Jollibee, Nasunog

NASUNOG ANG sangay ng fastfood chain na Jollibee sa Cagayan de Oro City dakong alas-12 kahapon ng tanghali.

Hinihinalang nag-umpisa ang apoy sa kitchen area ng fastfood sa Kauswagan Highway na mabilis na kumalat.

Umabot sa general alarm ang sunog kaya rumesponde maging ang mga firetruck ng malalaking mall sa nasabing lungsod.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente na hindi pa batid kung magkano ang halaga ng natupok na ari-arian.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.