Jolo Revilla, courting Queenie Padilla?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

HINDI MO MAPAGHIHIWALAY sina Lovi Poe at Jolo Revilla dahil tunay silang nagmamahalan kahit magkahiwalay sila ng soap na ginagagawa ngayon sa GMA 7. May Totoy Bato ang binata, kapareha niya si Queenie Padilla na hindi malayong mabighani ang anak ni Bong Revilla sa angking ganda ng anak ni Robin Padilla. Marami ang nagsasabi, kung walang mutual understanding na namamagitan kina Lovi at Jolo posibleng ligawan nito ang dalagang anak ni Binoe. “Hindi! I’m satisfied already at masaya na ako!” Mabilis na wika ni Jolo, na ang tinutukoy niya ay si Lovi. Madly inlove naman kasi ang actor sa singer/actress kaya nag-iisa lang siya ngayon sa puso ng binatang ama.

Lahat halos ng okasyon ng mga Revilla, palaging present si Lovi, tanggap naman kasi siya ng pamilya Bautista. Hindi man aminin nina Lovi at Jolo ang kanilang relasyon, nakikita namang mahal nila ang isa’t isa. Kahit pilit na pinaghihiwalay at iniintriga lalong nagiging matibay ang kanilang samahan bilang magkasintahan. “Siguro, ‘yung pagkakaintindihan naming dalawa, magkasundo kami sa maraming bagay. Halos lahat ng interest namin magkaparehas so, doon kami magkasundo, pareho kami ng gusto,” pahayag ni Jolo.

Plans ninyo ni Lovi in the near future? “Sa career, parehas naman kaming may kanya-kanyang movie career. Actually, gagawin namin ‘yung dapat gawin, focus sa trabaho kahit magka- loveteam man kami o hindi. Trabaho lang naman itong ginagawa namin and we respect each other. Alam kong ganoon din ‘yung mga katrabaho namin, irespeto mo para irespeto ka rin. ‘Yung sa amin matagal pa ‘yun, we’re still young. I’m 21, at siya, kaka-twenty lang niya. It’s a long way way to go. Siguro, we will cross the bridge when we get there!”

‘Yung relationship mo sa Mommy ni Lovi, okey na ba kayo? “Sana nga po, okey na. I just want to keep it privately between Lovi and her family. Mga pribadong tao ang mga ‘yun, kaya as much as possible ayaw kong pinag-uusapan sila. Before nakapag-usap naman kami pero ngayon hindi pa, basta all I can say, I’m happy right now.” 

KAHIT BAGUHAN PA lamang sa showbiz si Joem Bascon, kinakitaan agad ito ng galing sa pag-arte sa mga teleseryeng kanyang ginawa sa ABS-CBN. “First soap ko ‘yung Walang Kapalit with Piolo Pascual and Claudine Barretto. Then, I did young Allan Paule sa Prinsesa ng Banyera with Kristine Hermosa, Patayin sa Sindak si Barbara, at Batanes with Iza Calzado, it’s an indie film. Right now, I’m doing I Love Betty La Fea, best friend ni John Lloyd Cruz,” pasimula ng binata.

Na-discover si Joem ni Direk Jerry Lopez Sineneng habang nagte-taping ito ng Hiram. “That time wala pa sa loob ko ang pag-aartista. Ngayon ko lang na-realize na gusto ko pala ang pag-aartista, sobra kasi akong mahiyain noon. Nakapag-adjust na ako. Nang tumagal, nakagawa na ako ng mga character roles. Masarap pala ang feeling kapag iba’t ibang character ang ginagampanan mo, nakaka-challenge lalo mong gustong i-improve ‘yung craft mo as an actor. Mas gugustuhin kong makilala ako as character actor,” paliwanag niya.

Macho-simpatiko si Joem, sigurado maraming chicks ang nagpapantasya sa kanya. “Wala akong girlfriend ngayon, last relationship ko noong time na nasa college pa ako, mapili kasi ako! Tatlo pa lang ang serious relationship ko. Happy naman ako kahit walang girlfriend.”

Pabor ba si Joem sa live-in relationship? “Yeah, sa generation namin ngayon, oo naman! Kasi before, ‘yun ang tinuro ng Mom and Dad ko, sa generation namin ngayon it’s normal. Hindi na ano ‘yung kasal kasi, ang pangit ng kasal kayo tapos magsasama for awhile, tapos hiwalay naman agad kayo. Kailangan sigurong makilala muna ninyo ang isa’t isa, mahirap ‘yung pabigla-bigla.”

Kailangan bang kasundo ni Joem sa sex ang partner niya para mag-last ang relationship? “Oo naman, kailangang magkasama ‘yun, total package – love, compassion, making love, kasama ‘yun so, kailangan nandoon ‘yun. Noong nanliligaw ako nu’ng high school, ang haba ng ligawan. Nang mapunta ako sa college, paikli na nang paikli. Ngayon, nag-date kayo, the next day magkasama na kayo the whole week, you’re going out na, your kissing na, etc.” Natatawang sabi ni Joem.

loading...

One thought on “Jolo Revilla, courting Queenie Padilla?

  1. JOLO, mambuntis ka na lang ng mambuntis tutal jan ka magaling eh…..San ka kukuha ng pambili ng gatas ng anak mo???..eh di hihingi sa tatay mo…san kukuha tatay mo?? eh di mangungurakot….

Leave a Reply

Your email address will not be published.