Jolo Revilla denied romance with Jodi Sta. Maria

KAHIT TODO-TANGGI SI Jolo Revilla sa isyu diumanong may namumuong romansa sa kanila ni Jodi Sta. Maria, hindi pa rin mamatay-matay ang balita tungkol sa kanilang dalawa. Nahihiya nga raw ang binata sa magaling na actress dahil never na naging sila o nagpalipad-hangin ang young action star ni Sen. Bong Revilla.

“’Yun nga po ang nakakairita, pilit kaming iniintriga ni Jodi na naging kami. Naging close friend lang kami noong ginagawa namin ang Noah. Lumalabas kami kasama ang barkada pero pure friendship lang po ‘yun. Nakakahiya sa pamilya ni Jodi at sa asawa niyang si Pampi. Ayaw kong isipin nila na may kinalaman ako sa kung anumang misunderstanding nilang mag-asawa.

“Please lang, huwag bigyang kulay ang aming pagkakaibigan. Alam naman nating may asawang tao si Jodi kahit sinasabing hiwalay na sila. Kung magkaka-girlfriend uli ako siyempre ‘yung single. Nakakairita, tuwing may kakausap sa akin, ang palaging tanong tungkol kay Jodi. Patahimikin na sana kami at ito na ang huli na magsasalita ako tungkol sa issue sa amin ni Jodi,” pakiusap ni Jolo.

Tiniyak naman nina Sen. Bong at Cong. Lani Mercado na loveless ang anak nila ngayon. Naka-focus ngayon ang binatang ama sa mga project sa Bacoor, Cavite. “Walang time manligaw ngayon si Jolo dahil panay ang trabaho. Kapag hindi siya busy sa kanyang TV series sa ABS-CBN, he is at barangay hall of Bacoor na siya ang chairman. Kahit libre rin lang siya, he travels out of town to visit different barangays in the country, being the current vice-president of the barangay League of the Philippines,” pagmamalaking tsika ni Lani.

May communication pa kaya sila ng ex-girlfriend niyang si Lovi Poe? “Wala na, nagkita kami sa Boracay, nagbatian lang, ‘yun. Maayos naman ang paghihiwalay namin, we’re still friends kahit wala na kaming communication. Mabuti na rin ‘yun para pareho kaming makapag-move-on. May sarili na siyang buhay ganoon din naman ako,” say ni Jolo.

Kailan kaya muling bubuksan ni Jolo ang pihikan niyang puso? “Happy naman ako kahit single, nand’yan naman si Gab na nagpapasaya sa akin. Siya ‘yung inspirasyon ko kaya ibayong pagsisikap ngayon ang ginagawa ko para sa aming dalawa. Gusto kong ipagmalaki ako ng aking anak pagdating ng panahon. Kung may darating, ‘di sige. Kung wala naman, okey lang pero this time mas maganda siguro hinay-hinay lang. Enjoy muna ninyo ang relationship na mayroon para mas lalo ninyo nakikilala ang isa’t isa,” simpleng sagot ng young action star.

ARIBA TO THE max ngayon ang singing career ni Nyoy Volante. Katunayan nga, kararating lang niya for one week trip to Singapore, Hard Rock Café. All support ang ating mga kababayang OFW sa show ng Acoustic King. Full packed sa dami ng tao, pati CD niya, sold-out kaya ganoon na lang ang kasiyahan at pasasalamat ni Nyoy sa napaka-warm na pagtanggap sa kanya ng mga fans.

This April 30, Saturday, 10PM may show si Nyoy sa Zirkoh, Tomas Morato entitled “2Much Love…N’yoy” with Jovit Baldivino, Laarni Lozada with special guests Marc  Cubales, MJ Ringor, John Limon and Ms. Cynthia Sol, “The Amazing Dancing Diva.”

Ticket prize, P600 and P1,000. See you there!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Jolo Revilla denied romance with Jodi Sta. Maria

  1. I like Jodi Santa Maria the way she act the ways she speak. Maldita siya at yon ang gusto ko sa babae. Siguro mabait naman siya at iwan ko lang kung bakit siya or bakit nagka ganoon ang married life niya? Sana makakuha ako ng contact number at email add niya. Salamat po.

Leave a Reply

Your email address will not be published.