Jolina Magdangal, swak ang pagiging tsikadora sa bagong talkshow

Jolina Magdangal

Jolina Magdangal

Tsikadora naman talaga si Jolina Magdangal, kaya swak na swak siyang maging parte ng bagong programa ng ABS-CBN, ang “Magandang Buhay” na talkshow nila nina Melai Cantiveros at Karla Estrada.  Si Jolens ‘yung tipo ng artista na kahit noong bagets pa lang siya hanggang ngayon ay mahirap magsinungaling. Dahil kapag nagsalita siya ay dire-diretso na, hindi katulad ng ibang artista na nag-iisip pa muna ng sasabihin dahil baka mabuking ang pagsisinungaling.

Masuwerte si Jolina Magdangal sa pagkakaroon ng mga magulang na masinop sa kabuhayan. Kaya bagets pa lang si Jolens ay naimulat na nila sa pagnenegosyo. Kaya naman nu’ng mangyari na hindi masyadong busy ang wife ni Marc Escueta sa showbiz, may mga negsoyo silang pinagkakaabalahan. Ang bonggang suwerte rin niya ay napakabait ng kanyang naging husband, kaya naman blooming lagi ang Kapamilya star.

Happy rin si Jolens sa kanyang naging pagbabalik sa ABS-CBN, dahil muling ipinararamdam sa kanya ng network na kahit minsan siyang nawala sa poder ng kumpanyang nagpasikat sa kanya, muli pa rin siyang tinanggap sa kanyang pagiging Kapamilya. Ang maganda kasi kay Jolens, kapag umalis siya sa isang kumpanya ay hindi siya nagsasalita nang patapos na para bang wala nang balikan pang magaganap.  Para sa kanya, importante ang trabaho at ang pakikipag-kapwa tao.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.