Jolina Magdangal, nakatakdang manganak anumang araw ngayon

Jolina-MagdangalFEBRUARY 18 pala ang due date ni Jolina Magdangal para isilang ang anak nila ng asawang si Mark Escueta pero nagpadala ng ospital kamakailan si Jolens dahil nag-contract na ito at inakalang manganganak na. False alarm naman at umuwi rin pagkatapos huminto ang pananakit ng tiyan.

Tumutuloy ngayon ang aktres sa bahay ng mga Escueta sa Parañaque dahil malapit ito sa Asian’s Hospital kung saan siya naka-schedule manganak.

Papasok na sa pagiging mga magulang sina Mark at Jolina. Ngayon pa lang, sobrang excited na ang dalawa sa bagong papel na gagampanan nila. Ang pagiging responsableng mga anak nila Mark at Jolina ang patunay lamang na tiyak na magiging responsible at mapagmahal din silang magulang sa kanilang mga magiging anak.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.