Guesswhodoes: John Regala does the ‘TUTA LOVER’

Hudas na hudas talaga ang dating ni John Regala sa tuwing siya’y gumaganap bilang kontrabida. Sino ba naman ang hindi nagalit sa kanya bilang si Miguel Alcona sa Pieta? Paniguradong gigil na gigil ang mga loyalista ng programa sa galit sa pagpapahirap nya noon kina Rigor at Amanda.

Hindi rin naman matatawaran ang galing ni John bilang action star. Ilan sa mga pelikulang ginawa niya noon ay Cesar Hudas, Labanang Lalaki, Batang Estero, Animal at Askal. Hindi naman masyadong halata na nalilinya sya sa bad boy roles, noh? Naloka kami ng mabalita dito sa Parazzi na gusto daw gumanap ni John Regala bilang isang bading at si John Lloyd Cruz ang gusto niyang makapareha! Nakakalowkah!

Naispatan namin si ‘Askal’ sa isang pagdiriwang na tila inaamo ang isang cutie-cute-cute na tuta. Naku ha, please be gentle!

By Mica Rodriguez, Photos By Fernan Sucalit

Click to enlarge.

loading...

Comments are closed.