John Prats, walang masabing maganda sa ex-GF na si Bianca Manalo?!

TOGETHER WITH Jean Garcia, may “counselling factor” ang Sunday program ni Manny Pacquiao sa GMA. Minsan na-ming natiyempuhan ang isang episode wherein two couples were separately seated.

Obviously, naka-relate si Manny, himself a married man who confessed—without going to specifics—to his wrongdoings sa kanilang pagsasama ni Jinkee.

Since panahon na ngayon ng Cuaresma, we expect that one of its forthcoming episodes will dwell on one’s faith. Tulad ng alam ng marami, Manny has embraced Christian faith, bagay na pinag-ugatan ng hidwaan nila ng inang si Mommy Dionesia na isang Catholic devout.

In his most recent interview, may linya si Manny na “detestable” patungkol sa kanyang ina at sa pag-uugali nito bunga ng kanilang alitan on their spiritual beliefs. “Detestable” comes the word “detest,” which means “to hate.”

Manny’s line—saanmang anggulo tingnan—leaves a bad taste in the mouth.

Going back to his program, Manny stands to lose his credibility as far as giving advice to parents and children who are divided in religion.

 

ABOUT TWO weeks ago when we wrote about the inanities and insanities of Banana Split (Extra Scoop), ang pre-programming ng The Bottomline tuwing late Saturday night sa ABS-CBN. Malaki naman kasing insulto sa sensibilidad ng mga manonood ang walang-kawawaang show na ito, that does not literally come on as a delectable fruit dessert kundi isang nakakaimpatso, dyspepsia-causing at nakakasukang nondescript show!

We refuse to lay claim na ang dahilan ng pagbabago ng araw nito (simula nitong Lunes) at retitling of its program (to Banana Nite) ay may kaugnayan sa aming obserbasyon. Pero kung pananatilihin ng programang ito ang kanilang mindless segments, from Banana Split to Banana Nite, malinaw na same banana rin lang ang hatid ng Bobot Mortiz-directed show na ito.

It’s the same PEEL as it offers the same FEEL to its disgusted audience! Talupan man kasi ito—regardless kung ang varieties nito ay latundan, lakatan, saba o señorita—the taste is just as insipid… insipid daw, o!

 

SINCE NAG-PILOT nga ang Banana Nite last Monday, obligadong nag-promote si John Prats sa Ikaw Na! segment ni Boy Abunda sa Bandila.

Throughout the one-on-one interview, what served as the “newsy fiber” in the “banana promo” was John’s confession that he and Isabel Oli are exclusively dating. At 29, dalawampung taon dito ang iginuugol na ni John sa kanyang trabaho sa showbiz, oftentimes relegating his lovelife in favour of his career.

Thanks to his sister Camille na nagsilbing tulay sa namumuong relasyon sa pagitan ng kapatid at ni Isabel. Puring-puri kasi ni Camille kung gaano kabait si Isabel, na gusto niyang ireto sa kanyang kuya. Pero segurista si Isabel—herself a failure in her lovelife—who bluntly told John, “Oy, huwag mo ‘kong lokohin, ha?!”

For long, John has been a victim of unfair labelling. Mas kilala kasi siyang playboy, having one jowa after another. But of all his past romantic liaisons, bakit  “No comment” ang isinagot niya kay Kuya Boy when asked to describe her ex-girlfriend Bianca Manalo?

Meanwhile, as of presstime ay ayaw munang magsalita ni Isabel, through her manager Becky Aguila, tungkol sa relasyon nila ni John. When contacted, idinahilan ni Becky na nagloloko raw ang kanyang mobile phone

What a flimsy reason.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “John Prats, walang masabing maganda sa ex-GF na si Bianca Manalo?!

  1. eh ano naman bang masasabi ni john kay bianca na maganda eh di ba nga napaka-selosa at talakera nitong babaeng ito haha! kaya kinahihiya na niya ito

Leave a Reply

Your email address will not be published.