John Prats, napikon sa mga kapitbahay!

NAG-REACT NA NGA si John Prats sa a tsismis sa kanyang ama na pinaratangan na nang-iwan sa kanyang mga kapitbahay. Bilang presidente ng Village East Homeowners Association Inc. sa Rizal, responsibilidad ng ama ni John Prats na si Daddy Dondie na manguna sa pagtulong sa mga ka-village nila noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Pero ang kumalat na balita, mas nauna pa raw na lumikas ang kanilang pamilya at hindi man lang daw tumulong sa mga kapitbahay.

Matindi itong tinutulan ni Daddy Dondie nang bisitahin namin ito sa kanilang village noong isang linggo. Pinakita nito sa amin ang naging epekto ng baha sa kanilang opisina sa kahabaan ng Imelda Avenue. Abot hanggang dibdib ang tubig at kinailangan na ilikas nila ang kanilang mga computer at iba pang kagamitan sa opisina. Sunod na ipinakita sa amin ni Daddy Dondie ang anim nilang sasakyan na inabot din ng tubig. Naabutan pa namin ang isang sasakyan niya na ready nang hatakin ng mga mekaniko.

[ad#post-ad-box]

Natunton na namin ang Village East at hanggang ngayon ay bakas pa rin ang epekto na idinulot ni Ondoy. Maputik pa ang ilang bahagi ng village at ang basura ay tambak pa sa ilang mga kanto. Kita mo ang taas ng tubig na bakas sa mga dingding ng mga bahay. Hindi nga lahat ng bahay rito ay may second floor kaya wala na talagang natira rito. Naroon din ang ilan pang mga sasakyan na inanod ng baha at hindi pa nahahatak ng mga mekaniko. Personal pa naming binisita ang bahay nina John Prats at ipinakita sa amin ni Daddy Dondie ang ilang mga litrato at videos sa kasagsagan ng baha. Parang dagat ang sitwasyon sa harap ng kanilang bahay sa bilis ng ragasa ng tubig. May creek pala sa loob ng village nila at ang parang “dike” na humaharang sa pag-apaw ng tubig at ‘yung dikeng iyon ay nasira kaya tuluyang pumasok sa village ang baha. Rinig pa nga namin ang boses nila Daddy Dondie at John sa kanilang pinakitang video.

Masama ang loob nina John at Daddy Dondie sa mga kumakalat na balita. Sa katunayan, kinabukasan matapos ang bagyo, nagpadala na sila ng mga trak para mailikas ang ilang mga kapitbahay nila. Pati nga mga sasakyan nila sa opisina na hindi naman pagmamay-ari ng village ay ipinagamit nila. Hanggang sa mga oras na binisita namin ang village, mga tauhan pa nila Daddy Dondie sa kanilang opisina ang tumutulong na mai-clear ang mga kalsada sa tambak-tambak na putik.

Imbes na mapikon at magalit, ay pinapasa-Diyos na lang ni John ang mga taong naninira sa kanila. Sinabi pa niyang, buti na lang at last term na nang kanyang ama bilang presidente ng homeowners association nila at hindi na ito tatakbo. Walang katotohanan na nauna pa silang lumikas noong bagyo. “Paano naman mangyayari iyon, e, kahit kami hindi makalabas ng bahay sa taas ng baha, so paano kami ang mauunang lumikas?” tanong ni John.

Naikuwento sa amin ni Daddy Dondie, na nakapagpaanak pa sila ng isang buntis noong kasagsagan ng bagyo sa may ‘di kalayuan sa kanilang lugar. Sa isang bahay sa tapat ng kanilang clubhouse, may isang buntis na manganganak na. Si Daddy Dondie pa ang naghanap at nagbahay-bahay para makakuha ng suwerong gagamitin. Kaya imposible raw ang mga kumakalat na kuwento.

Walang maipakitang dyowa: Rufa Mae, ilusyunada! – morly

Ilusyunada si Rufa Mae Quinto!”

Ito ang tili ng isang taong malapit sa aktres dahil hindi raw totoo ang sinasabi nitong milyonaryong boyfriend.

“Actually, nu’n pa talaga gustong mag-asawa at magpakasal ni Rufa Mae, kaya lang ang problema ay parang walang lalaking gustong sumeryoso sa kanya,” say ng aming source.

Ayon pa rin sa aming source, “pagpapakasal” ang isa sa mga tunay na dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Erik Santos kay Rufa Mae. “Hindi pa kasi handa si Erik, e, parang gusto nang magpakasal ni Rufa Mae kaya hayun nu’ng umayaw si Erik nakipag-break na si Rufa Mae,” dagdag ng aming source.

Sa kabilang banda, marami rin naman ang naniniwala na totoong may milyonaryong boyfriend si Ruffa kaya lang ay hindi nito maipakita sa publiko ang latest boyfriend dahil iyon ang kanilang usapan, na kailanman ay hindi dapat malantad ang non-showbiz boyfriend. “Sana nga ay hindi ilusyon lang ni Ruffa Mae ang sinasabi niyang boyfriend dahil nagmumukha siyang kawawa sa kanyang mga sinasabi.”

Sinabi ni Joem Bascon na okey lang sa kanya na maging instant daddy ng anak ni Meryll Soriano kay Bernard Palanca.

Wala siyang nakikitang masama kung gampanan niya ang tungkulin niya bilang “tatay” ng anak sa pagkadalaga ni Meryll.

“Nagmamahalan kami at iyon ang importante sa amin,” say ni Joem na nagsabi ring madalas silang magkasama ngayon ni Meryll at sa lahat ng kanyang naging girlfriend ay ngayon lang siya naligayahan. “Ibang klase kasi si Merylle, hindi siya mahirap pakisamahan at napakabuti niyang tao.”

Ayon pa rin kay Joem, hindi naging malaking hadlang ang pagiging dalagang ina ni Meryll sa kanilang pamilya. “Na-introduce ko na siya sa family ko at okey naman po sila dahil nababaitan sa kanya ang parents ko.”

Si Meryll ang babaeng gusto niyang pakasalan kaya lang sa tuwing sasabihin niya kay Merylle ang katagang kasal ay natatawa lang daw ang aktres. “Parang hindi pa kami yata handa. Minsan nga binibiro ko siya tapos tawa lang siya nang tawa.”

Bukod kina Sharon Cuneta, Angel Locsin at Kris Aquino ay pumapang- apat si Marian Rivera sa may pinakamaraming commercial na ineendorso.

“Magaan kasing endorser si Marian dahil sikat siya. Nadadala niya sa kasikatan kung anuman ‘yung produktong ipinakikilala niya “ pahayag iyon ng isang kapitalistang nakausap namin.

Samantala, kung gaano kasuwete si Marian sa commercial ay parang minamalas naman siya sa Darna dahil habang tumatagal ay papangit nang papangit ang nasabing programa na ang kuwento ay hindi mo alam kung saan pupunta.

Dati ay pinapanood namin ang Darna pero dahil magulo ang story na halatang niloloko na ang kanilang mga manonood ay inihinto na namin ang pakikipaglokohan sa kanila at hindi na namin pinapanood ang nasabing programang ito ni Marian.

Paging channel 7, alam ba ninyong habang tumatagal ay lalong pumapangit ang story ng Darna?

loading...

3 thoughts on “John Prats, napikon sa mga kapitbahay!

  1. Siguro ang mahiwagang taong nagkakalat nang tsismis na wala talagang boyfriend si Ruffa Mae ay si Jessa Zaragosa. Galit pa rin ito kay Ruffa. Hi Hi Hi!

  2. The Prats need to take care of themselves first. This is a disaster with no warning. The first instinct of a father is to save his family and property. Mga pilipino kung minsan, palaging naghahanap nang masisisi. Ang tulungan, umpisa muna sa pamilya. I’ll probably do the same thing. Save my family first, run and save whatever I can from my home and business. Bakit, wala bang padre de pamilya ang LAHAT nang nasa subdivision at aasa pa sa tulong nang presidente nang HOA. I live in a subdivision here in Roseville, CA, with an HOA and elected officials, but I am sure we will not depend ENTIRELY on the president of the HOA in times of calamity. We will try to do our best to get out of this predicament. Hindi kami mauupo at maghihintay na isalba nang HOA president. NAKAKATAWA NAMAN TAYO. TIGILAN NA ANG PAGIGING MAPANGHUSGA AT MAPANISI.

Leave a Reply

Your email address will not be published.