Jolo Revilla at Melissa Ricks, nag-date sa isang sinehan! – Eddie Littlefield

NAKA-MOVE-ON na nga si Jolo Revilla after his break-up with Lovi Poe. Gumanda ang takbo ng kanyang showbiz career sa tulong ng Kapamilya network. Inilunsad siyang bida sa action/adventure na Pepeng Agimat with Melissa Ricks. Naging maganda ang simula ng pagkakaibigan nina Jolo at Melissa na agad na-develop ang binatang anak ni Sen. Bong Revilla sa angking ganda at talino ng dalaga.

Binigyang laya ni Jolo ang nararamdaman niya para kay Melissa. Sineryoso ang panunuyo sa dalaga. Nand’yand padalhan niya ng bulaklak si Melissa sa mall show nila ni Matt Evans na labis na ikinatuwa ng young actress. Agaw-eksena nga raw ang driver ni Jolo nang umakyat ito sa stage para ibigay ang bulaklak kay Melissa. Bakas sa mukha ng dalaga ang kaligayahan nang mga sandaling ‘yun.

Maging sa nakaraang Star Magic Concert na ginanap sa Araneta Coliseum, pinadalhan uli ng bulaklak ni Jolo si Melissa na ikinagulat ng mga kapwa niya artista at mga taong nasa paligid. Maging si Jake Cuenca ay saksi sa pangyayaring ‘yun. Tahimik lang daw ang aktor, nakikiramdam sa magiging reaksiyon ni Melissa. Pero obvious na apektado si Jake sa ginawa ni Jolo na pagpaparamdam ng kanyang saloobin sa dalaga. Knows naman nating matagal nang nanliligaw si Jake kay Melissa, hindi pa rin malinaw kung ano na ang real score sa kanilang dalawa.

Siyempre, na-touch si Melissa sa pagiging thoughtful ni Jolo. Sa set nga raw, dinadalhan ni Jolo ng paboritong pagkain ang dalaga. Nireregaluhan ng mamahalin tulad ng “Hello Kitty” blanket (limited edition, 2 in New York, 2 in the Philippines) na binili pa ni Jolo sa Rockwell, Makati kahit walang okasyon. Ibang klase talaga itong anak nina Lani Mercado at Sen. Bong pagdating sa babae, tunay kung magmahal!

This Christmas, nag-iisip na raw si Jolo kung anong magandang regalo ang ibibigay niya kay Melissa. I’m sure, bonggang-bonggang Christmas gift ang matatanggap niya galing kay Jolo.

Pakiwari namin, first time na-experience ni Melissa ang ganitong klaseng treatment sa isang lalaki. Hindi na namin ikagugulat kung sakaling ma-inlove ang dalaga kay Jolo dahil malinis ang intensiyon niya rito.

Sa takbo ng pangyayari, tipong nagkakamabutihan na raw sina Jolo at Melissa. Hindi na raw publicity gimik ang sobrang closeness ng dalawa. Marami ang nagpapatotoo sa magandang pagtitinginan nila sa isa’t isa. Katunayan nga, magkasama raw ang dalawang nanood ng This Is It ni Michael Jackson sa Greenhills, Ortigas. Magkahawak-kamay pa raw sina Jolo at Melissa habang papasok ng sinehan,” tsika pa sa amin. Wala naman sigurong masama kung makitang magkasama sila sa mga lakaran, pareho silang walang karelasyon.

Ano kaya ang magiging reaction ni Jake kapag nalaman niya ang nakaiintrigang bonding ng dalawa? Ipaglaban kaya ni Jake ang pag-ibig niya kay Melissa o ipaubaya na lang niya kay Jolo ang babaeng mahal niya?

Well, abangan na lang natin kung saan hahantong ang matamis na pagtitinginan nina Jolo at Melissa. Ang masasabi ko lang, ibang klase talaga ang anting-anting ng mga Revilla pagdating sa babae! ‘Yun lang!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Jolo Revilla at Melissa Ricks, nag-date sa isang sinehan! – Eddie Littlefield

  1. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published.