Jolo Revilla, nawalan na ng interes kay Kris Bernal?!

VERY HONEST na sinabi ni Kris Bernal na matagal silang walang communication ni Jolo Revilla simula nang lumabas sa mga pahayagan na nililigawan ito ng binata, hindi na nga raw ito nagti-text o tumatawag pa.

Pero hindi naman daw apektado si Kris if ever na hindi siya i-text o tawagan ni Jolo, dahil wala naman daw silang relasyon at magkaibigan lang sila. Hindi nga raw nito napapansin na hindi na sila nagti-text o nagkakausap ni Jolo kung hindi pa siya matatanong ng mga kapatid sa panulat ng update sa kanilang dalawa.

Masyado raw kasi siyang naka-focus at busy sa kanyang bagong show with Mark Herras ang kanilang balik-tambalan after Time of My life, kaya naman daw wala siyang time mag-entertain ng mga manliligaw. Mas gusto raw muna niyang mas busy sa trabaho, kaysa ang magbigay ng sobra-sobrang oras sa kanyang buhay pag-ibig. Mas okey na raw na zero ang lovelife para mas makapag-focus siya sa dami ng trabaho na itinuturing nitong blessings ngayong taon.

 

NGAYONG ARAW ang big trade launch ng TV5 para sa mga bago nilang shows. Ipapa-kita rito ang kaabang-abang at aabangang shows katulad ng Felina: Prinsesa ng mga Pusa, na pagbibidahan ng Starstruck alumni na si Arci Muñoz; at Isang Dakot na Luha na pagbibidahan ni Danita Paner with Edgar Allan Guzman bilang kanyang bagong leading man .

Mapapanood na rin ang kauna-una-hang show ni Ms. Sharon Cuneta, ang Sharon; at ang noontime show na iho-host ni Edu Manzano with  Shalani Soledad-Romulo marahil ay kapalit sa pagkawala nito sa Wil Time Big Time ni Willie Revillame. Expected na darating ang mga big boss ng TV5 at ang mga maniningning na artista ng Kapatid Network.

 

AFTER IKAW Lang ang Mamahalin, wala pang next show ang future matinee Idol ng Kapuso Network na si Teejay Marquez. Pero alam naman daw nito na hindi siya pababayaan ng Kapuso Network at bibigyan siya ulit ng bagong trabaho.

At habang wala pa raw itong bagong show bukod sa Tween Hearts, kung saan ginagampanan nito ang character na si “Nathan”, ang nerd ng grupo ng mga Tweens, regular din itong napapanood bilang isa sa teen co-host ni Kuya Germs sa Walang Tulugan with the Master Showman. 

Nakatakda ring gumawa ng isang pelikula sa Indonesia si Teejay at isang indie film na tumatalakay sa buhay ng isang magkaibigang Muslim. Kaliwa’t kanan din ang tanggap nito ng mga mall at fiesta show sa buong Pilipinas.

Tsika pa nito na wala raw siyang naka-date during Valentine’s Day dahil may trabaho siya. Pero nakatakda raw silang lumabas ng kanyang ka-loveteam sa Tween Hearts na si Rhen Escaño para kumain at manood ng sine.

 

HOW TRUE na sa next project ay paghihiwalayin na ng GMA-7 ang magka-loveteam na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching, kung saan itatambal daw si Kristoffer sa ibang artistang babae ng Kapuso Network at ganu’n din si Joyce?

Kaya naman kaagad-agad na tinanong namin si Kristoffer sa kumakalat na balita at mabilis naman nitong sinagot na sayang naman daw dahil may mga followers na ang loveteam nila ni Joyce. Pero if ever daw na management decision ang paghihiwalay sa kanilang loveteam, okey lang daw, dahil baka raw kasi may ibang plano sa kanilang dalawa ang GMA-7.

Para naman daw kay Kristoffer, as long as may trabaho siya  okey lang kahit sino ang maka-partner niya, maganda rin daw ito dahil mae-experience niyang makatrabaho ang iba pang artistang babae ng Kapuso Network.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Jolo Revilla, nawalan na ng interes kay Kris Bernal?!

  1. magaling ba ang photographer or photoshopper? kasi kung babalikan yung ibang artista na may picture na ganito dito, puro white ang kulay ng panties nila. super halata na ipinatong lang.. LOL

  2. ganun b kalaki ang kapit ng tejay marquez n yn at palagi n lng nasusulat eh da hu nmn..ano b yn..kaasar n..first of all d xa lead role kya bkt pinagaaksyan ng panahon..

  3. Magaling kumuha ang photographer ninyo sa PinoyParazzi hehehe….. Eksaktong-eksakto sa pagbukaka ng legs sabay shot hehehe……… Nakaka ilang panty na rin akong nakikita rito ibat ibang artista hehehe…. Thumbs up.

Leave a Reply

Your email address will not be published.