Jolo Revilla at Lovi Poe, nagkabalikan na?! – Chit Ramos

PAANO NA NAMAN kaya ipaliliwanag ni Jolo Revilla ang aming nakita na magkasama sila ni Lovi Poe sa Greenbelt (Makati) na nagsa-shopping to death? Ina ng awa, ‘syadong ang mamahal ng mga binibili niya. Parang hindi na sila sisikatan ng araw sa dami ng dala-dala nila. Last week lang ito.

At sobra rin silang sweet-sweetan. Mukhang nagkakabalikan ang dating lovers. Hindi yata sila makatitiis na maging malamig ang kanilang Pasko. Hindi ko nilapitan ang dalawa at hindi ko rin tinawagan. Baka mapakiusapan pa akong huwag kong isusulat, alang-alang sa projects nilang Agimat Presents Pepeng Agimat on ABS-CBN at si Lovi naman ay Sagrada Pamilya for Legalas Productions.

Mukhang pinakinggang naman ni Jolo ang payo ng mga nagmamalasakit sa kanya na ipaubaya na si Melissa Ricks kay Jake Cuenca. Bagama’t sinasabi naman niya na gusto lang niyang maging kaibigan ang katambal sa Pepeng Agimat. Iyon na nga lang, walang naniniwala kay Jolo dahil kilala nga ang kanilang angkan na madaling maakit ng isang magandang babae. Mana-mana, ‘ika.

On Jake’s part naman, hindi kaya torn between two lovers siya ngayon? Given na talagang sila na ni Melissa (ayaw lang aminin ng dalaga dahil sa sobrang higpit ng parents nito), pero kapwa naman sad sina Jake at Roxanne Guinoo sa pagtatapos ng kanilang Your Song Presents Sa Kanya Pa Rin. Feel na feel daw ng dalawa ang kanilang kissing scenes. Halos ayaw nang maghiwalay ang kanilang mga labi. At hindi nila idinenay na nadala talaga sila sa eksena. Iyon na nga lang, bukod sa may Melissa na si Jake, may Chinese BF na rin si Roxanne.

NAKAGUGULAT ANG TRANSFORMATION ng dating child actress na si Precious Hipolito na misis na pala ngayon ni QC councilor Winnie Castelo. The last time I saw her, (nang manalo siya ng Best Actress mula sa FAMAS) beybing-beybi pa siya. Pagkatapos, sa TV ko na lang siya napagkikita at isang broadcaster na. Tapos, may asawa na pala at dalawang anak na ngayon.

Mariwasa sa buhay ang mga magulang ni Precious. Nag-produce din sila ng ilang pelikula. Pero, dahil sa mister niyang si Councilor Castelo, naisipan nilang mag-file ng resolution para gawing “Fernando Poe, Jr. Avenue” ang Del Monte Avenue.

“Pereho kami ng mister ko na lifelong admirers ni FPJ, hindi lang bilang outstanding movie star, director at producer, kundi a very humble and honorable civic leader na sa loob ng maraming taon ay nakatulong sa napakaraming tao nang hindi na inaanunsyo ang kanyang mga donasyon at tulong,” ani Precious sa isang casual interview.

“Sayang nga po at hindi ako nakagawa ng pelikula with my idol FPJ noon. Pero, ang naisip naming resolution ay patunay ng pagkilala namin sa kanyang liderato, hindi lamang sa showbiz. The entertainment business po ay hindi lang importanteng bahagi ng business sector, kundi a source of enjoyment for the public.”

GOING BACK TO Lovi’s Sagrada Pamilya, dapat sigurong pigilan niya si Jolo na panoorin ang premiere at VIP night nito sa Miyerkules sa Robinson’s Galleria.

Baka, maudlot na naman ang pagbabalikang iyan. May nakagugulat kasing eksena ni Lovi, kung saan kasiping niya ang kanyang leading man, na naghubad pa ng kanyang brief. Sa totoo lang, na-shock si Lovi nang mangyari iyon. Pero, dahil break naman sila ni Jolo nang mga panahong iyon, pinili niyang maging tunay na alagad ng sining. ‘Yun bang “go where the wind blows!” Gusto man nilang pakiusapan ang mga producers na alisin ang parteng iyon, it’s too late the hero na. Alam na alam na ng mga manonood ang pagkakaroon ng “maiinit” na eksenang iyon, kaya’t they’ll feel cheated kapag inalis iyon.

Kailangan na lang niya sigurong paalalahanan si Jolo na pareho silang mga artista, kung kaya’t hinid maiiwasan ang mga eksenang tulad niyon. Incidentally, natutuwa naman si Lovi sa panukalang gawing “Fernando Poe, Jr. Avenue” ang Del Monte Ave. Itinaon pa naman ito sa 5th death anniversary ni FPJ noong Dec. 14.

In an earlier interview, nasabi ni Lovi na sakaling buhay pa ang kanyang dakilang ama, hinding-hindi mangyayari ang eksenang iyon sa pelikula.

“Baka pati, pag-artista ko ay hindi rin mangyayari. Magdarasal na lang ako na sana’y maunawaan niya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.”

As far as Jolo is concerned, nasabi rin niyang, “Naku, tiyak na magdaraan siya sa butas ng karayom. Palagay ko, hanggang bahay lang ang pagdalaw niya sa akin. Very protective kasi ang Dad ko,” natatawa niyang pahayag.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

2 thoughts on “Jolo Revilla at Lovi Poe, nagkabalikan na?! – Chit Ramos

  1. Bitin yung ending ng Sa kanya parin, sana may kasunod pa yun, kc sobrang ganda ng story. At bitin talaga ang story nila , hindi talaga tapos, kulang,,… pls………… parang walang ending kc…. like other meron pero ito bitin

Leave a Reply

Your email address will not be published.