Jolo Revilla, aminadong nasaktan sa break-up nila ni Lovi Poe – Eddie Littlefield

KAHIT WALANG LOVELIFE ngayon si Jolo Revilla, masaya ang young action star sa naging resulta ng Pepeng Agimat. Hataw sa ratings ang kanyang action adventure series kaya’t extended ito hanggang February 27. Masaya ang binata kahit walang dyowa, ini-enjoy ang buhay sa piling ng kanyang pamilya at sa anak na si Gab.

“I’m single right now but I am in a relationship with the Lord,” nagbibirong turan ni Jolo. “Walang maniniwala sa akin, imposible! After the controversy na pinagdaanan ko, siguro mas okey na itong ganito.

Pinaparating siguro sa akin ng Panginoon na mag-concentrate muna ako sa career ko. Lalo ngayon, binibigyan ako ng magandang project ng ABS, patuloy pa rin ang magandang ratings ng aking ‘Pepeng Agimat’ at the sametime, magpatuloy pa rin ‘yung mga proyektong parating sa atin. Either dito sa ABS or sa kabilang station. Focus muna sa career.

Isantabi muna natin ang love life. Bata pa naman ako, bakit hindi ko muna subukang maging single, ‘di ba? Kumbaga… new year, new me, bagong mundo para sa akin, ‘di ba? P’wede naman akong mag-enjoy nang walang girlfriend, nothing serious this time. I have to prove it to myself na puwede kong gawin,” sey pa niya.

As a father to Gab, very responsible si Jolo. Siya pala ang nagbabayad ng mga personal na pangangailangan ng anak. “May sarili akong business, buy and sell ng mga kotse. Kasosyo ‘yung mga kaibigan kong mahihilig sa sasakyan. Actually may sariling fund na si Gab, baka i-transfer ko na siya sa big school, kasi ngayon, nasa Learning Child (school) siya. Gusto ko na siyang ipasok sa La Salle this June kung saan nag-aaral ‘yung mga kapatid ko. Ako naman ang nagbabayad ng school niya ever since, lahat. Siyempre, ayaw ko namang iasa sa magulang ko, hindi naman tama ‘yun,” kuwento niya.

Nang tuluyang maghiwalay sina Jolo at Lovi Poe, kasabay nito ang pagputok ng balitang nagkahiwalay rin sina Shaina Magdayao at John Prats. This time, may chance na kayang magkalapit uli sila ni Shaina?

“Nabalitaan ko nga na ganu’n nga, kasabay ng controversy na naglabasan tungkol sa akin. Basta ang masasabi ko, kung saan siya masaya, masaya na rin ako para sa kanya. Siguro, let’s just cross the bridge when we get there and I want to be single, ‘di ba?”

Ramdam namin kung gaano kamahal ni Jolo si Lovi. Kahit ayaw na niyang mapag-usapan pa si Lovi, ramdam namin ang sakit na dulot ng kanilang paghihiwalay. Hindi naitago ang tunay niyang saloobin sa dalaga. “Huwag na natin siyang pag-usapan, masakit, alam mo ‘yun. Aaminin ko, nasasaktan ako, mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Kumbaga, kailangang tanggapin. Mahirap, pero ‘yun, eh. Tama na, para sa akin, kung saan siya masaya, masaya na rin ako.

“Sa akin, buhay niya ‘yun, ‘di ba? Alam ko namang minahal niya ako. Ayaw ko nang mapag-usapan pa ang tungkol kay Lovi. Baka sabihin pa ng kampo niya na ako ang nagkakalat ng mga issue na hindi naman totoo. Kahit ngayon, kapag nasasaktan siya, nasasaktan ako. Nandu’n pa rin siya siyempre. Hindi naman basta-basta relasyon ‘yung pinasok namin, almost two years din ‘yung relationship namin. Hindi naman sobra-sobrang pain, hindi lang naman du’n sa past relationships. Hindi ko naman sinasabing nasaktan ako sa past relationships ko dahil marami rin naman akong napagdaanan sa buhay ko,” pahayag ni Jolo.

Kanino kina Lovi at Grace ‘yung totoo kang nasaktan sa inyong paghihiwalay? “Actually, I don’t wanna compare, hindi naman dapat ikinukumapara ang relasyon. Bawa’t relasyon, may kanya-kanya kang lesson na natututuhan at ibang level ng pagmamahal. Lalo na’t ibang experiences ‘yung mararamdaman mo. Ang pagkakaiba, hindi mo talaga puwedeng ikumpara,” makabuluhang sabi pa ni Jolo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Jolo Revilla, aminadong nasaktan sa break-up nila ni Lovi Poe – Eddie Littlefield

Leave a Reply

Your email address will not be published.