John Rendez, huli na para paniwalaan

OMG! WALANG himala! Ang himala ay nasa puso ng mga bakla! Kasi nga naman nu’ng isang araw, nabasa ko mismo rito sa Pinoy Parazzi, at muntik na akong mabuwang sa Earth. Kasi nga naman, nagsalita na raw ang sinasabing lalaki ni Nora Aunor na halos 22 years na nagsasama, at nilinaw raw nito na hindi talaga sila mag-dyowa at may mga lumabas pa sa ilang tabloid na halos gano’n din ang tema.

Kasi nagpatawag yata ito ng presscon sa mga piling reporter at writer na mga kabig nila, na talagang hindi nga sila mag-dyowa at friends lang daw ang turingan nila. Kasi sobra raw talaga ang respeto nito kay Nora at master daw niya ito.

Halos tumaas ang kilay ko sa 50th floor na wala nang doktor ang p’wedeng magbaba. Natatandaan ko, bago umalis ng Pilipinas itong si Nora, kasama si Jonh Rendez, may iniwan itong album na Metal Dog at nagpadala pa sa akin ng kopya at may datung para patugtugin ko sa program ko. ‘Yun ang huling pakiusap ni Nora sa akin. Pero may problema na kami noon pa man na hindi kami in good terms. Ang akala ko, ok na.

Kaya nu’ng umalis sila rito, lahat ng banat nitong si Cristy Fermin sa kanila ni John Rendez, ako ang tagapagtanggol. Kaya nu’ng bumalik dito si Nora, nagpa-interview pa ito sa The Buzz na kakastiguhin daw niya ang taong naninira sa kanila ni John.

Kayo po ang umintindi nitong sinabi ni John: “I respect Ate Guy a lot, walang romantic or attraction na nangyari. She is a dragon and I’m a dog. So du’n pa lang, ang layo na. Idol ko si Ate Guy, she is my master. Kasi sa lahat-lahat na, mahusay siya! I really look up to her, kasi she’s a great singer, great acctess, fan niya ako. Kaya ko hiniwalayan ang asawa’t anak ko, kasi binabastos niya si Ate Guy.”

Bali-baliktarin mo man ang mundo ng showbiz, kahit bulag parang palaisipan pa rin ang mga paliwanag ni John. Look, 22 years magkasama sa iisang kuwarto, walang attraction? Hindi naman tomboy si Nora at hindi bakla si John para maniwala ang tao sa kanila.

Ako bilang isa na sa matatawag na institution sa larangang ito, parang aandap-andap ako na maniwala. Sabi ko nga, please tell it to the marines. Ano kaya ang gustong palabasin ni John, kaawaan siya para sa kanyang album. Para sa akin, mas maaawa ang tao sa kanila kung sila ay magpapakatotoo.

Ang nakakaloka kasi, wala naman daw lumalapit sa kanya para magtanong kung ano talaga ang relasyon nila ni Nora. Bakit at bakit pa itatanong ‘yan? Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang lalaki at ang babae, ‘pag nagsama sa iisang bubong, hindi na dapat itanong pa. Ngayon, nagpapaliwanag siya, huli na para paniwalaan siya!

Aywan ko, basta ‘yan ang aking opinion. Kanya-kanya tayong opinion, respetuhan na lang. Kasi, magunaw man ang mundo, ‘yan ang paniniwala ko. Period.

 

MALAPIT NA ang kaarawan ng Star For All Seasons Gov. Vilma Santos-Recto. Nakiusap sa akin ang mga Vilmanian na ilagay ko raw ang kanilang pagbati, bago mag-November 3. Request ito ng mababait na Vilmanians sa pangunguna ni Willie Fernandez, ang controvercial na fan ni Ate Vi.

Kaya abangan ang inyong mga pagbati at nangangalap pa si Willie ng Vilmanians na babati sa kanyang kaarawan, or kung tunay kayong Vilmanians, mag-PM na lang kayo sa fb ko at isasama natin ‘yan sa inyong mga pagbati sa nag-iisang Star For All Seasons, ang malapit nang ma-ging National Artist na si Gov. Vilma.

Advance happy birthday po! Mabuhay!

Lagi po n’yong tutukan ang aking mga programa sa radio, sa aking mga pasabog na chikka to the maximum authority of chikka sa DZRH.TV, sa DWSS at sa Pinoy Radio U.K. sa London po ito via Skype.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

17 thoughts on “John Rendez, huli na para paniwalaan

  1. pwede ba magsitigil na kayo kung nainiwala koyo well and good kung hindi problema mo na yan hindi ni swarding kasi nag sasabi lang yan ng totoo at lumalaban yan ng parehas at walang kinakatakutan maging sino ka man sabi nga niya huwag mo na siyang takutin kadi dati na siyang tinakot at isa lang yan ang Dios, pero tao lang siya tulad niyo kaya lumalaban siya sa kototohanan kaya siya nag tatagal sila na lang ni kuya germs ang natitira sa apat na sabay sabay sa deca 70 kayo kaylan lang pinanganak wala pa kayo nung si swarding ang reyna ng radyo hanggang ngayon kaya marami ang rumerespito diyan ang mga noranians na lang naman na mga aywan kung saan nang galing itong parang mga kalawang na naglabasan na gustong patayin si swarding kayo ang nag uudyok sa kanya na lalong ilabas ang baho ng urangutang na yan sige wag niyon tigilan hindi rin kayo titigilan kasi marami siyang outlet kayo hanggang dito lang intinde.

  2. Kaawaawang Mama GUy, tumatalon sa Pagsanjan Falls alang-alang k John Rendez n mxadong ambisyoso n gumawa p ng album n Rap ke tanda n cno p kya ang bibili nun? C Nora prin ang gagas2s pra msbi n bumenta ang album at makagold…grabeng sakripisyo ni Mama Guy!!!

  3. ano naman magagawa nyo kay john rendez na kabit ni ate guy? mahilig sya sa rap at saka pagpasok sa isang bubong with nura, sa sarap naman ang aatupagin nya. cguro naman pareho pa ring may sarsa ang dalawang senior citzen na iyan.

  4. Tita swarding kami nga hindi naniniwala na tao ka dahil itsura mo talaga Ay kabayo, pero dahil nagsasalita ka naman kaya ok na rin

      • tangnamoka kung hindi ka naniniwala na ato si tita swarding e ikaw demonyo, hudas, hestas, barabas, conio, putang ina mo rin. kahit ganyan si tita swarding respetado yan at napag aral niya lahat ang mga anak niy si urangutang ano nga nga lagi kay john rendez. say mo!

  5. BAKIT BA PINAGUUSAPAN PA TO KUNG WALA SILANG RELASYON EH DI WALA! MGA MATATANDANG TO AKALA MO MAY INTERESADO PA SA LOVELIFE NILA ,SI NORA MENOPAUSE NA AT ETONG JOHN RENDEZ NA TO KUMUPOS (lanta) NA!PWEDE BA MANAHIMIK NA LANG SILA AND PLAN FOR RETIREMENT HINDI YONG MGA PINAGBABAWAL NA GAMOT ANG INIINTINDI!SAYANG TONG SI NORA NAUWI SA WALA!PURO SHABU KASI !

    • “EH DI WALA” —– ganyan nga ‘wag ipagpilitan, marunong pa sa may katawan.
      “HINDI YONG MGA PINAGBABAWAL NA GAMOT ANG INIINTINDI” —– wala na nga sa isip ni Nora ang bagay na ‘yan eh, kaso ang  mga mapanirang puri, di pa rin maka move on. ang dami ng pangyayari sa buhay ni Nora ang nangyari nitong nakalipas na isang taon pero na-stuck ang isip ng mga laitero sa issue na wala na nga sa alaala ni Nora.

  6. swarding ….di wag kang maniwala…problema ba yon…at pwede ba…wag mong bastusin ang klasikong linya ni ate guy…na hanggang ngayon…ngbibigay ng karangalan sa bansang ito…kalokah ka…

    • kokak. di wag ka rin magbasa, problema ba yun, ang mga sinusulat ni sawarding ay totoo, kahit hinahangaan niya kung mali naman talaga dapat pansinin, maraming kasalanan si nora hindi lang kay swarding. kaya siya ay isa ng fallenstar!!!!!

      • ang kasalanan lang naman siguro ni Nora kay swarding ay di niya ito nabigyan ng pera. maituturing na ba itong kasalanan?

      • @kokak…marunong ka palang magbasa…kokak..kokak…bwa ha ha …mangurakot na lang..yan ang kasalanan…evilma…starlet for all season

  7. mr. / mrs.(?) swarding, tagapagtanggol ka pala dati ni Nora Aunor bakit naman ngayon ay hindi na. may nagawa ba siyang kasalanan sa ‘yo kaya kabaligtaran na ngayon ang ginagawa mo. hindi mo na ba pwedeng isa alang-alang ang mga panahon ng maganda niyong samahan nuon bilang pagpapahalaga sa pagiging magkaibigan n’yo nuon.

    • ang tagahanga ba ni Nora ay tagahanga rin ni John Rendez. tiyak na hindi. dahil ang mga fans ni Nora ay mga damatan na rin katulad niya. at si John naman ay rapper, pakikinggan ba ‘yan ng mga matatanda. mahirap maunawaan si Nora sa mga desisyon niya sa buhay pero ang mahalaga ay nananatili s’yang mabuting tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published.