Jolo Revilla, hinahasa na ng amang si Sen. Bong Revilla Jr.!

BLIND ITEM: Ang isang gwapong actor-politician pala ay nagpautang sa isang sexy actress ng halagang P700 thousand! Grabe, laking halaga no’n, ‘di ba?

Siyempre, ang iisipin mo naman, sa’n galing ‘yon? Maiaalis mo bang hay, naku, galing din ‘yon sa buwis ng bayan, hindi ba?

Pero ba-yad na ba?

Nako, ‘yan na nga ang masaklap na katotohanan. Wa pa pay. At wala na yatang balak bayaran ng sexy actress ang utang sa gwapong actor-politician.

Eh, pa’no naman kasi, kasalanan din somehow ng politician, eh.

Nu’ng pinautang niya ang sexy actress, ni-one-night stand niya.

Hahaha! Yes, you heard it… este, you read it right. Na-one-night niya si Sexy Actress.

Eh, sabi nga ng source namin, “Juice ko, ‘eto namang gagong politician na ‘to, parang hindi naman niya naka-one-night stand ‘yan nu’ng hindi pa siya politician. Ngayon tuloy, pa’no niya sisingilin ‘yung babae?”

Me idea na ba kayo kung sino ang tinutukoy na aktres?

Tingin kayo sa

langit at malalaman n’yo kung umaga, hapon o gabi na.

‘Yung actor-politician?

Ang pangalan niya’y kalyeng-kalye.

 

PAGKAKITA PA lang namin kay Jolo Revilla nu’ng dumating sa 46th birthday ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla ay iba na ang dating niya. Sa tindig at tikas ng lolo mo, parang vice-governor na nga ng Cavite ang dating.

Ano pa nga ba eh, tatakbo naman talagang vice-gov si Jolo this coming election. In fairness naman ke Jolo, at an early age, naging Brgy. Captain na siya sa Imus at ngayon, siya lang naman ang Presidente ng mga Barangay Captains sa buong Pilipinas.

Kaya tila ginu-groom na ni Sen. Bong itong si Jolo na sumunod sa kanyang mga yapak.

So, oo nga pala, ‘no? Hanggang 2016 na lang ang second term ni Sen. Bong bilang senador, so puwede na ba kaming manghula na si Congw. Lani Mercado ang isasabak niyang senador at papalit sa kanya?

So, pa’no na si Sen. Bong? Ano na ang kanyang tatakbuhin? Vice-President na ba o babalik siya sa pagka-gobernador o magpapalit lang sila ng puwesto ni Congw. Lani o magpapahinga na muna siya?

Abangan na lang natin, ha?

Basta belated hap-py, happy birthday kay Sen. Bong na in fairness, ang tagal nang pulitiko, pero hindi pa rin nababahiran ang magandang pangalan.

 

SA MIYERKULES na ang showing in selected SM Cinemas ang “Dyagwar (Waley O Havey?)” na first ever produced namin at kami rin ang nagsulat (para ba makatipid ito, Ogie Diaz? Hahaha!)

Ire-release ito ng Viva Films at binigyan ng R-13 ng MTRCB.

Kuwento ng magpinsang gwardiya (Eric Fructuoso at Boom Labrusca) na halinhinang nagbabantay ng compound kung saan mga tenants ang mag-asawang Marissa Sanchez at Alex Caleja; mga estudyante naman sina Arran Sese at Joe Black; makulit na manliligaw naman ng dalagang si April Sun si Randolf Stamatelaky; mami-meet naman ng mga gwardya ang prosti na si RR Enriquez; du’n din nakatira ang kabit na si Jed Montero; at siyempre pa, ang bading na landlady, si Chiokla Gaston na kinakarir ang isang gwardya, pero magtagumpay kaya siya?

Ang mga gwardiya, nagbabantay lang, pero madadawit sa problema ng mga tenants? Puwede ba silang maging solusyon din sa problema ng bawat tenant?

‘Yan ang inyong aabangan sa pelikulang ito na mapapanood sa SM Manila, SM Fairview, SM Sta. Mesa, SM Marikina, SM Megamall, SM SouthMall, SM Bacoor, SM Iloilo at SM Cebu.

Kayo na rin ang makakatuklas kung ano ang kinalaman ng banyo sa mga bida natin. ‘Di ba, Direk Sid Pascua?

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

7 thoughts on “Jolo Revilla, hinahasa na ng amang si Sen. Bong Revilla Jr.!

  1. hay mag comment naman kayo kay jolo parang idol nyo siya ito yang artista dapat idolin nyo siya mga kapal nang mukaha ………

  2. PUTANG INA, GINO GROOM NI BONG PARA SUMUNOD SA YAPAK NIYA SI JOLO?! IBIG SABIHIN BA HINAHASA RIN NIYA ANG UTEL NG ANAK NIYA PARA TUSUKIN LAHAT ANG BABAENG DUMAAN SA PALAD NIYA?

  3. Sino ba itong nasa blind item na sexy actress at actor politician?  Hindi kaya si Ara M. at Many Prizes? or baka si Ropa May at si Aroyko po?

Leave a Reply

Your email address will not be published.