, dahil, naunang ipinalabas ang pagwawakas ng Tiagong Akyat ni Gerald. “Nagkaroon din po ako ng pagkakataong mapanood si Gerald at kitang-kita po ang effort niya na maging kapani-paniwala ang action scenes niya. Totoo po ang sinasabi niya sa mga interviews na mahirap ang ginagawa namin.

“I have to thank kung sino man po ang may idea na isunod agad ang Pepeng Agimat right after the ending of Tiagong Akyat. Ang galing. You get to compare and predict na posibleng magbalik na uli ang action sa showbiz. Kahit po sa TV lang muna. At sana po, magsimula na sa amin,” patuloy niyang punung-puno ng pag-asa.

BONGGANG-BONGGA RIN ANG rating ng Sharon noong Linggo, kahit hindi sikat ang mga guest nilang gay/bading performers mula sa Library. Nag-no.1 naman sila sa ratings noong Linggo. Tuloy, tatandaan na ang mga pangalan nina Giggle, Petite, Onse, at Donita. Ganu’n din ang mentors nilang sina Jeffrey Santos at Baron Geisler.

Napatunayan din ng Sharon na hindi lang malalaking artista ang gauge ng isang show para tumaas ang ratings. “It takes a good show!” Wika ng mga nasa likod ng show ni Megastar. Ito ang secret weapon kung bakit nanatiling nasa top 5 lagi ang show.

Pinag-iisipan na ngayon ng Sharon kung itutuluy-tuloy nila ang pa-mhin episode nilang iyon. Nagbilin din ang megastar na ipaalam sa kanya kung kailan uli magge-guest ang mga baklang ginawang tunay na lalaki nina Jeffrey at Baron. “Para naman maihanda ko ang aking sarili. Baka ako himatayin sa katatawa. Seryoso ako,” aniya.

Bungisngis nga kasi si Mega. Kitang-kita naman ang ebidensiya. Lagi siyang inaalalayan nina Bayani Agbayani, Randy Santiago o Roderick Paulate. Hindi lang host ang nagiging role nila, kundi taga-alalay ni Mega.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

14 thoughts on “Jolo Revilla, taglay ang tatak ng isang mahusay na action star! – Chit Ramos

  1. How humble of Gerald for crediting Jolo with the high ratings of Agimat last week; all I can say is, Jolo could have returned the compliment. Oh well. Hope Jolo maintains the rating if not for anything but for his Lolo’s sake who is expecting a lot from him.

  2. habang binabasa ko itong mga comment nyo napapailing na lng ako, my goodness, i cant believe it! pagkatapos ng tiagong akyat di nyo pa tinuloy ang pagnood ng kasunod na agimat, ilang mins. lng naman yun pinatay nyo pa ang tv, di nyo na lang sinuportahan magkakasama nman sila! para ano!, para lng masabi na mas mataas ang ratings ng tiagong akyat kaysa sa pepeng agimat! sooo sad!!!! mano kung sa susunod na linggo di nyo panuurin baka maintindihan ko pa siguro un!

    magkakasama namn sila sa agimat kaya lng may kanya kanya lang story. nakakatawa kayo, isa kayong MAKASARILI! at talagang pinakita nyo pa ang ratings dyan para lang makita ng iba na mas mataas ang Tiagong akyat kaysa sa pepeng agimat, MAYABANG! nakakaloka ito!

    • sa susunod kasi keep the facts straight at wag nang managasa ng iba, pwede naman purihin si jolo without referencing gerald or whoever, compare kasi ng compare e kasisimula pa lang, natural mag-aalburuto yung iba, lalo na yung mga fans nung isa! kahit ok lang yan kay gerald siyempre sa mga fans nya #1 pa rin sya at ipaglalaban nila yun lalo na kung hindi naman totoo! imbes kasi na magpaka-humble at i-share yung credit dun sa isa e sinarili lang nya, may mga pasaring pa na kesyo bitin dahil sinabay sa ending ng tiago, etc. etc.! paano susuportahan kung sa simula e nakakainis na! ngayon sino ang MAYABANG at MAKASARILI?

  3. ang kapal naman ng mukha to take all the credit ng high rating! hindi man lang nagpasalamat kay Gerald for paving the way na magkaroon ng following ang Agimat series!

    at naglitanya pa ng “Nagkaroon din po ako ng pagkakataon na mapanood si Gerald…” HELLO?!!! sana pinahalagahan mo naman yung pinaghirapan ng naunang series sa ‘yo at hindi yung para kang nag-busy-busy-han jan at pinanood mo lang sila kasi pilot ng show mo ang susunod!!!

    may kayabangan din itong jolo na ‘to, tingnan na lang natin next week kung ma-maintain mo yan!

  4. Hwag munang mapaso sa resulta ng TNS ratings dahil sabay ang ending ng Tiagong Akyat sa pilot ng Pepeng Agimat…ito bang mataas na rating ay dahil sa pilot ng Pepe o dahil sa ending ng Tiago?

    Last week nag-#1 ang Tiago sa national ratings…maari kayang nahatak lang ng Tiago ang Pepe this week?

    Kung AGB ang pagbabatayan, separate ang ratings nila on that same day:

    Tiago – 24.3%
    Pepe – 22.7%

    malinaw na mas maraming nanood ng ending ng Tiago kesa pilot ng Pepe!

    …so ang talagang sukatan ng success ni Jolo ay ang ratings for next week, dahil dun solo lang nya ang timeslot at wala si Gerald!

    • Korek ka diyan. Sumakay na lang ang Pepe kay Tiago. I hate to burst your bubbles, Jolo, but mataas ang rating nang Tiago at siya kong inabangan ang ending. Let’s see what next week’s rating will be. Jolo needs to prove himself.

  5. manay chit FYI! kaya mataas rating ng agimat last saturday e dahil ending rin ng tiagong akyat ni gerald, sinabay nila ito sa pilot ni jolo…pleease!!! lang after watching gerald,turn off ko na yung tv ….kaya wag mo gwing batayan ang last weeks episode ng agimat tingnan mo this saturday kung mapantayan ni jolo c ge saka mo sabihing mas mataas pilot ni jolo…..OK!

    • tama ka jan!gs2 namang icredit lht ky j0l0 ung pgpal0 ng ratings ng agimat,naicp b ng writer na kya mataas eh dhl endng ng tiag0,my nbsa me ratings nung eps0de nlng un,,seperate ang gnwng ratings,nka 28% ang tiag0,hbng ang pepeng agmt nsa 22 0 24% b un!?tngnan nlng nxt sat. If tlgng mlkas cia…c0ngratz ge dhl ang glng2 ng gnwa m0 s tiag0,lht ng stunts m0 npablb m0 k0,at kht kailn wla me eps0de ng tiag0 n d pnn00d mula ng mg umpsa hnggng mtp0z..c0ngratz ult s mtaas n ratings ng endng..

Leave a Reply

Your email address will not be published.