Jolo Revilla, magku-quit sa showbiz para mag-focus sa pulitika

SA PRESS preview ng Panday 2 na ginanap sa SM Megamall Cinema 3, may mga members of the media na nagbibiro kay Jolo Revilla tungkol kay Kris Bernal. Balita kasing pinopormahan niya ngayon ang young actress na kasama sa cast ng MMFF entry ng kanyang amang si Senator Bong Revilla, Jr.

“Friendship lang,” nangingiting sabi ni Jolo nang makakuwentuhan namin. “Acquaintance lang ‘yong sa amin. Wala.  Friendship lang talaga. Nagulat naman ako na biglang napag-usapan iyon no’ng presscon nina Papa (Bong),” sabay tawa ng young actor.

Ano ba ang masasabi niya about Kris?

“Para sa akin… maganda naman siya. Simple lang siya. At mukhang mabait naman siya. Kumbaga… siguro bago n’yo isiping nililigawan, mas magandang kaibiganin muna. ‘Di ba?”

So iyon ang ginagawa niya ngayon… kinakaibigan muna niya si Kris?

“Hindi. Kumbaga… tingnan natin. Masyado pa rin namang maaga para riyan, e.”

Matagal na ba niyang ina-admire si Kris?

“Ina-admire? Siguro… nagagandahan. Pero ngayon, nagulat ako… liligawan agad? Friendship siguro muna.”

Parang sobrang happy siya these days?

“Hindi naman! Uhm… Binondo Girl!” natawa ulit na banggit niya sa primetime series ng ABS-CBN kung saan leading man siya ni Kim Chiu. “Bumalik na ako sa Binondo Girl.”

Ano ba ‘yong napapa-balitang he will be taking a leave of absence not only from his commitments sa showbiz kundi maging sa panunungkulan niya as Barangay Chairman sa Cavite ?

“I will be taking a leave siguro sa showbiz. Pero… showbiz lang. Tutok tayo sa political career. Tutok tayo sa pagse-serbisyo sa bayan.”

Bakit kailangan pang i-give up niya  ang showbiz?

“Siguro kailangan ko munang mag-focus sa mga constituents, eh. Kumbaga, siyempre kailangang sila ‘yong pagtuunan ko ng pansin. At sila ‘yong mas pinili ko.”

Walang kinalaman ‘yong napapabalitang sakit niya na severe migraine?

“Walang kinalaman ‘yong sakit ko. Siguro kailangan ko rin ng panahon para magpahinga.”

Pero ano nga ba talaga ang kundisyon niya ngayon? Naba-bother din kasi ang iba lalo na ang mga tagahanga niya.

“Ako… sa akin, okey ako, sa nararamdaman ko ngayon. Pero siyempre, kailangan ko rin namang asikasuhin ‘yong sarili ko.”

Bakit kailangang sa Amerika pa siya sunod na magpa-check-up at kumuha ng second opinion sa doktor na titingin sa kanya roon?

“Siyempre iyon ‘yong… kumbaga sa ulo, eh. Severe migraine. Kaya mas maganda na ipa-check para sigurado talaga. Na walang diperensiya. Walang hemorrhage. ‘Yong sa akin… cronic severe migraine.”

Paano ba kapag sinusumpong siya ng pananakit ng ulo?

“Mas madalas na hindi ko na kaya dahil sa sobrang sakit talaga. Iba-iba ang pagsumpong, eh. Minsan kapag mainit. O kaya kapag sobrang puyat. ‘Yong stress. Stress-related siya, eh. Kapag sumumpong na ‘yong sobrang sakit na hindi ko na kaya, ospital agad ang diretso ko. Kasi masakit talaga. Parang gusto mong iumpog na ‘yong ulo mo sa semento. Tapos nasusuka ako. Gano’n daw talaga ‘yon, eh. Ang migraine daw parang vertigo. Pero mas malala.”

Naba-bother ba siya sa sakit niya?

“Siyempre, nakaka-bother din. Nakaka-bother din. Kasi hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hereditary ‘yong sakit ko, eh. Kasi ‘yong Lola ko… ‘yong mama ni Papa may ganito rin. Si Papa, may ganito rin. Pero ‘yong sa akin ang malala talaga. May medication naman para maiwasan ‘yong pagsumpong. Pero minsan hindi pa rin maiiwasan, nagti-trigger pa rin. Matatag naman ako. Kasi sa pagkakaalam ko, hindi naman ito gano’n ka-seryosong sakit. ‘Yon ang pagkakaalam ko. Sana hindi. Ang alam ko hindi. Mararamdaman mo naman iyon, eh.”

Baka naman kailangan lang niya ng ins-pirasyon o lovelife?

“Kailangan ko nga yata ng inspirasyon. Ng mag-aalaga,” birong pagsang-ayon ni Jolo. “Mahirap maging member ng SMC (Samahan Ng Mga Malalamig Ang Christmas).”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

11 thoughts on “Jolo Revilla, magku-quit sa showbiz para mag-focus sa pulitika

  1. Walang ibang dapat sisihin kung hindi iyong mga bumoboto sa kanila. Konting ambon, konting takot,boto kaagad. TANGA.. . .MARAMI PA RING MGA TANGA NA KABABAYAN NATIN. IPAGPAPALIT ANG BOTO SA BIGAS, SARDINAS AT MALIIT NA HALAGA.

  2. maawa naman ang mga revilla sa mga tatakbuhan nilang mga cities! anu ba alam ni jolo sa pulitika? mambulsa ng milyones gaya ng lolo at tatay nya? lintek! matauhan na sana mga botante at iba ang iboto!

  3. kapal din nman ng mukha ng isang ito…mga inutil nman pulos kayabangan lang ang alam…manahimik nga kayo pulos kyo hambog…maawa kayo sa pilipinas..palibhasa alam nyo na nagogoyo nyo maraming pilipino ginogoyo nyo nman…mga wala kayong kwenta..wala nman nagawa sa bayan…kahiya hiya…

  4. kapal talaga ng apog ng ankan na to… mahiya naman kayo… kayo kayo nga nagpapatayan sa pera maglingkod pa sa bayan eeeewwww baka mangurakot sa bayan alng gawin mo tulad ng magulang mong gahaman sa pera lalo na nanay mo! matapobre na mukhang pera pa!

  5. May ambisyon si Bong Revilla na maging VP. And then, what ? Marcos croonie kasi. Malakas din ang influence ni Gloria sa kanya. Impeacn na lang kaagad para wala ng makurakot.

  6. Another useless revilla dynasty. puro utak lamok n lang ba ang puedeng ilagay? basta sikat aprobado? Jolo tanungin mo muna sarili mo kung qualified ka! o tanungin mo rin pamilya mo kung ano ang contribusyon para mawala ang corruption sa pinas pandagdag ka lang sa sasahod sa gobyerno. ikaw n rin ang maging presidente ng 15/30.

  7. Sobra na tama na!!! maawa naman kayo sa Cavite. Hindi baleng magambisyon sa pulitika kung merong magandag adhikain sa bayan. Lolo, Tatay, Nanay, at Tiyo puro kurakot lang walang ginagawa para sa bayan.

  8. Magpahinga na lang siya at magpagamot. Bakit, kulang pa ba ang nakukurakot ni mommy at daddy ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.