Jolo Revilla, gusto nang pakasalan si Jodi Sta. Maria

WALANG PAG-AALINLANGANG ipinakilala ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla sa publiko kung sino nga ba si Jodi Sta. Maria sa kanyang buhay. “Sa nag-iisang nagmamay-ari ng puso ko, Bb. Jodi Sta. Maria, na sigurado ako na ako si Sir Chief ng tunay na buhay niya.” Ito ang walang atrasang pahayag niya during his oath-taking ceremony.

Isang emosyonal na Jolo ang umakyat sa stage para sa kanyang panunumpa kasama ang kanyang buong pamilya at si Jodi. He kissed Jodi afterwards.

Kinorner ng press si Jodi para hingan ng reaksyon tungkol sa sinabi ni Jolo. “Siyempre nakakatuwa rin and then knowing him na talagang very expressive sa kanyang nararamdaman. Maalaga naman siya. Basta alam naman niya na basta kailangan niya ako, nandoon ako para suportahan iyong mga adhikain niya rito sa Cavite,” sagot ni Jodi.  Dagdag pa niya na masaya sila sa kung anuman ang mayroon sila ngayon.

Jolo’s mom, Cong. Lani, is grateful to Jodi for helping in the campaign. “She’s part of Jolo’s success kaya nagpapasalamat kami sa kanya. Nangampanya siya despite her very hectic schedule at hanggang ngayon ay nandiyan siya at nakaalalay.”

Jodi recently posted on her Instagram account a photo of her finger wearing what looked like an engagement ring. However, she clarified the issue about the ring. Sa kanya raw iyong singsing.

Pero kahit wala pang engagement ring ay ipinahiwatig naman ni Jolo that he wants to settle down with Jodi. “Ang masasabi ko lang, abangan ninyo na lang. Ako, sa akin, gusto ko pero antayin natin iyong tamang pagkakataon.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.