Jolo Revilla, kinidnap ang anak? by Cristy Fermin

RAMDAM NA RAMDAM namin ang pagiging inconsistent ni Rosanna Roces. Iba-iba ang kanyang deklarasyon sa magkakaibang panayam. Parang nakakalimutan niya ang mga nauna niyang sinabi, kaya ang nangyayari tuloy, nagkakabuhul-buhol at nagkakaekis-ekis ang kanyang mga kuwento.

Malinaw ang sinabi niya sa amin nu’ng una. Pinayagan na raw niyang manatili sa bahay ng mga Revilla sa Alabang ang kanyang apong si Budoy, dahil may primary complex daw kasi ang bata.

Responsableng ama raw si Jolo Revilla sa kabila ng pagiging batang ama nito, ayon din kay Osang, dahil tutok ang ginagawang pag-aalaga ni Jolo sa kanyang apo.

Nag-usap daw sila ni Jolo na sana, tuwing Biyernes nang hapon ay nasa bahay na niya si Gab, ipahahatid niya naman ang bata sa Alabang tuwing Linggo nang hapon.

Napakalinaw ng kanyang kuwento, hindi siya lasing nu’ng makausap namin, alam na alam ni Osang ang kanyang mga sinasabi.

Pero iba naman ang sinabi niya sa isang kasamahan sa panulat, natutulog daw siya nang kunin ni Jolo si Budoy, ni wala raw respeto sa kanya ang batang action star para ipagpaalam sa kanya ang pag-uuwi nito sa Alabang kay Budoy.

Alin kaya sa dalawang bersiyon ng kuwento ang totoo? Isang bibig lang ang pinagmulan ng dalawang magkaibang pahayag na lumabas, pero alin kaya sa dalawa ang totoo at mas malapit sa katotohanan?

Kunsabagay, sanay na ang marami sa pagiging inconsistent ni Osang, marami siyang kuwentong walang direksiyon, kung ano ang maisipan niyang sabihin ay basta sasabihin niya na lang.

Ang mahirap lang, sa dami ng bersiyon ng kanyang kuwento ay hindi na niya malaman kung alin du’n ang totoo. Siya mismo ay naguguluhan, dahil iba pala ang nauna niyang sinabi kesa sa kasasabi pa lang niya.

Aminin kaya ni Osang na ang kanyang edad ang dahilan kung bakit siya nagiging makakalimutin? Natural, hindi niya tatanggapin ang opinyon na epekto ‘yun ng parang naglalaro lang niyang paglaklak noon ng sleeping pills?

Read Cristy Fermin’s Blind Item: Young actor, balik sa pagiging lasenggo by Cristy Fermin

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.