John Rendez, nilinaw na hindi sila mag-dyowa ni Nora Aunor!

ANG UGALING American ni John Rendez ang naglagay sa kanya sa alanganin dahil dedma lang siya sa mga intriga sa kanya simula nu’ng pumalaot sa showbiz. Lahat na yata ay nasabi sa kanya like, bastos siya, suplado, walang pakialam, mayabang at kung anu-ano pa. Ang pinakamasaklap, ang walang kamatayang pag-uugnay sa kanya at kay Superstar Nora Aunor na pinakamalapit na babae sa kanya. Dahil du’n, pinaratangan siyang user, malas sa career ni Ate Guy at ang pinakamatinding nasabi pa sa kanya ay “palamunin” lang siya ng magaling na aktres.

Lahat ng iyon ay pumasok-lu-mabas lang sa tenga ng rapper-singer dahil katwiran niya, wala namang katotohanan lahat iyon, so why bother?

“Im just misunderstood dahil nga American ako, eh. Laking Tate at ganu’n ang attitude ko, so I really don’t care what people say behind my back! As long as it don’t bother me at all and  they’re the ones (some people) saying it, that I don’t really know them and they don’t know me, so who cares! It’s been years… nakakapagod din. They keep on saying negative things about me pero hindi naman sila lumalapit sa akin para magtanong kung totoo ba ang mga rumors na ‘yun, ‘di ba? Like linking me to Ate Guy and even saying na may relasyon kami, ‘di ba?

“First, I respect ate Guy a lot at walang romantic or attraction na nangyari. She’s a dragon and I’m a dog so du’n pa lang, ang layo na! Idol ko si Ate Guy, she’s the master, kasi sa lahat-lahat na, mahusay siya! I really look up to her dahil she’s a great singer, great actress, a very humble person. Napakatotoong tao and she don’t even act like she’s the Superstar, huh, ‘pag magkakasama kami. Napaka-down to earth na tao. I’m a fan of her, eh, tapos may talent din naman ako, may utak at tinulungan niya ako na ipakita ‘yung talent kong ‘yun being a rapper-singer. So, ako ibinalik ko lang sa kanya ‘yung tiwalang iyon especially walang umaalalay sa kanya, so I’m just here to defend her na rin, to guard her and support her for whatever. Kasi this person, sobrang bait sa akin so paano mo siya iiwan, ‘di ba?

“May asawa’t anak ako pero naghiwalay kami. Ninang pa nga si Ate Guy nu’ng anak ko, eh. Hindi lang kami magkasundo and one more thing, she’s saying bad things about Ate Guy. Iniwan ko siya! She’s just my wife! Ate Guy is Ate Guy!” diretsong pahayag ni John sa presscon ng album launching niyang Metal Dog.

Ngayon lang nagsalita si John at sa pagsasalita niyang iyon, maraming issues ang nabigyan ng tuldok especially mas nakilala pa namin siya nang husto at ang paglilinaw na rin na wala siyang romantic involvement kay Nora.

“I believe this is my time. Nu’ng time na bumalik si Ate Guy rito, nasa isang sulok lang ako. I keep quiet. Sa kanya iyon, eh. Now, it’s time… this is the right time for me to speak up… to tell everything and to answer all questions that has never been  answered,” paglilinaw pa ni John Rendez.

 

NAPATUNAYAN NAMIN na balwarte pala ng mga Kapuso teenstars ang Bulacan dahil literal na pinagkaguluhan at dinumog sina Barbie Forteza, Joyce Ching at Ken Chan nang maimbitahan ang mga ito na maging hurado sa San Joseno Youth Cheer Dance Competition na sinalihan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa San Jose Del Monte, Bulacan. Bago simulan ang naturang programa, naghandog muna ng sayaw sina Barbie, Joyce at Ken kung saan muntik nang hindi matuloy dahil nagsuguran na lumapit sa tatlo ang mga tao. Buti na lang at aware ang mga security or else baka kung ano na ang nangyari sa mga ito.

Hinahanap pa rin si Joshua Dionisio ng mga tao kay Barbie, pero mayroon namang isinisigaw ang pangalan ni Derrick Monasterio na siyang bagong kapareha nito. Mukhang tanggap na rin ang tambalang Barbie-Derrick dahil may mga nakita pa kaming posters ng dalawa na hawak ng mga fans.

Naging mapagbigay naman si Ken dahil kahit na hinihila at natutulak na siya ay hinahayaan lang niyang mayakap at mahalikan ng kanyang fans. Katwiran ni Ken, malaki ang utang na loob niya sa kanyang supporters dahil ang mga ito ang nanonood ng kanyang TV shows at nanonood ng kanyang movies.

Siyempre pa, si Kristoffer Martin naman ang tinatanong ng fans kay Joyce at tinutukso pa ang Tsinitang youngstar kung boyfriend na nito ang ka-loveteam. Oo na lang nang oo si Joyce or else… hindi siya titigilan ng mga fans.

Nais magpasalamat ng tatlong Kapuso teenstars kina Cong. Arthur Robes at sa misis nitong napakasipag na si Ms. Rida Robes na dati ring artista sa Regal Films na siyang nag-imbita sa kanila. Gusto rin nilang magpasalamat sa mga taga-San Jose sa mainit na pagtanggap sa kanila.

Ay, wait lang dahil babalik pa sila bago magtapos ang buwan dahil sila ulit ang kinuhang judges sa gaganaping Miss Gay Undas. Masaya ‘yun!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

7 thoughts on “John Rendez, nilinaw na hindi sila mag-dyowa ni Nora Aunor!

  1. hindi nga niya asawa si nura, kabit nya. may sabaw pa raw naman si nura kahit mukha ng pindangga. ex-wife kc niya tigang at ayaw sa droga kaya hiwalay sila at naglive in sila ni nura dahil mas magkasundo sila ng trip – drugs.

    • umebak ka lang…wala naman kwenta comment mo…ikaw yata ang nka droga…linisin mo na lang kubeta…maebak na…hi hi hi

      • POTAK TEH….Msa walang wenta comment mo isa kng HANGAL!!! Hangal s Hangal mniwala sa isang drug addictus n c JR at NA!!!! MGA HANGAL!!!!

  2. napakahirap sa ibang tao ang maniwala kay John Rendez, eh kung sakali naman na maniwala tayo, mapupunta ba tayo sa impyerno. ang mangyayari ay magkakaroon na ng katahimikan ang sansinukob ( mga fans at mga intrigero/ra ). gve them a break and move on with our lives. tapusin na natin ang mga labahin na nakatiwangwang. lol.

    • IT ONLY MEANS KATULONG KLNG PLA!!!! cge na chimiaa tapusin mo na ang labaha mo at maglilinis kp ng kubeta at buong kabahayan pra nmn matuwa ang amo mong baboy!!!

      • @putris ka talaga walang duda, chimiaa ako anong masama maging katulong. alam mo ba na napakayabang mo @putris ka walang duda. hinahamak mo si Nora dahil nagkaroon siya ng kaso sa drugs noon. ikaw ang asal mo asal ng isang basura, sa ganyang pag-uugali mo katulad mo lang na may basurang pag-iisip ang pwedeng maka-appreciate. kung hamakin mo si Nora akala mo sa sarili mo banal ka. dahil ba tinagurian siyang superstar ay hindi na siya tao na pwedeng magkamali. ikaw na napakayabang magsalita, sa mga pananalita mo ay lumilitaw na sakit ka ng lipunan. nagda-drugs ka rin hindi ba? noon at hanggang ngayon. wala ka bang nagawang kamalian sa buhay kung hamakin mo si Nora. at natitiyak ko na hindi ka mabait, ikaw ay isang masamang tao. ang mababait hindi nagsasalita ng mga salitang ginamit mo. putris ka talaga walang duda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.