Jolina Magdangal, nagmumukha nang perya?!

BLIND ITEM: HETO ang isang eksena sa isang high-end na gym sa Kyusi habang umiinom ng power fruit shake ang mga bida.

Ang mga cast: matinee idol na anak ng isang comedy actor, matinee idol na anak ng isang drama actor, at matinee idol na anak ng isang drama actress.

Ang kanilang topic? Ang kontrobersiyal na female young star na pare-pareho nilang naging ex-girlfriend.

MI1: “Kahit naman noong kami pa, may pagka-wild at liberated siya kaya sigurado ako, hindi naman siya masyadong affected sa nangyaring controversy sa kanya ngayon.”

MI2: “Pero mga brad, aminin n’yo, mas matindi ang mga kumakalat niyang video ngayon kesa sa kumalat na video naming dalawa noon.”

MI3: “’Kainggit naman kayo… kasi, nu’ng naging kami, e, walang spice na nangyari. Parang wala lang. Kaya ngayon, talagang nasa laptop ko ‘yung video niya at ‘yon na lang ang tinititigan ko.”

‘Yon ang naging takbo ng usapan ng tatlong matinee idols na nagkita-kita sa lounge ng isang high-end na gym.

Kapag binuksan n’yo ang mga internet forum ngayon, sigurado, malalaman n’yo na kung sino ang kanilang topic. He-he-he… getz?

Next time kasi, ‘wag makukuwentuhan habang may waitress na nagse-serve ng fruit shake. Baka kasi marinig nila ang inyong topic at biglang mai-tsismis gaya nito, hendehvah?

GAYA NG INAASAHAN, nakakuha na naman ng panlalait sa mga showbiz observers si Jolina Magdangal, lalo na sa patuloy na panggagaya niya kay Lady Gaga.

Sa Party Pilipinas last Sunday, dahil sa sobrang desperate na makakuha ng ratings, e, umeksena na naman si Jolens sa kanyang outfit.

Parang hindi raw kasi Lady Gaga ang kanyang dating kundi Lady Gagamba na nakapula sa isang perya.

Friend namin si Jolens and no offense meant pero ito ang nagkakaisang obserbasyon ng ilang mga friends namin na nakakita sa kanya sa Party Pilipinas.

Oo nga’t ‘yon ang trip ni Jolens. Oo nga’t ganu’n talaga ang kanyang style. Pero habang nakikita siya ng publiko at habang lumalabas siya sa TV nang ganu’n ang kanyang outfit, e, hindi pa rin talaga maiiwasan ang hindi magagandang comments tulad nu’n.

Kaya kung sasabihin ulit ni Jolens na walang basagan ng trip, e, puwede rin sigurong sabihin ng iba na walang basagan ng opinion, dahil ‘yon talaga ang tingin nila kay Jolens.

Pero ‘di bale. Hangga’t carry ni Jolens na sumalo ng mga puna tulad nu’n, e, ituloy lang niya ‘yon.

Sana sa susunod na Sunday, e, isama na niya sa Party Pilipinas ang iba pang mga characters na kasamahan niya sa perya… joke!

KAHIT ANONG PILIT ay sobrang idine-deny ni Rochelle Pangilinan ang balitang nakipag-usap siya sa GMA-7 executive na si Wilma Galvante nang hindi nalalaman ng kanyang manager na si Joy Cancio.

Ang tsismis pa, for the nth time ay mag-aalsa balutan na raw siya sa poder ng Focus Entertainment para maging exclusive talent na ng GMA-7 under Ms. Galvante.

Op kors naman, to the rescue agad si Mother Joy at idiniin din niya na walang nangyayaring sulutan ng talent. Kung may kailangan daw si Tita Wilma kay Rok, e, si Mother Joy ang kinakausap nito.

Hindi naman siguro porke’t baliktaran ang role ni Rochelle sa bagong season ng Daisy Siyete na Adam or Eve, na puwede siyang maging girlet at boylet, e, “baliktaran” na rin ang kanyang totoong character sa tunay na buhay, as in, bumabaligtad sa kanyang tunay na manager?

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

36 thoughts on “Jolina Magdangal, nagmumukha nang perya?!

  1. CONFIRMED si miss ANNE CURTIS nga ang Blind Item ayon sa waitress at hindi si Miss Angel pinag buo-buo lang ang mga M1, M2, M3- para makagawa ng issue kay anne pero totoo si anne nga daw po talaga yan!!!

  2. SI ANNE C., MARAMI NA NGA SIYANG NAGING BF, KAYA PALABAS LANG NYA TO. SANAY NA SANAY KUMBAGA…SEE HER CELLPHONE SCANDALS..

    …YANG BANSOT NA SI JOLINA, LADY.. GAGA?..LADY GALGAL KAMO, SEE THE PIC, PARANG GYPSY. BALIK KA NA LANG SA DISCOVERER MONG ABS CBN, DOON KA MAGBENTA NG NG MGA TILILING KAARTEHAN MO. MISS PUNGGOK. BALIMBING SA PINAKABALIMBING.

  3. mukhang christmas tree c jolina hehehe, iboto natin si villar tunay na mahirap perehas ni idol willie na isang living saint

  4. tama si damascus. the writer’s just playing with your mind. bahala kayo kung gusto nyo magpaloko. halatang imbento ang blind item na ito? kelan naman nagkausap sa isang gym si luis,oyo at richard at kelan naman sila naging close? hahahahah cheap!

  5. at si jolens kasi hindi believable… she is not living her outfit in real life, i mean…. like britney spears or lady gaga or katy perry mga wild sila magdamit and it shows also sa characters nila…. WILD… e si jolens, nagsusuot ng ganong damit e pa-virgin naman

  6. sa impyerno tuloy mo joey sarmiento… gumagawa ng kwento… sa sobrang busy nina luis oyo at richard imposible magkasabay sabay sila sa gym…. at hindi sila close.. and they would not talk like that sa mga ex-gf’s nila dahil getleman sila lahat… gago.

  7. mapag imbento ng blind items naman
    hindi close sina oyo, luis at richard

    napaka impossible
    next time gumawa ka ng totoong story hindi yun imagination ha

    semana santa na mag bago ka na..

  8. anne curtos to! tingin ko ung isang anak ng comedy actor si oyo, ung anak ng dramatic actor c richard tas ung isang anak ng isang dramatic actress…. c luis? naging cla ba? hmmm ewan lang

  9. dito sa pic ni jolina kulang na lang e bolang kristal at mukha na syang fortune teller. dati young looking ngayon lumabas na ang tunay na edad na matanda na sya at di na bagay ang pa cute role sa kanya at lalo na ang get up. wala sa tamang hulog ang ginagawa. tsk tsk tsk. ultimo ang mga tagahanga e di gagawin ang mga pinag gagagawa nya at malamang na pagtatawanan o kaya e lilibakin katulad ng nangyayari sa kanya ngayon.

    • hello po.. character niya kaya yan sa panday kids manghuhula siya.. aynaku!!

      ang mali lang kasi dito tau sa pilipinas.. marami naman gumagawa ng ganyan sa hollywood.. dito sa pinas pagnagchange image ka hindi lang sa pananamit/looks.. mas kinakagat yun may pinapakita ka ..eh hindi si jolens ganun…9gf9fbmkmbkfkjfkfkjf

  10. SI ANNE C., MARAMI NA NGA SIYANG NAGING BF, KAYA PALABAS LANG NYA TO. SANAY NA SANAY KUMBAGA…..
    …………YANG BANSOT NA SI JOLINA, LADY.. GAGA?..LADY GALGAL KAMO, SEE THE PIC, PARANG GYPSY. BALIK KA NA LANG SA DISCOVERER MONG ABS CBN, DOON KA MAGBENTA NG NG MGA TILILING KAARTEHAN MO.

  11. c luis at richard un 1 cno?c anne un gurl ..pano kya kung cla cla nlng hmm ano kya ang pinagwewen2han nila??????hmmm

  12. I feel bad for jolens pedeng pede nman cya maghost s Party Pinas alongside Tim yap bagay d b?

    Sna matauhan na c Jolens at wag niya gayahin c Lady Gaga kasi parang desperate move na eh……maborloloy nman cya dati pa so ibahin na lang niya wag s extreme na black gawin niya kaya mala tesa prieto makulay!

    Dark kasi c lady gaga doesnt fit her…saka di carry ng body niya magpasexy………..

  13. Angel? Anne? Eto lang naman ang may mga video’s and pareho ng naging bf’s…yun nga lang second hand lang si Angel ng mga bf ni Anne…

  14. anobehh!!anong umeeksena!!she was just in the corner with other singers and she’s the one who doesn’t have a mic,so don’t say that umeeksena sya noh!!and..tama si virus..sa production number lang sya nakita ng sobra at parang naging back up singers lang nya sila Glaiza and Jennylyn noh!well,thats believable dahil magaling sya..hahaha!

    love yah,Jolina!<3

  15. tama bang sabihin umeksena si jolens eh nasa sulok nga lang siya..tsk tsk… dun lang sa prod number siya talagang nakita..

  16. oopppss.. mukhang si ANNE nga, kasi wala namang mga video na kumalat si angel, unlike anne, yung kissing nila ni recharge, then yun video niya ngayong lumabas na dede niya, hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.