Jolina Magdangal, ‘di pa rin makapaniwalang magiging mommy na siya

Jolina-MagdangalUNTIL NOW, hindi pa rin makapaniwala si Jolina Magdangal na magiging mommy na siya. Ilang buwan na lang, iluluwal na ni Jolens ang kanyang kauna-unahang baby na isang baby boy na hanggang ngayon, wala pa rin silang maisip na pangalan ni Mark Escueta. Ito ang naging pahayag ni Jolens nang makausap namin sa Dinner na ibinigay ng PPL headed by Perry Lansigan sa mga kapatid sa panulat.

Feb. 20 ang expected due ni Jolens, wala nga raw kahirap-hirap ang kanyang naging pagbubuntis at paglilihi.
“Akala ko, mahihirapan ako sa pag-conceive and eventually sa paglaki ng tiyan. Pero heto at 7 months na akong buntis, hindi ako nakararanas ng anumang hirap. Parang ang sarap palang magbuntis!” natatawang pahayag ni Jolens

Noong una nga raw, kinakailangang mag-bed rest ni Jolens dahil na rin nag-spotting siya. “Hindi nga ako puwedeng tumayo that time except magbanyo. Bored na bored ako noong mga panahon na iyon, kasi wala akong choice. Kailangang alagaan nang husto si baby. Pero noong umokey na, naging maingat pa rin ako. Kaya nakiusap ako na kung puwede wala munang teleserye at Sunday All Stars na lang.

“Pero kahit na rin du’n, hindi ako masyado ring lumalabas kasi mas gusto kong relax lang ako at hindi ako naii-stress.”

Iwas na nga rin daw sa mahabang biyahe si Jolina dahil na rin sa pag-iingat sa kanyang 1st baby boy.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.