John Prats, nataranta sa panlalait by Archie de Calma

NATARANTA SI JOHN Prats sa mga upasala at batikos na napala niya sa pagrampa sa nakaraang Bench underwear show kaya naman sumailalim siya sa South Beach Diet na siyang nagwo-work para sa kanya.

Noong una, ang akala ni John ay sapat na’yung nagbabawas siya ng pagkain ng kanin. Pero, bumaba talaga ang timbang niya nang umpisahan niya ang South Beach Diet plan niya, na wala siyang ibang kakainin kung hindi ang nakapaloob lamang dito.

Hindi man direktang sabihin ni John, gusto rin niyang masubukan ang pagta-trunks sa mga underwear show. Pero, hinay-hinay raw muna. Kapag na-develop na sa diet at gym ang katawan niya, sasabak na siya sa rampahan nang naka-topless, pero huwag daw munang naka-underwear.

Besides, John can’t forever be doing roles na gaya sa ginagampanan niya sa OMG (Oh, My Girl!), bilang sidekick ni Ogie Alcasid. Nagma-mature na nga raw siya. In fact, sa Precious Hearts Romances Present… Bud Brothers, medyo mature na ang look niya for his role.

KATULAD NINA RICHARD Gomez at Joey Marquez, padaraanin muna ni Jomari Yllana ang 40 days ng manager nilang si Douglas Quijano para makapaghanap ng bagong manager. Naiisip ni Jom na kumuha na lamang ng agent, na siyang ginagawa ni Goma sa ngayon sa pamamagitan ni Marilen Nuñez na siyang nakikipag-usap na sa mga executive para sa ilang deals ng aktor.

Pero, sa ngayon, mukhang ang trabaho bilang artista ay maluwag na dumarating kay Jom nang hindi kailangan ng manager. Sabi nga niya, silang seniors sa kuwadra ng nasirang Douglas ay naka-established na ng network. Kailangan lang talaga ng mapagkakatiwalaang agent na siyang mamamagitan para sa kanila, lalo sa usapin ng pera. Sa talent fee ay walang magiging problema dahil sa umpisa pa lang, nai-design na ito ni Tito Dougs bago pa man ito namayapa.

Si Jom din ang mukhang nagmamana sa husay ng yumaong talent manager sa larangan ng pagpo-produce. Inumpisahan ni Jom sa pagpoprodyus ng concerts. Nakadalawang successful major concerts na si Jom sa pamamagitan ng Fearless Productions kasama ang ibang kaibigan.

Sa pangatlo, dadalhin niya sa NBC Tent ng Taguig ang Youtube phenomenon na si Marie Digby, nagpasikat sa acoustics version ng Umbrella ni Rihanna. Magaganap ang concert na ito sa darating na August 1.

Eventually, magbe-venture out si Jom sa paggawa ng pelikula. Hinay-hinay lang sa mga plano, pero sa track record ng aktor, so far, unti-unti nga niyang naisasakatuparan ang mga ito.

Gusto nga sanang umpisahan ni Jom sa pamamagitan ng anak na si Andre ang pagma-manage sa career nito. But, Jom doesn’t mind kung sa commercials, si Boy Abunda na ang nakikipag-negotiate sa deals ng bata. Ipinauubaya niya kay Aiko Melendez ang desisyon dito dahil ito naman ang ina ng bata, and besides, Aiko is now being handled by Boy Abunda.

Hahanap na lang si Jom ng ibang talents na maima-manage eventually.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

One thought on “John Prats, nataranta sa panlalait by Archie de Calma

  1. di na teen-ager si jomari pero kung umasta bagets pa rin. wala pa siyang napatunayan bilang artista ni nomination yata wala pero akala mo kung umasta, de kalibre. bawasan na ang pa-cute, wag ng basain ang labi di ka naman si antonio banderas. sabagay pareho kayong laos.

Leave a Reply

Your email address will not be published.