Jolo Revilla, aminadong nagpabaya sa showbiz career!

HINDI LANG PALA ISA kundi dalawang araw ang guesting ni Sen. Bong Revilla sa ‘Pepeng Agimat’ episode ng Mga Agimat ni Ramon Revilla ng kanyang anak na si Jolo.

“Napakaganda po ng eksenang kinunan sa aming dalawa kung kaya’t hindi natapos ng isang araw lang. Hindi sila nag-dalawang salita sa Papa ko,” pagtatapat ni Jolo.

“Hindi puwedeng sabihin na ginawa iyon ni Papa dahil anak niya ako. Umiral din ang professionalism niya dahil magiging bitin ang bahaging iyon ng kuwento kung hindi niya tatapusin. Performance level ang ibinigay ni Papa kaya lalo akong natensiyon.

“Pero hindi ko iyon ipinakita sa kanya dahil alam kong magagalit siya. He was doing it not only for me but also for my lolo (Ramon, Sr.) na numero unong naghihintay sa pilot episode nito. Ayun, na-over tuloy ang budget pero balewala ‘yon sa ABS-CBN,” dagdag pa ni Jolo.

[ad#post-ad-box]

Jolo also considers ‘Pepeng Agimat’ as a make or break happening in his young life dahil naudlot na nang ilang beses ang tuluyan niyang pagsikat.

“It’s my fault kung bakit hindi nagtuluy-tuloy ang pangarap nila para sa akin. Pero naniniwala ako na ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Ibinigay ko na ang lahat. Wala akong pakialam sa mga daring scenes. Gusto ko talagang maniwala na may agimat ding kasama ang buhay at career ko. Heto pa rin kasi ako, pinagkakatiwalaan at inaasahang magiging karapat-dapat na anak at apo ng orig na ‘Pepeng Agimat.’

Napi-feel din ni Jolo na suwerte ang hatid sa kanya ni Melissa Ricks dahil napakagaan nitong maging leading lady.

“Huwag na po muna ninyo kaming i-link sa isa’t isa para hindi kami magkailangan. Wala siyang arte sa katawan. Game siya sa lahat ng mahihirap na eksena. Okey lang sa kanya kung pagmukhain siyang tunay na aswang pero kahit ano pa ‘yata ang gawin sa kanya, maganda pa rin,” pagtatapos pa niya.

ANG PAGKIKITA NAMAN nina Priscilla Meirelles at John Estrada started on a sour note.

“There were talks kasi na kami na raw agad. And it was aired sa The Buzz,” kuwento ng future wife ni John.

“He kept calling me, hoping that he can make me listen to his explanations. Niyaya niya ako for a coffee at sinabi ko, hindi ako nagko-coffee, hindi rin ako nagti-tea. Meaning, ayoko talagang tanggapin ang invitation niya,” say pa niya.

That time, karelasyon pala niya si Marc Nelson. Tumaas tuloy ang kilay ng mga nag-interview sa kanya.

Actually, bilib din ang Bullchit kay Marc dahil madali niyang nadyo-dyowa ang magagandang foreign celebrities na nagpupunta sa ating bansa.

Take Paula Taylor na katambal ni Bossing Vic Sotto sa Love On Line.

Anyways, back to Priscilla, nang nag-break sila ni Marc, tinawagan niya si John. “Is your invitation still open?” Tanong niya. Parang love on the rebound ang nangyari.

They had coffee at Serendra and they hit it off well. John, after all, was the better man pala.

After next year, ikakasal na silang dalawa. Congrats in advance!

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.