Jolo Revilla, mas magaling nang umarte kaysa kay Bong Revilla Jr.!

SA SABADO na raw ang dating dito sa Pilipinas ni Ronald Singson pagkatapos siyang nakulong sa Hong Kong nang mahigit isang taon.

Ang alam ko, merong inihandang mainit na welcome sa kanya sa Vigan kaya roon na raw ang diretso niya. Siyempre sa showbiz, ang inaabangan diyan, ang pagkikita nila ni Lovi Poe dahil ang duda naman ng lahat, sila pa rin, ‘no!

Iyon pa rin nga ang mga tanong kay Lovi sa presscon ng Legacy na magsisimula na sa primetime ng GMA-7 sa January 16. Gusto nga ni Lovi, tungkol na lang sa Legacy ang pag-usapan, pero wala naman siyang magagawa dahil naisisingit pa rin ang isyu nila ni Ronald.

Sa huling interview kasi kay Gov. Chavit Singson, naikuwento pa nitong dumalaw daw si Lovi kay Ronald nu’ng nakaraang November sa birthday ng huli. Kaya tinanong si Lovi tungkol diyan. Ayaw naman niyang sagutin iyan dahil gusto raw sana niyang ma-maintain ang privacy pagdating sa personal na isyu niya.

Ayaw niyang lumaki pa ito at gawin pang isyu dahil masaya na raw siya sa kung ano man ang nangyayari ngayon sa kanyang lovelife. Kaya lang hindi rin masagot ni Lovi kung in love ba ito. Basta inspired lang daw siya sa trabaho niya.

In fairness nga naman, masuwerte ang 2011 kay Lovi dahil ang dami niyang magagandang projects, at mukhang tuluy-tuloy na ito hanggang ngayong taon. Kaya nga excited siya rito sa Legacy niya.

Pero tingin ko mas excited siya sa nalalapit na pagda-ting ni Ronald. Kahit quite lang si Lovi tungkol dito, tiyak na makikita pa rin ‘yan na magkasama sila, isa sa mga araw na ito.

 

ALAM N’YO naa-adik na ako rito sa My Binondo Girl na magtatapos na! Dati kasi ayokong subaybayan ito dahil male-late na naman ako sa pagtulog. Nu’ng na-ospital lang si Jolo Revilla, kaya ko ito tinutukan para matingnan ko lang kung mababawasan ba ang role ng alaga ko. Sinabi naman sa akin na mada-downplay na ang karakter ni Jolo dahil madalas nga itong absent at nagkakasakit.

In fairness naman, hindi naman ganu’n kalaki ang bawas. ‘Yun nga lang, kay Xian Lim na napunta si Kim. Pero tingin ko naman, lalong gumanda ang role ni Jolo. Dito nga ako lalong napabilib kay Jolo dahil ang galing na niya rito.

Ilang beses nga raw siyang nag-trending sa Twitter dahil sa ganda ng mga eksena niya at ang galing niya bilang Onyx sa seryeng ito.

Patapos na ito at lumalaban nga sa ratings na sumasabay rin sa pagtatapos ng Amaya, huh!

Natuwa lang ako rito sa My Binondo Girl dahil lalong gumaling dito si Jolo at tiyak na proud na proud sa kanya sina Bong Revilla at Lani Mercado.

Kinakantiyawan ko na nga si Bong na mas maga-ling na yata sa kanya si Jolo. Kasi ang laki talaga nang ipinagbago ni Jolo dito sa serye nila ni Kim.

Nakakatuwa naman!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Jolo Revilla, mas magaling nang umarte kaysa kay Bong Revilla Jr.!

  1. sa totoo lang…….angpangit ni jolo……he looks like bong na defective……evrytime na napapanood ko siya sa my binondo girl….naiinis ako, ang kapal ng nguso…..gwapo pa rin tlaga si xiannnn……..

  2. in fairness ang galing talaga ni jolo sa My Binondo Girl , msasabi ngang supporting lang sya d2 pero ito n yata ang pinakamagaling nyang pagganap. Lalong-lalo na yung eksena nyang ni-let-go n nya si Kim, grabe ang simpatiya mo ke Jolo, kasi sobrang natural ang acting. Two thumbs up for him. More projects sana sa Kapamilya network!!!

  3. HugoParada WAG KANG EPAL! isang jolo revilla? ano ba sya? sobrang fanati ka ng GMA npka nega mo! eh sa sakitin sya eh kya naiba ang story! kung ang manager nga nya masaya kay jolo ikaw pang surot ang umaalma!

  4. hoy hwag nyo naman siraan si bong! di ba kakandidato pa iyang president? nambubugbog daw pala si ramgen sabi no janelle. sira ang pangalan tuloy ni bong! ano dapat gawin? esep esep!

  5. miyembro ng isang napakagandang uri ng pamilya…. NAGPAPATAYAN DAHIL SA PERA…. MGA REVILLA’S MAGPATAYAN NA LANG KAYONG LAHAT…. ISAMA NYO NARIN PATI SI LOLIT SOLIS…. nag-aambisyon pala si bong revilla na maging presidente ng pilipiunas, ano na lang kaya ang mangyayari sa bansa? magpapatayuan ang lahat ng pinoy dahil sa pera…. hahahaha….

  6. yuck Onyx! nagttrending lang naman sya sa twitter dahil madaming galit. LOL. hmm, ok naawa rin once nung monday pero yun lnag yun. hiya lang sa revilla kaya nabbigyan pa ng exposure to. asar talaga masyado binibigyan ng pansin ang role ni Onyx e d hindi naman mahalaga! sakit lang sya sa tagiliran ng mga viewers! wag na ipilit ang pangit pls writers. lovelovelove nalang pwede????

  7. Kinawawa naman ng ABS CBN ng husto si Jolo Revilla. Ginawa na lang SUPPORTING role si Jolo sa My Binondo Girl, sobrang panlalait sa kay Jolo at sa kanyang kakayahan. So OBVIOUS na ang ABS CBN ang tuluyang nagpalubog sa career ng isang Jolo Revilla!

Leave a Reply

Your email address will not be published.