Jolina Magdangal, pressured ‘pag napag-uusapan ang pagbubuntis

“AYOKONG PAG-USAPAN ang tungkol sa kung kailan ako mabubuntis, nakaka-presure kasi!” Ito ang namutawi sa bibig ni Jolina Magdangal nang matanong ng mga kapatid sa panulat kaugnay sa kung hindi ba ito naiinip dahil until now ay hindi pa siya nabubuntis.

Dagdag pa ni Jolina, “Hindi naman minamadali ang pagbubuntis. Kapag ibinigay na sa ‘yo ni Lord ‘yun, kusang darating na ‘yun.

“Ang alam ko, inihahanda ang katawan, isip at may total rest ang isang babae para mabuntis na at ‘yun ang ginagawa ko ngayon.”

“Alam ko namang darating ‘yung time na bibiyayaan din kami ng anak ni Lord at ‘yun ‘yung hinihintay namin.”

Sa ngayon daw, mas lalong sumasaya at tumitibay ang pagsasama nilang mag-asawa habang tumatagal ang kanilang pagsasama. Sa dami raw ng blessings na dumarating sa kanyang buhay may asawa at sa kanyang career, wala na raw mahihiling pa sa Diyos si Jolens kung hindi ang biyayaaan na sila ni Lord ng anak.

Sa ngayon daw, nagdo-doble at triple na effort sina Jolens at ang kanyang mapagmahal at very supportive husband para makabuo na at magkaroon na ng supling . Babae o lalaki man daw ang ibigay sa kanila ni Lord, okey sa kanila basta ang mahalaga, malusog ang baby na magkakaroon sila.

VERY SWEET na dumalo sa aming kaarawan sina Kris Bernal at Carl Guevarra. Naging laman nga sila ng tuksuhan ng gabing iyon, dahil pareho sila ng kulay ng damit ng gabing iyon.

Marami ngang nakapansin na blooming ang magkapares, naggo-glow sa ganda at kaseksihan si Kris at napakaguwapo naman nang gabing iyon si Carl. Hindi man diretsang umamin ang dalawa sa kanilang relasyon nang tanungin ng ibang mga manunulat, pero kitang-kita naman sa mga kilos ng mga ito kung gaano kaimportante at kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa.

Kinikilig nga ang ilang press people dahil simula nang dumating ang mga ito, hangang sa umalis ay sila lang ang magkasama, magkausap at sabay na kumain. Bagay na bagay nga ang mga ito at napakasarap tignang magkasama.

Kaya naman daw inspired ang mga ito na magtrabaho, dahil inspirasyon ng mga ito ang isa’t isa. Maganda nga siguro ang idea na pagtambalin ang mga ito, para naman hindi pinipeke ang sweetness sa mga eksena, dahil sa totoong buhay ay  sweet naman sila sa isa’t isa, ‘di ba?

 

PABIRO PERO seryoso at natatawang ikinuwento ng paborito naming aktres na si Miss Sylvia Sanchez na binigyan daw niya ng condom ang kanyang mabait na anak na si Arjo Atayde na unti-unti na ring nakikila bilang magaling na batang actor sa bansa.

Ayon nga kay Ms. Sylvia, ayaw raw niya kasing makabuntis nang maaga ang kanyang binatilyo, kaya naman daw dahil sobrang close at open sila sa isa’t isa, kaya naman okey lang daw na bigyan nito ng condom ang kanyang anak na during that time na ibinigay nito ay may girlfriend si Arjo.

Tsika pa ni Ms. Sylvia, natatawa nga raw si Arjo nang tanggapin ang condom na ibinigay niya, dahil hindi nga raw nito inakala na bibigyan siya nito ng kanyang mommy. Naiintindihan naman daw ni Arjo ang kanyang ina kung bakit binigyan siya nito.

Dagdag pa ni Ms. Sylvia, marami pa siyang magagandang plano kay Arjo at hindi kasama rito ang maagang pag-aasawa at makabuntis ito nang maaga. Mas maganda na raw na nag-iingat kaysa naman dumating ‘yung time na makabuntis ito nang maaga dahil hindi nag-ingat.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Jolina Magdangal, pressured ‘pag napag-uusapan ang pagbubuntis

  1. ANO BANG NANGYARI RITO KAY JOLINA? DI BA PARANG LUMELEVEL NA SYA NOON KINA JUDAY? ANYARE? MAY GIMIK PA SIYA NOON NA NAGPALIT NG IMAGE NA PARANG RAKISTA NA LADY GAGA NA EWAN. HANGGANG SA TULUYAN NANG NAGING…ANO BANG DAPAT…LAOCEAN NA BA O SEMI PA LANG? HAHAHAHA. KALOWKAH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.