John Prats, ipinaubaya na kay Sam Milby si Shaina Magdayao

SA GINAWANG pagpapaalam ni Sam Milby kay John Prats tungkol sa nararamdaman niya at balak na panliligaw kay Shaina Magdayao, ‘di itinago ni John na sobra niyang naa-appreciate ang pagpapahalaga ng matalik na kaibigan sa kanyang nararamdaman.

Ikinuwento sa amin ni John na hindi lang bilang matalik na magkaibigan ang samahan nila ng kaibigan kundi parang  magkapatid. Siniguro rin niya na wala na talaga siyang nararamdaman para sa ex-girlfriend, kung saan nakadalawang girlfriend na nga siya pagkatapos ni Shaina. Hindi na rin pinagtakhan ni John kung magkagusto man si Sam kay Shaina dahil bukod sa maganda talaga, mabait naman ang aktres.

Ngayong nakikitang lumalabas na sila ni Isabel Oli, kung saan kamakailan ay nakita silang magkasama ng aktres sa Rockwell Powerplant, bukod kay Sam, sa amin unang nagpa-interview si John tungkol sa paghanga niya sa aktres. Tinanong din namin kung alam ba niya na ang rason daw kung bakit naki-pag-break si Gab Valenciano kay Isabel ay dahil gusto na raw nito ng isang ser-yosohan talagang relasyon na mauuwi na sa pagkakaroon ng pamilya. Nagbigay-komento si John na hindi niya alam ang naging takbo ng relasyon ng dalawa at hindi pa niya iniisip ang tungkol sa mga bagay na ito. Pero alam naman din niya na hindi na siya bumabata at darating ang puntong kailangan na niya ang magkaroon na rin ng sariling pamilya.

Kung hahantong nga ba sa kasalan ang papausbong na relasyon nina John at Isabel, maaga pa para sabihin ito, lalo’t marami ang puwedeng mangyari sa paglipas ng mga araw.

 

SA GRAND presscon ng Juan dela Cruz, marami ang nagulat sa naging pag-amin ni Coco Martin na nagkaroon siya ng espesyal na nararamdaman sa kaparehang si Erich Gonzales. Pero hindi niya itinuloy ang balak na panliligaw rito.

Agad naman naming hiningan ng reaksyon ang aktres tungkol dito at ipinaliwanag naman nito na hindi naman niya masasabing ligaw ang ginawa ni Coco, kundi palipad-hangin lang nu’ng panahon ng syinu-shoot nila ang pelikulang ‘Noy. Bukod sa ramdam niyang parang biro lang ang ginagawa ng kapareha ay naging bukas din naman siya na hindi pa siya handang pumasok sa pakikipagrelasyon. Ayaw rin namang sabihing binasted niya si Coco dahil ‘di naman dumating sa puspusan talagang nanligaw sa kanya ang aktor.

Kinumusta namin ang relasyon niya sa kanyang non-showbiz boyfriend, masayang nagkuwento naman si Erich na maganda at maayos ang takbo ng relasyon nila at wala rin siyang problema sa pamilya ng boyfriend. Pribado at walang alam sa pasikut-sikot sa showbizness, sa kabila nito ay ‘di naging problema kina Erich at sa kasintahan ang oras at mga intriga, dahil bukod sa alam naman nito kung gaano niya kamahal ang kanyang propesyon ay napaka-supportive nito at bukas din siya rito sa mga nangyayayari at ginagawa niya sa kanyang trabaho.

Siniguro rin sa amin ni Erich na secured and boyfriend sa kanilang relasyon bukod pa sa hindi na ito bata para magselos sa ganu’ng mga bagay. Sampung taon ang age gap nila ng boyfriend na para kay Erich ay nakatulong pa para higit na maging maganda ang takbo ng kanilang relasyon. Klinaro uli na ‘di pa umaabot sa engagement ang estado ng kanilang relasyon, pero nakikita na niya rito ang lalaking gusto niyang makasama habang-buhay.

Tinanong din namin kung may pressure ba sa kanya bilang kapareha ni Coco na halos lahat ng pingabidahang serye ng aktor ay nag no.1 at nanguna talaga sa primetime tulad ng Walang Hanggan, aminadong ang pressure ay laging nandiyan pero ang pokus nila ay mas higit na makapagbigay ng de-kalidad at magugustuhang teleserye para sa mga manonood.

Panay papuri ang binitawan kay Coco, ayon kay Erich ay ngayon niya nakita ang higit na pagmamahal, passion at dedikasyon ng kapareha sa trabaho nito.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

8 thoughts on “John Prats, ipinaubaya na kay Sam Milby si Shaina Magdayao

  1. Disgucting like the writer of this stupid column!!! tagal nang wala ng bansot na john prats na yan at ni shaina bakit me papaalam pang nalalaman??? bakit property ba ng bansot na yan ni shaina???? alaga ba ni bansot???? KACHIPAN!!!!!

  2. BAKIT NAMAN MAG IINARTE PA ITONG SI SAM AT MAGPAPASINTABI PA KAY JOHN PRATTS? SOBRA NAMANG PAGKA GENTLE(WO)MAN NYAN. SO DAPAT MAGING READY SI SHAINA NA WALANG SEXUAL ACTIVITY INVOLVED SA PAPASUKANG RELATIONSHIP NI SAM DAHIL BORN AGAIN CHRISTIAN SYA. SAME REASON WHY PIOLO’S EX’S (FEMALE EX’S, I MEAN) COMPLAINED BEFORE. 

    • I think wala naman masama if magsabi sya sa friend nya na si praty if ever he wants to court shaina.yun e if gusto nya talaga ligawan at di promo lang para mapag usapan

Leave a Reply

Your email address will not be published.