Joint Security Task Force-NCR Para sa Brgy. at SK elections, Ikinasa

BINUO NA ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Joint Security Task Force-NCR na mangangasiwa sa seguridad para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre.

Layon ng task force na binubuo ng NCRPO, Commission on Elections (Comelec) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na mas paigtingin pa ang operasyon ng awtoridad upang matiyak na magiging payapa at maayos ang darating na eleksyon.

Aminado si NCRPO Regional Director Police Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. na iba ang Barangay at SK elections sa nangyaring midterm elections noong Mayo mula sa sistema ng bilangan ng boto at inaasahang pagtaas ng bilang ng mga botante na posibleng pagmulan ng kaguluhan.

Samantala, inatasan na rin ng opisyal ang lahat ng District Police Director na ilatag muli ang mga security plan sa nagdaang botohan at mas palakasin pa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.