Jolo Revilla, idedemanda ni Rosanna Roces

BINIBIGYAN ng Ultimatum ni Rosanna Roces si Jolo Revilla na ibalik na sa kanila si Budoy dahil kung hindi ay idedemanda raw niya ang ama ng panganay niyang apo kay Grace Adriano.

Meron pang mensahe si Osang na “May tatlong oras ka pa para ibalik ang bata,” ganu’n ang mga mensaheng tinatanggap ngayon ni Jolo mula sa aktres, dahil ipinahiram lang daw naman niya ang bata sa mga Revilla pero hindi uli ibinalik sa kanya.

Sayang nga, sa kakulangan ng oras ay hindi naipalabas ang interview kay Osang sa The Buzz, ayon sa isang source namin ay meron pa raw sinabi si Osang na marunong nang manipa ngayon si Budoy dahil puro action stars nga ang kasama nito sa bahay na mga Revilla sa Alabang.

Nakapagtataka lang dahil pabago-bago ang deklarasyon ni Osang, parang sala siya sa init at sala rin sa lamig, dahil kapag naman hindi nagkakaroon ng panahon si Jolo para dalawin ang bata ay marami rin siyang sinasabi.

Ang totoong dahilan kung bakit pansamantalang kinuha ng mga Revilla si Gab (Budoy para kay Osang) ay dahil nagkaroon ng primary complex ang bata.

Gusto nilang tutukan ang pagpapagamot kay Gab, pati ang pagpapainom dito ng gamot, dahil masyadong spoiled ang bata kay Rosanna. Kapag ayaw nitong uminom ng gamot ay okey lang, walang kasunod na paunawa ‘yun na kailangang makumpleto ang dosage, para gumaling agad ang kanyang apo.

Habang nasa kanila si Gab ay ipinasok din ito ni Jolo sa eskuwelahan, sayang nga naman ang panahon, habang nagpapagaling ang bata ay mas magandang makasabay na nu’n ang kanyang edukasyon.

Pero para kay Osang ay hindi raw naman ganu’n ang kanilang usapan, hiram lang daw si Budoy, hindi ibig sabihing du’n na pipirmi ang bata sa bahay ng mga Revilla sa Alabang.

NAKIKITA rin namin ang punto ni Osang, mahal na mahal niya ang bata, palaging nakabuntot sa kanya ang anak ni Jolo at Grace. Para ngang siya na ang tunay na ina nito dahil kahit saan magpunta si Osang ay bitbit niya si Budoy.

Sabihin na nating nami-miss na siguro niya ang bata na nakasanayan na niyang makasama sa araw at gabi, pero sana’y intindihin din niya ang kapakanan ng kanyang apo.

Sana’y magsakripisyo na siya nang kaunti, nasasabik man siya ay kailangan niyang tiisin ‘yun, dahil kailangang magpagaling ng kanyang apo na may mahinang pulmon.

Kung sana’y walang magandang layunin si Jolo nang kunin muna sa kanila ang bata, kung sana’y kapritso lang ‘yun ni Jolo, puwede pa siyang magmarakulyo ng ganyan.

Nagkasundo sila na du’n muna si Gab para matutukan nang husto ang sakit nito, maayos ang pag-uusap nina Jolo at Grace, kaya bakit may ultimatum pang nalalaman ngayon si Osang?

Ano ang dahilan para idemanda niya si Jolo, samantalang hindi naman ito ibang tao, ama ni Gab si Jolo na kasama ngayon ng kanyang apo.

Natural, alalang-alala ngayon si Jolo, mataas ang respeto sa kanya ng batang aktor, ayaw nitong magkaroon na naman sila ng hindi pagkakaunawaan kahit na lang para kay Budoy.

Ayon kay Osang ay makikita raw ng mga Revilla ang hinahanap nila kapag hindi agad ibinalik sa kanya si Budoy. Tinataningan niya ngayon si Jolo na ama ng bata, kapag hindi raw ibinalik sa kanila si Budoy ay siguradong may mangyayari.

Puro pagbabanta at pananakot ang ginagawa ni Osang kay Jolo, kesyo may pulitiko pa raw na gustong gumamit sa kanya para sirain sina Senador Bong at Lani Mercado, pero tinatanggihan lang niya ang alok nito.

Hindi nag-iisip si Osang. Sino namang pulitiko ang gunggong na lalantad para amining pinasisiraan nito ang mag-asawa kay Osang?

Aysus naman! Pakipulot nga ang IQ!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

Related Post

loading...

7 thoughts on “Jolo Revilla, idedemanda ni Rosanna Roces

  1. nagwawala si Osang kasi walang pera. ginagamit ang apo para gatasan ang mga Revilla. Wala na sigurong pera na pangarera. May sakit ang bata Osang iyan nagkasakit tuloy dahil hanggang karerahan ay bitbit ang bata. Nawalan n meal ticket si Osang kaya nagwawala. Pag may nangyaring masama kay Jolo tiyak si Osang ang mastermind

  2. walang child suport pag walang bata ano ba kayo?!

    nagmamarakulyo si osang kasi ung milking cow nya nasa pastures, hindi pa nagbabalik sa barn. nagugutom na ang other animals!!

  3. hala yari ka na naman kay osang ha. ayaw mong tantanan yung tao! sirauloi ka talaga cristy! ang pangit pangit mo sooobra! masakit ka sa mata! sana nagsusuot ka ng supot ng pandesal o kaya ay bayong mas mainam yun!

  4. Umandar nanaman ang lukaret–credible ba yung mother? Yan, buntis nanaman (o nanganak na ba?) sa ibang lalake…Mga apo ni Osang kay Grace?–Mga Panganay lahat!!! Gabs/Budoy should be with the Revillas–mas stable doon sa household nila sa Batangas–they have more money to spend on this grandchild. Matalo sana si Osang–kachipan!
    She is a good actress no doubt–pero sa personal life/family life niya– parang Titanic na gumuho at lumubog!

  5. The child needs to be with the mother, regardless of financial status. Jolo can provide financial support.

    • mas maganda ang future ng bata sa side ng mga revilla. Mas matututukan ang pagp[apagamot. kesa kay Osang na puro karera ang iniintindi

  6. mas may future ang bata kung sa mga revilla siya lalaki kumpara kung kay osang lang naman. walang mapupulot na magandang aral ang bata kay osang. baka nga matuto pa ang bata ng masasamang salita kung siya ang magpapalaki sa bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published.