Jolina Magdangal, napapabayaan ng manager?!

HOW TRUE NA hindi nagustuhan ni Daddy Jun Magdangal, father ni Jolina Magdangal, ang tila kulang na promo ng Jolie magazine ng singer-actress?

Sabi ng isang naming tsikadorang friend, hindi nagustuhan ni Daddy Jun ang kawalan ng atensiyon ng manager ni Jolina na si Perry Lansingan sa magazine ni Jolina. Feeling niya, pinabayaan ni Perry ang promotion ng mag ng kanyang anak. Wala kasing fanfare at presscon man lamang at kulang din daw ang exposure ng mag sa telebisyon.

Ini-launch lang daw kasi ang Jolie mag sa SOP two Sundays ago, tapos wala nang follow-up para i-beef up ang interest ng tao sa magazine. Ni hindi man lamang daw iprinomote sa iba pang GMA shows ang nasabing mag.

Samantala, nakarating na raw kay Jolina ang nasulat namin na ginagaya niya si Lady Gaga nang magpalit siya ng image. Ang sabi raw ng singer-actress, hindi naman daw si Lady Gaga ang kanyang kinokopya.

Hello, obvious ba na you’re trying very hard to copy Lady Gaga? And that you’re fast becoming a third rate copycat?

Anyway, mukhang hawak sa leeg ni Perry si Jolina. Kung ano raw kasi ang sabihin nito ay kanyang sinusunod without question.

Gano’n?

Ayaw raw isama ni Perry sa publicity ni Jolens ang boyfriend nitong si Mark Escueta. Hindi raw feel ng manager ni Jolina na i-exploit ang love angle ng couple.

Eh, ano naman kaya ang puwedeng pag-usapan kay Jolina kundi ang kanyang love life? She’s not that interesting anymore, ‘no!

MAGPAPALIT NA PALA ng manager itong si Iza Calzado.

May blessing naman daw ng father ni Iza na si Lito Calzado ang balak na pagpapalit ng manager. Actually, si Lito ang manager ng aktres at siya na mismo ang nagsabi sa kanyang anak na hindi na niya kayang i-handle ang career ng kanyang daughter. Inaalagaan kasi niya ngayon ang kanyang ka-partner na may sakit daw.

Ang sinasabing papalit na manager ni Iza ay si Noel Ferrer na manager din nina Ryan Agoncillo at Edgar Allan Guzman.

Napag-alaman din namin na si Noel pala ay lilipat na sa TV5.

NAALIW KAMI SA palitan ng tarayan nina Ai-Ai delas Alas at Janno Gibbs noong Linggo sa Valentine’s concert ng una sa Tent City sa Manila Hotel.

Kinumusta kasi ni Ai-Ai si Janno at ang kanyang network na pinaglilingkuran. Siyempre, okay naman ang sagot ni Janno.

Napadako ang usapan sa “tarayan” ng dalawa. Tinanong ni Ai-Ai kung ilan ang elevator sa GMA-7. Tatlo ang sagot ni Janno. Sabi ni Ai-Ai, sa kanila tatlo rin pero may sensor ang kanilang elevator.

Janno asked kung may mga super heroes sila sa Dos. Sagot ng komedyana, meron, sina Super Inggo at Varga. Sabi naman ni Janno, meron silang Darna at Captain Barbell.

Humirit pa si Ai-Ai, meron daw silang Bro na ang tinutukoy ay ang Diyos na kausap ni Santino sa May Bukas Pa.

Sagot naman ni Janno, kung merong Bro sa Dos ay meron naman silang Sis sa Siyete.

Tawanan ang audience. Until humirit si Ai-Ai na sikat na sikat ang kanilang Showtime, baliki-hirit naman ni Janno, ang show na pinalitan ng Showtime ay dating pinataob ng Sis. Ayun, natulala si Ai-Ai kasi show niya ‘yon, ang Ruffa & Ai.

Kaloka!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Jolina Magdangal, napapabayaan ng manager?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.