John Prats, tuluyan nang nahulog kay Bianca Manalo!

NAKAUSAP NAMIN SI John Prats sa presscon ng MSE, kung saan isa sa maiinit naming tinanong sa kanya ay kung ano ang reaksyon niya nu’ng naparatangan siyang playboy o two-timer nang maghiwalay silang dalawa ng ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go at maiturong third party naman si Bianca Manalo. 

Maigsi pero makahulugan ang mga salita sa amin ng aktor, na ang importante ay alam niya sa sarili niya ang totoo at ‘di na lang niya pinapansin kung anuman ang mga negatibong paratang sa kanya.

Sa tanong namin kung totoo bang pormal na niyang naipakilala si Bianca sa pamilya niya, inamin naman sa amin ni John na naipakilala na nga niya ang aktres sa mga Prats at nangyari ito nu’ng birthday recently ni Daddy Dondie.

Ayon kay John, nakita naman niya na gusto naman ng pamilya niya si Bianca, kung saan ang pagiging totoong tao nito ang isa sa mga kata-ngiang ginusto nila sa TV host/actress.

Consistent pa rin sa pagsasabing hindi pa sila mag-boyfriend ni Bianca at ang hiling nga ni John sana ay sagutin siya ng co-host sa Happy, Yipee, Yehey! ‘Di rin itinago sa amin ng aktor na nu’ng una ay wala talaga siyang gusto kay Bianca lalo’t alam niya na alanganin sila sa height.

Pero dahil nga sa panunukso ng mga kasamahan nila sa HYY at na-involve pa si Bianca sa break up nila ni Rachelle, nabuksan ang komunikasyon sa kanila ng aktres, naging magkaibigan hanggang sa nauwi nga sa pagkakagusto niya rito.

Sa kabila ng pagsasabi ni John na ‘di pa sila ni Bianca, marami ang naniniwala na ayaw lang daw aminin ng dalawa ang kanilang relasyon, pero kitang-kita mo naman daw sa dalawa kung ano talaga ang namamagitan sa kanila.

 

SA PANAHON NG pagiging manunulat namin at mamamahayag sa DZRH, hindi namin ginamit kahit minsan ang aming column o maging ang radyo para ilabas ang aming mga personal na damdamin at saloobin tungkol sa mga nangyayari sa amin sa showbizness. Darating din pala sa punto na dahil tinatapakan na ang pagkatao mo, minamaliit na ang kakayahan mo, nagpa-powertrip ang iba at binabastos ka na ay maiisip mong kaya ka nga nilagay sa trabahong ito ay para matuto ka namang lumaban kung kinakaila-ngan.

Dalawang beses nang ginagawa ni Thess Gubi, PR ng Star Magic ang ipa-ban ako sa mga events ng Star Magic. Una na niyang ginawa ito sa Star Magic Sportsfest, at ngayon naman ay sa Star Magic Ball na ginanap nu’ng nakaraang Sabado sa Manila Peninsula. Ang dahilang ibinigay, nara-rattle at kinakabahan daw ang mga artista ‘pag ako na ang nagtatanong sa kanila ng mga isyung kinasasangkutan nila.

‘Di ko alam kung matatawa o maiinis ako nang makarating sa akin ang rason na ibinigay na ito ni Thess. As fars as my memory can remember, mula nang magbalik telebisyon ako sa Cinema News, kontrolado at sa marespeto kong paraan dinaraan ang mga isyung tinatanong ko sa mga artista mapa-Star Magic man sila o hindi.

Ang sa akin lang, kung may ganito palang problema si Thess sa akin, puwede niya akong kausapin ng diretso at sabihin sa akin nang harap-harapan kung ano ang mga reklamo niya. Sa ilang pagkakataon na nagkikita kami sa bakuran ng ABS, binabati niya ako, kinakausap pero hindi ko alam, talikuran pala ay may ganito siyang ginagawa sa akin. Ang masakit nasa iisa ka-ming bubong, nasa iisang tahanan pero nasaan ang pagiging isang Kapamilya sa ginagawa niya?

Sa haba ng panahon ng pagsusulat ko, napakarami ko nang naisulat sa mga taga-Star Magic. Hindi ko ugaling manguwenta pero ni minsan, wala akong narinig na pasasalamat sa kanya bilang isang PR. Sa akin naman, okay lang ‘yun. Sinusulat ko ang mga taga-Star Magic, dahil trabaho ko ‘yun bilang manunulat at bilang mamamahayag. Pero ang pailalim akong tirahin na wala akong kalaban-laban kundi dahil ginagawa ko ang trabaho ko, iyan ang ‘di katanggap-tanggap para sa akin at para sa ibang kapatid ko sa panulat.

Ang trabaho ng PR ay magsilbing tulay para maging maayos at maganda ang relasyon ng artista sa mga taong nakakatrabaho niya. Pero paano mangyayari ito kung ang problema ay nagsisi-mula mismo sa mga PRs nila?

Respect begets respect, matuto kang rumespeto para irespeto ka ng iba, at sana matutuhan ni Thess Gubi ang salitang ito.

 
Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

11 thoughts on “John Prats, tuluyan nang nahulog kay Bianca Manalo!

  1. There are people who are really blessed with happiness and love in life! Patuloy ang pagmamahalan John at Bianca. :)

  2. NILILIGAWAN DAW SI SHAMCEY NG ANAK NI BHUTTO, IMAGINE PAG KINASAL SILA ANG FULL NAME NIYA AY “SHAMCEY SUPSUP BHUTTO”………….HAHAHAHA…………BASTOS!!!!!!!!!!!

  3. Sa mga hindi pa nag vote ke SHAMCEY supsup sa online voting ng miss universe. Vote na kayo. dapat araw-araw iyon 10 beses sa isang araw. hanggang sa mag close na yung online voting. vote lang ng Vote. Tulungan natin si SHAMCEY para makapasok sa TOP 5

  4. C BIANCA MANALO PARANG C MARIAN RIVERA DIN PAREHO CLANG AHAS AT MANG-AAGAW NG LALAKE NG MAY LALAKE. PAREHONG IMORAL NA PAKANTOT KAYA C BIANCA AY MARIAN RIVERA THE 2ND NA. GANYAN DIN GINAWA NI MARIAN NUNG INAHAS NYA C DINGDONG GUNGGONG K KARYLE. NUNG UNA DENY TO DEATH CLA NA FRIENDS LNG CLA TAPOS LUMABAS DIN SA HULI NA MAG-JOWA NA PALA CLA. SO VINDICATED NA C KARYLLE. DI BA NGA NABUNTIS AT NAGPA-ABORT PA NGA DAW YANG C MISS PSYCHOLOGY.BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

  5. Tama si John Pratts, kasi beauty queen, maganda, mukhang mabait kasi good vibes sila ni Mariel eh maraming tsismis ke Mariel tungkol sa friendship na di ko alam kung totoo kasi tsismis nga, desenteng pamilya at FIRST BOYFRIEND daw siya kung totoo so di kiriray gaya ng mga ex niya na si Heart, Shaina at Rachel Ann na marami ng naging BF and papalit palit.

  6. wag na lang kasi magcomment kung walang magandang sasabihin. inggit lang. as if napakatatangkad ninyo. Size doesnt matter but performance does. :))

  7. Hay nku sila na no,natural lng na d pa yan aamin ksi
    Ayaw nilang mabuking na niloko nla si rachel..style na
    Bulok….hahaha

  8. Mabait yan si pratty..syempre mahirap naman na di mo sundin puso mo. DI nya pinagsabay, nakipag-break muna sya bago sya pumasok sa ibang relasyon. Mahirap din kung tayo ang nasa sitwasyon nya. lahat sila galing sa disenteng pamilya. Respeto na lang please.

  9. GAGAWA NG MOVIE SILA JOHN AT BIANCA ANG TITLE “FOR YOUR HEIGHT ONLY” REMAKE NG MOVIE NG LEGENDARY MIDGET ACTOR NATIN NA SI WENG WENG (RIP)

Leave a Reply

Your email address will not be published.