Jolina Magdangal does the ‘bed scene hater’

MATAGAL NA SI Jolina Magdangal sa industriya, but the Kapuso talent believes that bed scenes won’t necessarily make her a mature actress. Nagsimula sa pa-tweetums to romantic comedy, si Jolens eh nalilinya na ngayon sa mga dramatic roles na makapagpapatunay na isa na siyang versatile na aktres. Ang pagkakaroon ng bed scenes sa mga proyektong nakatakdang gawin in the future eh, hindi parte ng plano ng singer-actress. Ang tanong ni Jolens, bakit daw ang nagiging thinking ng ibang tao sa mga nagma-mature na artista, kailangang gumawa ang mga ito ng bed scenes at kissing scenes? Mas mahalaga daw sa kanya ang importance of quality, pero hindi niya sinasabi na hindi na quality kapag may bed scenes. Ga’nun? Hmmm… hindi kaya isang bed scene hater lang itong ating bida kaya niya nasasabi ang mga ganito? Ispluk mo nga ‘teh!

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Guesswhodoes
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.