John Prats at Sam Milby, naispatan sa basement ng GMA-7!

May nakakita kay Sam Milby at John Prats sa basement ng GMA-7 nu’ng Lunes. Chikka ng aming source, nasa loob daw ng sasakyan ang dalawa at tila may hinihintay. Maya-maya, may nakitang lumabas sa basement – si Rachelle Ann Go.

Sinundo pala ni John ang napapabalitang girlfriend nito na si Rachelle Ann para mag-dinner. Galing ang magandang singer sa rehearsal ng Valentine concert ni Charice para sa Kapuso Network.

Jolina Magdangal,inaaway sa Twitter!

Napag-tripan si Jolina Magdangal on Twitter at sinabihan ng masasakit na salita. To be specific, tinawag na laos si jolens at kung anu-ano pang below the belt statements.

From charing pepeko, “di ako magtataka kung pati si @mariajolina ay lumipat na sa tv5. lumangoy na sya sa laocean deep! Bwahawhawhaw.

From ey_bi_si @mariajolina jolie magazine yuck hahahaha, kawawa ka naman yan lang ang ginagawa mo sa buhay mo sobrang laos ka na.

Nakausap namin si jolina tungkol sa issue. Sabi niya, sana raw sa mismong harapan niya ito sabihin. ‘Di raw siya magpapaapekto sa mga naninira sa kaniya. At kung ‘di siya titigilan, ‘di rin siya titigil kaba-block sa mga taong naninira sa kanya. Patuloy pa rin daw siyang magtu-tweet para sa mga kaibigan.

Kylie Padilla, ipinakilala kay Robin si Aljur!

Ipinakilala na raw pala ni Kylie Padilla sa amang si Robin Padilla si Aljur Abrenica. Napabalitang nanliligaw diumano ang binata sa dalaga ni Binoe, at kailan nga lang ito nag-18, kaya naman pumayag na ang ama nito na magpaligaw siya. Sinabi raw ng ama kay Kylie na paakyatin muna ng bahay kung sino man ang manliligaw sa kanya.

Tinanong namin si Kylie tungkol dito. Sabi sa amin ni Kylie, “Siya mismo ang nagsabi na kapag 18 ka na, okey lang. Kasi idol ni Aljur si Papa, si I thought, I was doing something nice na ipakilala siya. Lahat po kami magkakaibigan,”

Parang pumapagitna si Aljur sa dalawang nag-uumpugang bato, dahil nali-link din si Aljur sa pinsan ni Kylie na si Bela Padilla na kapareha nito sa isang soap.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

One thought on “John Prats at Sam Milby, naispatan sa basement ng GMA-7!

  1. medyo misleading ang title ha,kala ko kung 'ANO' na naman,hahaha…in all fairness kay jolina,hindi sya laos,may mga appearances pa rin sya,yet super talented pa rin ang chuva chuchu,ignore mo na lang ang mga 'FAGGOTS' na yan… lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.