Jolina Magdangal, maselan ang pagbubuntis

NAGING MASELAN ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis ni Jolina Magdangal. Dahilan para kailanganin muna niya ang complete bed rest.  Pero lately, binigyan na siya ng clearance ng doctor na puwede na siyang lumabas ng bahay at bumalik din sa pagtatrabaho.

Hindi lang sa Sunday All Stars siya pinayagang bumalik kundi pati sa pagti-taping ng Mundo Mo’y Akin. At natutuwa raw si Jolina na nakahabol pa siya sa closing finale nito.

“Na-miss ko talaga ang magtrabaho ulit,” sabi ni Jolina. “Nai-promise ko naman na hindi ko aabusuhin ‘yong sarili ko. Pakikiramdaman ko pa rin. Hindi porke may clearance na, sige lang. Go lang nang go. Behave naman ako.

“Kinumpleto ko ‘yong two weeks na walang spotting. Tapos nag-extend lang ako ng mga ilang araw pa para sure na sure talaga.

May napaglilihian ba siya? “Wala. Ni hindi ako nagsusuka. Walang anuman. Hindi ako nahihilo. Wala akong hinahanap na pagkain.”

Sa panahon daw na naka-bed rest siya, talagang si Mark daw ang personal na nag-asikaso sa kanya.

“Hindi talaga ako sanay na inaasikaso ako, eh. Pero ito, nasubukan ang patience ko. Na… pumirmi ng higa. Ang tayo ko lang… wiwi. Tapos higa ulit. Tapos naaawa rin ako kay Mark. Kasi kahit ‘yong pagpapainom ng gamot, itinatayo niya ako. Kasi nga parang… hindi naman ako nagsayaw, pero ang sait-sakit ng buong katawan ko. Gano’n pala siya.

“Gusto ko sana, lalaki. Okey na okey lang talaga kung baby boy siya. Ang gusto naman ni Mark, baby girl. Pero ang talagang pini-pray namin, healthy ‘yong baby.”

Wala rin daw siyang mood swing kaugnay ng kanyang pagbubuntis.

“In fairness… waley! Siguro lang, kapag umaga ang feeling ko… parang sinisikmura lang ako. Pero halimbawa uminom na ako ng tubig o kaya kumain na ako… okey na,” sabi pa ni Jolina.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Jolina Magdangal, maselan ang pagbubuntis

Leave a Reply

Your email address will not be published.