Jolo Revilla, naudlot ang pakikipagbalikan kay Lovi Poe?! – Lolit Solis

Kumusta naman ang New Year n’yo mga bakla? Super harbat pa rin ako, ‘day! Kahit late na ang pa-Christmas party, go pa rin ako at sayang din ang nahaharbat, ha!

Kaya dapat na maharbatan ko si Sen. Bong Revilla dahil patuloy pa ring namamayagpag ang pelikula niyang Ang Panday sa box-office.

Kini-claim ng Darling kong Aswang na sila raw ang tunay na no. 1. Pero sa totoo lang, mismong galing sa Executive Committee ng MMFF ang nagbigay ng figures at nangunguna ang  Ang Panday, pumangalawa lang ang Aswang.

Maliit lang naman ang diperensya at ang maganda lang naman dito, lahat kumita.

Sabi naman ni Vic Sotto, hindi importante sa kanya kung alin ang number one. Ang importante, parehong kumita at malakas itong tinatangkilik ng mga manonood.

Sabi nga ni Ric Camaligan na isa sa mga miyembro ng Execom ng MMFF ‘yung first five daw ay kumikita kaya inaasahang mas malakas ito ngayon kumpara sa nakaraang taon.

Ngayon pa lang ay pinag-uusapan na nina Bong kung ano ang part two nila dahil mukhang mas type ng mga tao itong Panday.

Balak din daw ng Imus Productions na i-launch na si Jolo Revilla dahil maganda naman ang kinalabasan ng rating ng Pepeng Agimat niya at mukhang mas gumanda nga ang career niya sa ABS-CBN 2.

Anyway, congratulations sa Panday na humakot ng awards sa MMFF awards night, pati sa box-office ay nangunguna pa rin. Bongga na ‘yun!

MAS FOCUsed NA lang daw ngayon si Jolo sa career niya dahil mukhang malungkot yata ang Pasko niya ngayon komo’t malabo na silang magkabalikan ni Lovi Poe.

Nu’ng napabalitang nagkabalikan sila at nakikita silang madalas na magkasama, biglang pumasok naman sa eksena si Ronald Singson na nakitang kasama ni Lovi sa premiere night ng Sagrada Familia.

Ang latest pang kuwento sa akin, maraming nakakita sa kanilang dalawa na magkasama sa Boracay nu’ng nakaraang New Year.

Wala na nga raw komunikasyon ngayon sina Jolo at Lovi at tingin ko naman, ayaw na rin ng young actor.

Si Lovi naman deny nang deny na nagkikita at nagkakasama sila ni Jolo, eh marami namang nakakita sa kanila.

Kaya kung gusto na nga niyang i-deny si Jolo, eh ‘di go! Ituloy na niya at mas mabuting sa trabaho na lang mag-focus si Jolo at sa anak niya. Mas okay na nga ngayon ang career niya na hindi nai-in love.

Siguro tapusin na niya ang episode nito kay Lovi. Mag-move on na silang pareho.

Pero huwag na sigurong deny na lang nang deny si Lovi. Sabihin na niya ang totoo, ‘no!

Alam ko matagal na nga iyang hindi nakatira sa Mommy niya, pero nagdi-deny pa rin. Baka ang ending niyan, hindi na siya paniwalaan sa mga sinasabi niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Jolo Revilla, naudlot ang pakikipagbalikan kay Lovi Poe?! – Lolit Solis

Leave a Reply

Your email address will not be published.