Jolina Magdangal, desperadang maisalba ang career?!

SA MARCH 21 (Sunday) na ang planong launching ng Party Pilipinas (kapalit ng SOP) sa GMA-7, at na-announce na nga ang hosts – at kabilang dito si Jolina Magdangal, na dati ring nasa SOP.

Bago pa man mag-fold up ang dating variety show, nagkaisyu na kay Jolina tungkol sa pagbabago nito ng “look” at sinasabing ginagaya si Lady Gaga.

Finally ay nakausap ng inyong lingkod si Perry Lansigan, president ng PPL Entertainment, na siya ring managerial company nina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Angelika dela Cruz, Geoff Eigenmann, Carl Guevarra, etc.

On Jolina’s part sa pag-change image nito (o pagbabalik sa dating character and fashionista type of imaging), sinasabing “desperate move” na raw ito, upang maisalba ang career nito.

Reaction ni Perry: “They can say what they want. Kung ano ang feeling nila na gusto nilang sabihin, sabihin nila, and thank you very much. Basta kami, kung saan nae-excite si Jolens, kung ano nga ang attitude niya dati na wala siyang care, gagawin niya.”

Isa pang isyu, hindi raw satisfied si Daddy Jun Magdangal sa promotion ng magazine ni Jolina, ang Jolie. As a manager, wala raw siyang ginagawa to promote it?

“Number one, wala akong pakialam sa Jolie. Hindi akin ‘yun. Wala akong kinalaman du’n. Kapag nakialam ako sa Jolie, sinasakop ko ang trababong hindi akin. Dumating si Jolens sa akin, may grupo na. Nag-pictorial na raw sila.

“Ako naman, siyempre nahiya naman akong makialam. Pero hindi totoong wala ‘yang fanfare, ni-launch ‘yan sa SOP. Noong dumating ‘yan sa akin, sinabi ko talaga na, ‘Bakit hindi na lang natin i-coincide sa pagbalik mo sa SOP? Plus the unveiling of billboard ng Cathy Valencia.’

“Nakiusap ako sa SOP and since mahal din nila si Jolens, naniniwala rin sila sa akin, sinuportahan nila. After that, nagkaroon siya ng signing sa malls, nagpadala rin ako ng mga TV crew, nag-guest din siya sa Showbiz Central para i-promote ‘yun,” pagdidiin ni Perry.

PATI SI JOLINA Magdangal mismo ay naka-chikahan namin recently. Kinuha namin ang kanyang reaksiyon tungkol sa criticisms na ito sa kanyang pagbabagong image na “copy cat” lang daw siya hindi lang ni Lady Gaga, kundi nina Kylie Minogue at Madonna.

“Sabihin na nating ginagaya, hello, Hollywood ‘yun! Foreign ‘yun! Icon ‘yung mga ‘yun. Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag sinabi mo na katulad ka ni ano… okey na rin, ‘di ba? Lahat naman may idol,” sabi ni Jolens.

Hindi na raw siya bagets kaya parang desperate na siyang gawin ito?

“Sa edad ba nababase ‘yun kung ano ang hitsura mo? Bakit, meron naman na mga painter, hello, ang hikaw nu’n, mga beads-beads, pero dahil ‘yun ang gusto nila, ‘yun ang pananaw nila, ginagawa nila. E, ‘yun din ako. ‘Yun ang gusto ko, e.

“At saka isa pa, kapag suot-suot ko naman ‘to, nasasaktan ba kayo? Natatamaan ba kayo ng accessories ko? Kinukurut-kurot ka ba? Hindi naman, ‘di ba? Ha-ha-ha!

“Ang importante, masaya ako sa bago kong look. Palaging ganu’n naman ang gusto kong iparating sa mga tao. At ipakita sa mga tao na lahat ng ginagawa ko, masaya ako.

“Nagawa ko na ito dati. Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. Masarap lang na nag-aayos ka ulit. Ginagawa mo or sinusuot mo ang mga gusto mong suutin.

“Lahat naman talaga may masasabi sa ‘yo. Kahit ayos na nga ang damit mo, may masasabi pa rin sa ‘yo, ‘di ba? Hahanapan at hahanapan ka ng butas. So, alam na alam ko na ‘yan na may mga lalabas na ganyan.

“Kapag nag-comment kayo, ibig sabihin, nakita n’yo pa rin ako. Napuwing pa rin kayo ng isang Jolina!” Dire-diretsong chika ni Jolens.

For feedback, please e-mail us at mell_navarro@yahoo.com.ph

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

21 thoughts on “Jolina Magdangal, desperadang maisalba ang career?!

  1. d ko trip pagka jologs nya. pinagtyagaan ko lang cya noong nasa ABS CBN cya pero nung lumipat cya sa GMA, ayoko na talaga sa kanya. She should act her age. Si Juday tingnan nyo, may asawa na, magkakaanak na. Si Jolens, pa boypren boypren pa.. kadiri.. Panday Kids? haller.. 30+ years old ka na, Kids parin? buti nga sayo. ganyan talaga nangyayari sa mga career ng nags-stay sa siete… nalalaos… hahaha

  2. may hatak pa rin si jolens…look dikitan na ang laban ng PandayKids sa Agua Bendita simula lumabas si jolens last tuesday… compare niyo ang ratings..bleh .hahaha

  3. I love JOLIE!!!!

    maiingit na ang maiingit!!! may career pa rin idol ko di gaya ng iba walang shows..kng meron man.. 5k lang TF.. weeeh

  4. kalerki ka jolina… definitely nawala ang ningning mo nung nsa abs cbn ka pa.. doon may star quality ka at talagang punong puno ka ng talent, ngayon diko na ikaw makita dahil dito tfc anggamit namin, shame talaga naging CHEAP kang tignan, bumagay ka sa age mo at wag ung para kang GAGA, naku wag sana matulad sayo si claudine… wag naman

  5. ahaha.. nung abs siya ka level nya dati sina claudine at judy anne nung umalis ayun napantay na sa level ng sexbomb dancer or worst mas bumaba kay rochelle. hheehe si rochelle weekdays makikita mo sa tv siya once a week lang. well ganyan ang karma

    • ayyyyyyyyyyyy, nakakaloka!!!!!! hayaan nyo na lang si jolens kasi naman kayang kaya naman ng gma na manipulahin ang ratings nila. In other words, kahit hindi na sikat, pwedeng maging sikat kuno sa gma. Parang nakakaloka na talaga ang istasyon ni jolina parang may pinagmanahan at kapangalan at parehong magmanipula ng mga kalaban, divah?????? alam nyo kung sino sya!!!!

  6. Jolens in Party Pilipinas???! lol – Si Jolina ata ang pantapat nila sa SOS ni Sarah sa Asap.

    Goodluck!wahaha…

      • Socialite si Tessa. Talagang hindi mo kilala ‘yun kasi nga taga-squatter ka. Bumalik ka sa pang-katulong mong network. lolz

  7. naku jolens, “LAOS” ka na talaga! kahit anong pagbabagong image mo eh sawa na sau mga viewers!
    you should act your age! or better yet, leave showbiz ang settle down with your present bf.
    people nowadays opt for new fresh faces not recycled ones!@
    there’s still life after showbiz!

  8. But honestly, she looks funny in a nega way.. ganyan pala nasa isip nya dapat noon pa nya ginawa.. parang hirap nyang sabayan.. not viable ang fashion nya in a practical way..try mong suot or gayahin image nya tignan ko lang kung di lagpas til langit ang kantyaw na aabutin mo kalsada. what im saying is, parang pang costume party nag get up nya..kung career move e dapat nagpakamature nalang nalang xa sa dress, more skin than wearing a weirdo get up…sabagay Jolina wont be jolina if we take away the word WEIRD

    • YAN ANG NAPAPALA NI JOLINA NA MAHILIG MANGGAYA!!!!! GAYAHIN BA NAMAN SI LADY GAGA, EH DI NAGMUKHANG GAGA TALAGA SYA!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.