Jolo Revilla-Lovi Poe split, dahil sa anak ni Chavit Singson? – Eddie Littlefield

IT’S CONFIRMED!!! Totoong hiwalay na sina Jolo Revilla at Lovi Poe at may involved na third party.

Ang sinasabing dahilan diumano ng kanilang split-up ay si Ronald Singson (anak ni Gov. Chavit Singson). Madalas daw kasing nakikita na magkasama sina Ronald at Lovi sa 121 Grill and Restaurant, Allegro Center, Pasong Tamo Extension, Makati.

Best friend daw kasi ni Ronald ang may-ari ng nasabing restobar. Tuwing may events lang daw nagkikita sina Ronald at Lovi na talagang super sweet kapag nagkakasama.

Sabi pa ng aming source, hanggang 11 P.M. lang daw sila du’n at hindi na nagtatagal dahil nagyayaya nang  umuwi ang dalaga.

[ad#post-ad-box]

Nang makausap namin si Jolo sa taping ng Agimat sa Bulacan ay wala siyang binanggit na may third party sa break-up nila ni Lovi.

“Wala na kami ni Lovi, mas okey na ‘yung sa kanya na mismo nanggaling na wala na kami pero nagu-usap pa naman kami. Siya ‘yung naglabas sa media tungkol sa split-up namin kaya hinayaan ko na lang! Nagulat na lang ako, kasi, hindi naman ako nagsasalita at maayos naman kaming naghiwalay,”simpleng sagot ng young action star.

Tinanong din namin si Jolo kung wala ba siyang intensiyon na balikan si Lovi ?

“Hindi naman sa walang intensiyon, bata pa naman kami. May kailangan din naman kaming tutukan at may mga sarili kaming priorities sa buhay na kailangang bigyan ng pansin. Kung may manligaw man sa kanya,e, ayos lang at walang problema du’n. Pareho kaming nagdesisyon kaya ganu’n,”pahayag ni Jolo.

Almost two years tumagal ang relationship nina Jolo at Lovi. Ipinaglaban din nila ang pagmamahalan nila sa isa’t isa bago ito ma-uwi sa hiwalayan. Sa ngayon, naka-focus ang binata sa kanyang taping para sa  action adventure na Agimat  with Melissa Ricks. Mahalagang papel ang gagampanan dito nina Ai Ai Delas Alas at Sen. Bong Revilla bilang mga magulang ni Jolo sa teleserye ng channel 2.

“Sobrang saya ko dahil pinayagan ng kabilang istasyon na mag-guest si Papa sa bago kong TV series. Ibayong paghahanda ang ginawa ko rito dahil nagpapayat ako at 30 pounds na ang nawala sa akin,” pagmamalaking sabi ni Jolo.

Mahigitan naman kaya ni Jolo sa acting sina Gerald Anderson, Coco Martin at Jake Cuenca na nagkaroon din ng kanya-kanyang episode sa  Pepeng Agimat?

“Subukan po natin. Hindi ko sinasabing malalagpasan ko ang ginawa nila. Gagawin ko ang aking makakaya para magustuhan ng manonood ang aming  palabas,” aniya pa.

“SUPER  BLOCKBUSTER ANG North American Tour nina Martin Nievera at Gary Valenciano na ‘AS 1’,” tsika ng balikbayan friend namin na nakapanood ng concert nila sa US.

Naloka nga raw sila dahil nasaksihan nila kung paano dinumog ng mga kababayan natin ang back-to-back show nina Gary at Martin.

Standing ovation ang binigay ng audience sa kanilang concert. Naghiyawan at nagtilian ang mga tao lalo na nang kantahin nila ang teleserye theme songs gaya nang Tayong Dalawa, Kahit Isang Saglit,  Sana Maulit Muli,  Ikaw Ang Pangarap (theme song ng Lobo) at Natutulog Ba Ang Diyos? Ilan lang ito sa mga awiting tumatak sa kanilang puso’t isipan.

“Naka-collect pa sina Martin at Gary sa mga kababayan natin sa US ng donations for the typhoon victims ng Pinas. Hindi lang Pinoy ang nagkusang loob na tumulong dahil kahit na ang foreigners nagbigay rin,” sabi pa ng friend namin.  Again, congrats!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “Jolo Revilla-Lovi Poe split, dahil sa anak ni Chavit Singson? – Eddie Littlefield

  1. naku agree ako dyan sa walang talent! pag umiiyak si lovi halatang pilit tapos nagpapa cute pa talaga!tapos may i hawi pa the hair!ano ba un?naku do i need to elaborate on jolo’s talent?sus!

  2. yung dodo ni lovi poe para ng tatalon sa sobrang ipit ng push up bra, kaya d umaangat ang career nauuna ang kalandian. tadtad ng foundaton ang mukha, i agree sana d na sila nag hiwalay bagay sila mga walang karapatan sa showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published.