Jolo Revilla, isinugod sa ospital! – Chit Ramos

ISINUGOD SA ASIAN Hospital si Jolo Revilla noong Lunes dahil sa taas ng lagnat. He was advised by his attending physician na ‘wag tatanggap ng bisita para makapagpahinga siya nang husto.

Ang paliwanag ni Jolo ay sobra siyang napagod sa action scenes niya sa taping ng Pepeng Agimat. At napaka-init pa Raw nang tanghaling iyon. Pinagpapawisan siya nang husto. Tapos, biglang umambon. Hindi naman sila puwedeng tumigil dahil may continuity ang action scenes na kinukunan sa nasabing location.

Iyon, nakasama sa kanya ang ambon na karaniwang mas matindi kaysa buhos ng ulan. Ang siste pa nito, kailangan pa niyang puntahan ang children’s party ng anak niyang si Gab. Three years old na ito at natural lamang na naroon siya, kahit kumpleto ang presence ng mom, dad at mga kapatid niya.

After the party, diretso na si Jolo sa Asian Hospital. Ang hindi lang mapigil na bumisita sa kanya ay si Lani (Mercado) mismo. Tulad ng karaniwang mommy, hindi ito nakatiis na kumustahin ang lagay ng kanyang anak. Naniniguro rin marahil na wala munang mahiwagang babaeng dadalaw sa anak. Ito kasi ang pangako niya sa kanyang mommy at maging sa inyong lingkod na nagmamalasakit sa kanya. Para kasing hindi mabubuhay si Jolo kung walang babae sa kanyang buhay. Joke!

Sobrang matitindi raw kasi ang fight scenes nila ng kontrabidang si Ping Medina. “Hindi maaksiyon ang mga scenes namin nina Bernard Palanca, Roxanne Guinoo, Princess Shuck at Ana Capri na nadagdag sa cast. Nagulat ako sa presence nila. Naging malaking-malaki ang action series dahil malalaking pangalan na sila na pumayag maging bahagi ng Pepeng Agimat. Kaya siguro, ibinigay ko ang lahat-lahat ng makakaya ko, dahil na-inspire ako sa ginagawa para sa akin ng Kapamilya network,” pagtatapat niya.

Hindi rin natinag ang ratings nila. Inilalampaso pa rin ng Pepeng Agimat ang kalaban nilang show sa kabilang istasyon. Base ito sa Jan. 9/Saturday TNS national report: Showtime 20.9/ Kapuso Movie 12.3, Wow 23.4, EB 18.5, E. Live 13.7/Startalk 9.8 Cine FPJ 18. 9/ Wish ko lang 12.1, Failon 28.1/Pinoy Records 12.9 at  TV Patrol 31/ AGIMAT 30.5 Starstruck 15/ Bee 24.5, Bitoy Showtime 15.5/ MMK 30.2, Kapuso Mo 18. 2/ PBB 28.1, Imbestigador 14.5 Vs Banana Split 13.5 – kaya extended sila hanggang next month.

Ipinahayag din ni Jolo na napakagaling na actor si Ping. “Tulad din siya ng dad niyang si Pen Medina. Ang tibay pa sa action scenes. Kahit hitsura siyang lider ng mga aswang, nagagawa pa niyang umarte. Nakaka-inspire!” Aniya.

Alam din ni Jolo na mahirap ang gagawin niyang pag-iwas muna sa mga babae ngayon. All his life, hindi nawawala ang babae sa kanyang buhay. Lagi siyang in love. Laging may girlfriend. “Parang nagiging priority ko ang girlfriend kaysa career ko. Ang dami kong napalalampas na magagandang opportunity. Nahihiya na tuloy ako sa dad at mom ko. Laging napapako ang aking pangako. But not, this time. Isang buong taon akong magiging single, promise!”

Naghahanda na si Jolo na maging busy paglabas niya ng hospital. “Naka-lay out na ang plans ko for my career. I can’t divulge it right now, dahil nasa planning stage pa lang. Kukuha rin ako ng work force para tumulong sa akin.”

May sariling negosyo rin si Jolo na dapat harapin. Car wash business ito ng mga expensive cars. Since his Tito Marlon is into buying and selling of expensive cars. Jolo opted na sa kanya magpa-service ang mga may-ari ng expensive cars. “Maliit pa ito ngayon, pero kapag naharap ko, sigurado akong lalaki rin. Pero, first and foremost sa priorities ko ang aking showbiz career. Bugbugin n’yo ako kapag hindi ko tinupad ang aking promise,” seryosong wika niya.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

9 thoughts on “Jolo Revilla, isinugod sa ospital! – Chit Ramos

  1. Just like the international version of the Emmy’s, TNS is irrelevant (lolz). Mega Manila accounts for 70% of the country’s spending power at ‘yon ang hinahabol ng mga advertisers. Kaya sorry na lang ang mga taga-probinsiya. Mahihirap sila. ahahaha!

    • Hindi naman pang huhusga iyon. Kelangan pa bang mag isip kung bakit si Chit Ramos lang at Eddie Littlefield ang PABOR ANG ISINUSULAT KE KRISTA?

      Lahat halos ng mga reporters ay alam ang BAHO ni Krista. Sina Boy abunda, Chit Ramos at Littlefield alng ang NAGBUBULAG BULAGAN dahil kailangan nila gn perang ipapakain sa mga pamilya nila. parang si mat Ranillo iyan na IBINUGAW ANG KANYANG ANAK NA SI KRISTA sa mga lalaki para lang ME MAKAIN SILA!!!!! Ngayon, buhay na buhay na sila .

  2. BULILYASO and ALEX LECOURAS: tingnan ninyo ang inyong mga sarili sa salamin at sabihin ninyong wala kayong kasalanan kaya may K kayong kumusha kanino man.

    ok lang to express your opinion dahil irerespeto ‘yan ninuman pero ‘di dapat tayo magpaka-judgemental!

  3. tuta ka bull chit ng ABS_CBN!. ang TNS rating ay hindi reliable kasi ABS-CBN lang ang nagbabayad sa kanila. At ang term na ginamit mo pa ay nilampaso. Ang tanda mo na biased ka pa rin masyado. Beholden ka sa mga taong pinagkakaperahan mo. Mukhang datung ka lola chit! Obvious ba?

  4. Napakawalang appeal talaga nitong si Jolo. Kahit anong kuha, walang magandang anggulo. Pinagpipilit maging matinee idol pero sorry talaga, hindi showbiz material. Buti na lang may lolo, mama at papa na tumutulong sa kanya.

    • o, babatuhin ko na huh!!!
      Chit Ramos, magtrabaho ka ng marangal at hindi iyang kung sino ang nagbabayad ng malaki kahit pokpok at nang aagaw ng asawa ng me asawa ang iyong hinimuran ng dila.

  5. Uy..si Chit Ramos. Mukhang malaki ang bigay na pera sa iyo ni Krista ah. Wala ka pang isinusulat na aleluya sa amo mong kabayong kabit ah. Puno pa ang bulsa mo ano?

    Pag paubos na, tiyakin mo na nalinis mo na ang toilet ni Krista para di mangamoy ang baho niya ah. Para kahit anong isulat mong kasinungalingan ay hindi ka mamura ng mga nagbabasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.