Jolo Revilla at Melissa Ricks, one-month nang mag-on?!

NAGRE-REACT ANG MARA-MING fans ni Nora Aunor nang malaman nilang wala nang boses ang aktres matapos na ito ay dumaan sa operation. Ayon sa isang insider, nasira raw ang magandang tinig ng Superstar dahil during operation, kung saan nagparetoke ito ng kanyang mukha, na-choke daw ang aktres at kinapos ng hininga. Dahil doon, nataranta umano ang doktor na nagsagawa ng operation kaya dagling nilagyan ng tubo sa ilong ang aktres pero hindi pa rin daw makahinga si Mama Guy kaya binutasan ang kanyang lalamunan na siyang dahilan para masira ang boses ng aktres.

Ayon sa mga fans ni Mama Guy, dapat lang daw magdemanda ang kanilang idolo dahil para raw pinatay na ang kanilang idol dahil wala na ang maganda nitong tinig. “Dapat sa doktor na gumawa nu’n sa kanya ay wasakin ang ngala-ngala at pagkukurutin nang walang humpay para matsugi na sa earth!” Pahayag ito ng isang taong nagmamahal kay Nora Aunor.

Samantala, ayaw pa ring magsalita ni Mama Guy sa kung ano ang tunay niyang kalagayan, pero kung paniniwalaan ang balita ay nakalatag na raw ang demandang isasampa ng nag-iisang Superstar ng bansa, kung saan ay sampung milyong dolyares ang hinihinging danyos.

SECURITY REASON ANG dahilan kung bakit pinaghiwalay ng school ni Charlene Gonzales ang kanilang kambal ni Aga Muhlach. “Ang gusto kasi namin ni Aga ay magkaroon ng kani-kaniyang identity ang mga bata, kasi mahirap naman na nasa isang school sila, baka magkaroon sila ng problema at iyon ang iniiwasan namin,” pahayag ni Charlene na nagsabi pa ring sobrang blessed siya dahil bukod sa dalawa niyang anak na sina Atashia at Andres, nagkaroon siya ng almost perfect husband na si Morning.

Samantala, inamin pa rin ni Charlene na natatakot siyang maging lola agad sa kanyang mga kambal lalo pa at instant lola siya kay Igi Boy na anak ni Aga kay Janice de Belen, na ngayon ay may baby boy na sa asawang si Patty. “Masaya ako dahil lola na nga ako, pero ayoko pa sana. Wala namang tayong magagawa, huh! Ha-ha-ha!”

Sinabi pa rin ni Charlene na kamukha daw ni Aga ang unang apo. “’Yung ilong, parehong-pareho kay Aga. Cute ‘yung baby at nu’ng makita ko nga talaga naman, nakakatuwa.”

Aminado si Charlene na matuwain siya sa bata, pero hindi raw ibig sabihin ay gusto na niyang sundan ang kanilang kambal. “Ay, huwag na muna! Hayaan na lang muna nating sila muna ang aking pagkaabalan. Pero kung bibigyan tayo ni Lord, taus-puso nating tatanggapin.”

INAMIN NI SENATOR Bong Revilla na ipinakilala na ni Jolo Revilla si Melissa Ricks sa kanya. At ayon sa aming insider na very close sa Revilla family, kapag ang isang babae ay ipinakilala raw ni Jolo sa kanyang mga magulang, one hundred percent gilfriend na niya ito. “Sila na ba? Wala akong alam pero ipinakilala na siya sa akin ni Jolo,” pag-amin iyon ni Senator nang makausap namin siya kamakailan kasabay ang pagpapasalamat sa movie press matapos na siya ay mag number one sa nakaraang elections.

Samantala, inamin ni Jolo na totoong ipinakilala na niya si Melissa kay Sen. Bong. “No, hindi wala pa kaming relasyon.” Pero sinabi ng aktor na totoong nagde-date sila ng aktres. “Wala naman sigurong masama, ‘di ba?”

Sinasabi na si Jolo ang tunay na dahilan kung bakit nag-break sina Melissa at si Jake Cuenca. Kahit walang pag-aming nangyari sa kanilang relasyon, selos na selos daw kasi si Jake kay Jolo. “Ewan ko, hindi ko alam. Basta magkaibigan lang kami ni Melissa,” deny pa ng aktor na ikinataas lang ng kilay ng aming source na nagsabing one month na raw ngayong on going ang relasyon nina Jolo at Melissa.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

5 thoughts on “Jolo Revilla at Melissa Ricks, one-month nang mag-on?!

  1. ang tulis talaga ni jolo..parng si bong sa kamanyakan…galing nito siguro sa kama at halos lahat eh natutuhog…hmmm bagong idol…sana mabuntis mo yan si mlissa..

  2. Imposible naman ang balitang iyan tungkol ke Nora Aunor!!!
    Kung totoo iyan ay dapat na nagsalita na noon pa ang kanyang kumare na si Aster Amoyo na nagsilbing link between Guy and the surgeon.

    Hay, naku..papaikutin na anamn tayo ng kasinungalingan ni Nora Aunor. Di pa kasi aminin na hindi na talaga kayang kumanta!!!

    • i knew it, pera pera lang yan. Biruin mo kung totoo nga na 10 mil ang damage na hinihingi niya eh pwede na siyang hindi mag-artista pa. :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.