John Prats, pakakasalan na si Isabel Oli?

John-Prats-Isabel-OliMUKHANG NAHANAP na ni John Prats ang babaeng nakalaan para sa kanya sa katauhan ni Isabel Oli. Hindi ba’t minsan nang umugong ang mga haka-haka na malapit na silang magpakasal dahil sa isang post ni Pratty sa Instagram? Pero sa interview ni Pratty sa Tapatan ni Tunying, sinabi niyang hindi pa sila engaged. When asked kung kailan sila magpapakasal, he answered, “Hindi na siguro magtatagal.”

Sinabi rin niya that his ideal age for marriage is 30 years old. Tila isa itong pagpapahiwatig that he is ready to settle down because he recently celebrated his 30th birthday. Time flies really fast! Parang kailan lang nang una natin siyang napanood sa Ang TV kung saan isa siya sa mga talented kids kasama ang kapatid na si Camille na kinagiliwan natin pagpatak ng 4:30pm araw-araw. Pratty grew up before our eyes and now he is already talking about settling down.

Kuwento niya kay Tunying, “Ako, finally masasabi ko na siya, nahanap ko na iyong taong alam kong susuportahan ako, na nandiyan sa likod, na kaya niyang isakripisyo ang career niya at iyong personal niyang interest para alagaan ako at suportahan.”

Hindi maikakailang sumasayaw ang puso ng ating Prince of Dance and Dancefloor Dynamite. At bakit naman hindi? Super proud si Isabel na ipagsigawan sa buong mundo ang kanyang pagmamahal kay Pratty? Isabel posted on Instagram during his birthday, “Blessed Birthday to the most handsome, down to earth, super talented (Dancefloor Dynamite/Host/Actor), sweetest person I know, my Hubb @iamjohnprats (love). I’m really blessed to have you in my life, nothing could be more special than the day when you came into this world.”

“Thank you for loving me, for making me laugh, for being silly, for taking care of me, for being so patient with me, for being the best boyfriend and bestfriend to me. I will always be here for you no matter what. May God’s awesome blessings be upon you this day and for the future years ahead. Stay awesome Hubbytaotao! I love you Hubbaaah Happy Birthday and Happy Valentines Mars Love, Your #1 Fan… Wifeytotit (love).”

One thing that ideally comes with a person’s age is his maturity. At ito ang nakita ko kay Pratty when he talked about marriage. “You don’t want to fail your family. You don’t want to fail your wife, your kids. So hindi biro iyon. So sa akin, isip-isip muna tayo ng isang milyong beses bago natin pasukin. ‘Di mo na maibabalik iyon.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.