JOHN PRATS, MAGPAPAGAWA NA NG BAHAY NILA NI RACHELLE ANN GO!

HINDI DUMAAN SA ligawan ang love relationship nina Rachelle Ann Go at John Prats. Basta raw naramdaman nila, they’re in love with each other. Ayon sa singer-actress, ibang klaseng excitement ang nararamdaman niya tuwing kasama ang binata. Nakausap namin si Rachelle sa set ng Nita Negrita, walang kiyemeng sinagot ang tungkol sa relationship nila ni John.

Pinaghahandaan na raw ninyo ang paglagay sa tahimik?

“Napag-uusapan, pero wala pang plano, napakaaga pa para pag-usapan ang mga bagay na ‘yun. Marami pa kaming gustong gawin, so ini-enjoy lang namin ‘yung relationship na mayroon kami sa ngayon,” simpleng sagot ni Rachelle.

Papaano mo idi-describe ang relasyon ninyo ni John?

“Nando’n ‘yung trust. Nando’n ‘yung respeto. Ang maganda doon, nararamdaman kong naggo-grow kaming pareho as individual and as a couple. At sabay kaming nagcha-church, nakakatuwa! Napaka-mature ‘yung relationship namin.”

Nagselos daw si John kina Christian Bautista at Gab Valenciano?

“Natatawa na lang siya, kasi tapos na naman ‘yun. Wala naman dapat pagselosan dahil alam naman niya.”

Memorable gifts na natanggap mo kay John?

“Material? Na-appreciate ko naman ‘yung mga ganyan, pero mas na-appreciate ko ngayon ‘yung simpleng bagay. ‘Yung ka-sweetan lang. ‘Yung mga letters, ganyan. ‘Yung mga little supri-ses.”

How true na kuripot daw si John, hindi mahilig magregalo ng mamahaling gamit?

“Hahaha! Talaga? I don’t think so, parang hindi naman. Very generous siya, hindi lang sa akin pati sa pamilya at kaibigan. So, hindi ko siya kinakitaan ng pagkakuripot. Kung kailangan ng tulong nando’n siya, ganyan. Tapos siya ang nagtri-treat sa lahat sa mga friends niya.”

Si John ba ang gumagastos kapag nagdi-date kayo or the other way around?

“Ako ‘yung tagapigil kapag kumakain kami sa labas. Sabi ko, magtipid ka, kasi magtatayo na siya ng bahay this year. Nag-iipon raw siya, kailangan niyang mag-ipon.”

‘Yung bahay na ipatatayo ni John this year, sa inyong dalawa ba ‘yun?

“Hindi. Siyempre, ‘yun ang gagamitin niya kapag nag-asawa na siya. ‘Yun ang titirhan nila sa Antipolo, malaki-laki ‘yun, di ba? Well, let see.”

Halatang thrilled ang dalaga sa bagong bahay na ipatatayo ni John.

“Nai-excite ako, siyempre, humihingi rin siya ng tulong sa akin, suggestion sa bago niyang house,” aniya.

Paano ka nga pala na-attract kay John?

“Nanligaw ‘yan sa akin, ASAP pa lang. Mga five or six years ago siguro. Deadma lang ako noon sa kanya, kasi marami akong naririnig na may pagka-playboy si John. At siyempre, bago palang ako noon hindi ko pa alam kung paano ako kikilos, so hindi ko na lang siya pinansin.”

‘Yung feeling ninyo sa isa’t isa ni John, paano na-develop?

“Kasi, marami kaming na-ging common friends na tinuturing kong bestfriends dito sa industriya na naging close din niya. Tapos, lagi kaming nagba-bonding ng grupo.”

Qualities na nagustuhan mo kay John?

“Napaka-totoong tao, wala kang mararamdaman na kasyowbisan sa kanya. Bilang matagal na siya dito sa industriya, walang ganoon, walang ere. At saka, nakita ko ‘yung respeto niya sa family, do’n mo makikita as a man na kung papaano siya, ‘di ba ? So, sa pamilya talaga, doon ako natuwa.”

Inamin ni Rachelle na tanggap siya ng pamilya ni John at ganoon din sa side ng pamilya niya, so, everybody’s happy?

“Opo, okey lahat, walang problema sa family namin ‘yung relationship naming dalawa,” sey niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “JOHN PRATS, MAGPAPAGAWA NA NG BAHAY NILA NI RACHELLE ANN GO!

  1. MASAYDONG MABILIS ANG RELASYON NILA,,NAGING EASY TO GET SI RACHELL ANNE,,WELL,WISH THEM ALL THE BEST,,E ITONG SI RACHEL NAMAN,DI RIN MAPAKALI ITONG GIRL NA ITO,,NAGBIBILANG DIN NG JOWA,,,
    GUD THING,,GUD INFLUENCE SILA SA ISAT ISA GAYA SA RELASYON NI HEART AT DANIEL MATSUNAGA,,PAREHONG NAGBABASA NG BIBLE,NAG CHUCHURCH INSTEAD MAG PARTY,,PAREHONG NAPAPALAPIT LALO KAY GOD,.

    ITS TOO EARLY TO SAY NA SILA NA NGA,,BATA PA DIN NAMAN MGA YAN,,WAG MAGMADALI,,BAKA IKADAPA LANG NILA,,MASAYA LANG SILA FOR NOW,,BETTER KILALANIN MUNA NILA ISAT ISA,,DIBA,,BE A COUPLE FOR GOD at OK LANG MAINLOVE PERO SANA MAY LIMITASYON SILA SA ISAT ISA,,IWAS BUNTISAN,,HEHE,,,

  2. Pingback: Tweets that mention JOHN PRATS, MAGPAPAGAWA NA NG BAHAY NILA NI RACHELLE ANN GO! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.