Jolo refuses to share what’s going on with him and Lovi

Calm Ever
Archie de Calma

ISANG MALAKING KARANGALAN para kay Jolo Revilla ang makatrabaho si Robin Padilla, na kung tutuusin ay junior na halos ng ama niyang si Bong Revilla sa larangan ng paghahari sa aksiyon. Kasama si Jolo sa Totoy Bato ng GMA-7 at aminado siyang sa mga unang araw ng taping, kinakabahan siya.

Hindi maikumpara ni Jolo ang ama niya kay Robin, pero ang masasabi lang niya, parehong mahusay makisama ang mga ito. Hindi na iba si Binoe sa kanya at tinatrato niya itong kuya. Sa pagkakaalam ni Jolo, naging close din ang ama niya at si Binoe nang magkasama ang mga ito sa Alega Gang.

Nakatutok si Jolo sa pag-aaral niya at kumukuha siya ng Marketing Management course sa isang de-kalidad na eskuwelahan. Kumbaga, may direksyon naman siyang pinupuntahan at hindi lang pag-aartista ang iniintindi niya.

Patuloy na naitatanong si Lovi Poe sa kanya, but this time halatang umiiwas na si Jolo sa ganitong topic.

Kumakalat ang chikang kahit boto ang mga Revilla kay Lovi. Sa mommy ng young actress na si Rowena Moran, hindi raw welcome na umakyat ng ligaw kay Lovi si Jolo.

Ang ganitong usapin ay hindi na talaga pinapatulan pa ni Jolo. Out of respect na lang daw sa mga taong involved, lalo na ang mommy ni Lovi. Ayaw na rin talaga ni Jolo na lumaki pa ang isyu. Hindi rin alam ni Jolo kung paano sasagutin ang mga tanong kung hanggang kailan kaya na hindi siya matatanggap ng pamilya ni Lovi.

“Ginagawa ko naman ang lahat, eh,” sabi pa ni Jolo. “Kung anuman ‘yung sa amin ni Lovi, I just want to keep it private.”

HINDI NA MAINTINDIHAN ng publiko kung ano ang gagawin ng ABS-CBN kay Maja Salvador. Napapanood man siya regularly sa May Bukas Pa, marami ang nanghihinayang dahil may attempts na makapagbida na siya, pero mukhang hindi nagpu-progress. Gaya ng Anna Liza na nakapag-taping na’t lahat, nag-decide ang management ng Dos na huwag nang ituloy. ‘Yun namang Moon River na papalitan daw ng pamagat, wala pang sinasabi kay Maja na hindi na tuloy, but we have a feeling na parang mababantilawan na ito kung itutuloy pa.

In fact, ang dapat na katambal ni Maja rito na si Geoff Eigenmann na magbabago na raw ng image sana at medyo pa-sexy na ang dating, hayun at lumipat na sa GMA-7. So, paano pa kaya itutuloy ang proyektong ito gayong ang alam namin, nakapag-taping na rin ito?
Kung si Maja ang tatanungin, ang mga pangyayaring ito’y pabor pa rin sa kanya.

Nangangahulugan daw na hindi pa siya talaga handa sa pagbibida sa primetime.

“Ayokong magmadali,” sabi pa ni Maja. “Like last year, ang primetime show lang na nasamahan ko, ‘yung Patayin sa Sindak si Barbara. After that, nasa Kapitan Boom ako na every Saturday lang noon naipalabas.”

At least, para hindi tuluyang mawala si Maja sa kamalayan ng publiko, isinali pa siya sa May Bukas Pa kahit all-star cast ito at lumalabas na isa lang siya sa mga suporta rito. Naniniwala ang young actress na dapat na magtiwala siya sa ABS-CBN management, dahil sila naman ang nakaaalam kung ano ang nararapat na panahon para pabonggahin nang husto si Maja.
Kaya hindi kariringgan si Maja ng reklamo. Nariyang pati ang ipinapareha sa kanyang si Rayver Cruz ay tine-test din kung kakagatin with Sarah Geronimo at isinama nga itong binata sa cast ng hit movie na You Changed my Life.

That leaves Maja without a permanent ka-loveteam, na okey lang naman sa kanya kung ‘yun ang desisyon ng ABS-CBN. Kahit nga lumabas ang pahayag niyang medyo may tendency ngang mahulog ang loob niya kay Rayver, ang kaso nga’y kay Sarah naman ito ipinapareha.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.