Johnny Delgado, pumanaw na – Ogie Diaz

MALUNGKOT NA BALITA. Pumanaw na ang beteranong aktor na si Johnny Delgado kahapon sa sakit na kanser. Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ng isang aktor na hindi lang mahusay na aktor, kundi mahusay ring komedyante.

Samantala, may nagtsika naman sa aming sumasailalim na naman sa chemotherapy si Direk Marilou Diaz-Abaya. Kung hindi kami nagkakamali, naka-survive na noon sa breast cancer ang mahusay na direktor, kaya ipagdasal natin ang speedy recovery ni Direk Malou.

Siyempre, ipagdasal na rin natin ang ating mga mahal sa buhay at ang araw-araw na paggising natin ay blessing na ring maituturing. Ibig sabihin, me misyon pa tayo sa buhay, kaya hindi pa tayo kinukuha ni Lord.

BLIND ITEM: HINDI na pala nag-aartista ang isang youngstar na ini-launch noon sa Star Circle, ‘no? (Talagang binanggit na raw namin kung saang search, o!)

Ang nakarating sa amin, masyado nang busy sa “pagpapa-book” ang naturang female star(let) kung kani-kanino. Isang bakla ang kanyang bugaling at kung kani-kanino na lamang ito tumitihaya for a fee.

Hay, naku, hindi pa huli ang lahat, girl. Puwede ka pang magbago. Sayang, maganda pa naman ang girl at pupuwedeng sumikat ito.

Pero kung nag-e-enjoy na sa “putikan” ang lola n’yo, kahit gusto natin siyang tulungan, eh, useless din ang tulong na magmumula sa ibang tao kung ikaw mismong may katawan, ayaw mong tulungan ang sarili mo, ‘di ba?

Hay, naku, makaakyat na nga sa tuktok para makuha namin ang isang baldeng tubig. Charring! Magbigay ba ng clue?

COME TO THINK of it, si Manny Pacquiao, nakagawa ng history. Kasi, meron siyang 7 wins sa iba’t ibang division sa larangan ng boxing. Pang-Guinness, ‘ika nga.

Pero ba’t gano’n? Imbes na ‘yong history na ‘yon ang pag-usapan, ba’t masyadong interesado ang mga tao na pag-usapan ang relasyon nila ni Krista Ranillo?

Lalo pang tumindi nu’ng me ebidensiyang lumabas. Na pagkatapos niyang mag-guest sa Jimmy Kimmel Show, eh, si Krista pala ang kasama niya sa kotse paalis.

Tapos, mas pinag-usapan pa nu’ng hindi man lang idinenay ni Manny na me relasyon sila ni Krista. Maging ang kampo ni Krista, wala ring direktang denial. So, ano nga naman ang iisipin ng mga tao? Na totoo nga ang kanilang nababalitaang nagkakamabutihan na sila?

Sa isang sagrado at pamilyang buo ay big deal ang ginawang diumano’y “pakikiapid” ni Krista sa may-asawa nang si Manny. Kaya kami nalulungkot, dahil nabalewala ang panalo ni Manny, dahil mas pinag-usapan ang sa kanila ni Krista.

Pero sabi nga, sino tayo para husgahan si Krista? Sino tayo para husgahan din si Manny? Ang tinitingnan lang natin ay ang cover, hindi ang content ng libro.

Ano nga kaya ang mga dahilan ng “pagpasok ng sinulid” sa iba’t ibang “karayom”?

Me gano’ng factor, huh!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

18 thoughts on “Johnny Delgado, pumanaw na – Ogie Diaz

  1. Star Circle Quest – Pugad ng mga PokPok, PBB – Prosti Bayot Brothers

    • LooooL. ROFL. natawa q sa namesung mu. whahahah. bahahaha tlga. grabeh. uu 22o un, puro vaklushi sa dos, dun ngtatrabaho tito q eh. grabeh!! kalokah tlga.

    • yaiks!mukng jill yulo nga ng star circle yn ah? grabeh nmn. npbayaan ng dos, tpos yn ang kinahantungan. pinanuod q un vid eh.

  2. Jill Yulo?

    Hindi ko na nga siya nakikita ngayon pero Star Circle siya dati, kapartner nya si Alwyn Uytingco, meron sila series dati na Qpids along with Pauleen Luna, Paw Diaz, etc.

  3. star circle nga eh.. kelan ba naging star circle si jackie rice? pwedeng jack or jill na sar circle member yan o pwede ngang si wendy BALDEz

  4. BAKIT SA MGA SMALL TIME IBUBUGAW.. DAPAT SA PRESENT BIGGEST FISHES YAN NG PILIPINAS YAN I-PRESENTA….SURE SIKAT NA SIKAT YAN AFTER. MAS SISISKAT PA YAN KAY KRISTA. ANG HINA NAMN NG BUGALING….

    **** MAS NAPANSIN UNG MANNY – KRISTA ISYU KESA SA 7-WORLD BOXING TITLE KASI KARAMIHAN SA PINOY NAKAKA-KONEK SA ISYU NG SEXXXXXX KESA A BOXING.. MMHHHMM AMININNNN NYO..!!!… MAIINIT TALAGA MGA PINOY.. AKO NGA NAG-IINIT NA….WHHEEEWW.

    **** OO NGA, BAKIT SA COVER LANG TUMITINGIN HINDI SA EVERY PAGE.. TEKA…!!! KELAN KAYA ILALABAS LIBRO NG TALAMBUHAY NG ATING PAMBANSANG KAMAO PARA HABANG BUHAY PA MAY MAKA-AUTOGRAPH PA SIYA SA KANYANG LIBRO…DAPAT GUMAWA NA AGAD LIBRO SA MUKULAY NA BUHAY NI MANNY….

    **** ANG SINULID AT ANG KARAYOM KASI MAY IBAT-IBANG SIZE KAYA DI MAIIWASAN ANG PAGPASOK NG SINULID SA IBAT-IBANG KARAYUM… MINSAN NGA KAILNGAN PA LAWAYAN ANG SINULID PARA LANG MAI-SHOOT SA BUTAS NG KARAYUM. MINSAN KAILANGAN DIN PISIL-PISILIN, UNAT-UNATIN ANG DULO NG SINULID. KUNG MEDYO SOBRA LAKI NG BUTAS NG KARAYUM, PWEDE PAGDALAWAHIN ANG IPASOK NA SINULID…..IM INNOCENT!!!!! DONT JUDGE ME….HEHAHEHUOUHEHEHHII.. COMMENTS ARE WELCOME…

Leave a Reply

Your email address will not be published.